Dimasalang
Tirik ang araw habang naglalakad ako papasok. Maingay ang kalsada habang patuloy sa pag mamadali ang kapwa ko estudyante.
Buntong hininga nalang ang aking nagawa matapos ibaba ang bag sa lamesa wala pang tao.
Sinarado ko ang pinto at binuksan ang aircon sa silid. Patay pa ang ilaw ala sais palang ng umaga mamaya pang ala syete y media ang unang klase namin.
Nag talukbong ako ng hoodie bago natulog. Hindi pa lumalalim ang aking pag tulog ng marinig ang pag bukas ng pinto hindi ko na ito pinansin dahil alam ko na kung sino ito.
Hindi nga ako nagkakamali dahil ramdam ko ang pag upo niya sa unahang mesa.
Matapos ng klase ay inaantok kong inayos ang aking mga gamit. Kagaya ng mga naunang araw ay walang gana kong binaybay ang koridor.
Isang tulak mula sa nagkakagulong estudyante ay muntik na akong mahulog sa hagdan buti at napahawak ako sa balikat ng lalaki sa harapan ko.
"Sorry." Tanging nasambit ko hindi ito lumingon o tumango man lang basta nalang naglakad at ganoon din ang ginawa ko.
Lulan ng Dyip ay papikit pikit ako ng bumagsak bigla ang napakalalaking patak ng ulan.
Kalong ang bag ay pilit kong nilalabanan ang antok. Sa pag aakalang blumentritt na ay walang atubili akong bumaba upang malaman na nasa Dimasalang street pa rin ako.
Dahil walang payong ay itinaklob ko sa aking ulo ang hoodie bago naiinis na niyakap ang bag. Nilakad ko ang sunod na seven eleven bago roon sumilong.
Bumili na rin ako ng makakain at naupo na matapos mag bayad. Nasamid pa ako ng makita ang isa sa mga kaklase ko.
Tanashiri o tinatawag nilang Ash.
Nakatitig at hindi man lang umiwas ng makitang napansin ko na siya.
Matapos kumain kahit umuulan ay lumabas na ako.
Ganoon palagi ang aking araw. Hindi man lang nagbago o nag iba. Ito na siguro ang sinasabi nilang kagaya ng kahapon ang mangyayari ngayon.
P.E namin kaya umakyat kami sa 7th floor 'di pa ayos ang elevator kaya hinihingal akong napahawak sa pader.
Muntik na akong mapamura ng biglang sumulpot si Ash mula sa gilid. Kagaya noon ay malamig ang tingin. Malamit ko siyang marinig magsalita lalo naman ang tumawa pero mas malimit ko siyang makitang mag iba ng ekspersyon sa mukha.
"Tawag ka ni sir." Wika nito bago umalis at nauna ng pumasok sa gymnasium.
Napailing ako bago hinihingal na sumunod sakaniya. Literal akong napamura ng banggitin ni sir na by partner ang sayaw at dahil parehong huli ang apilyedo namin ni Ash ay kami ang magkapareha.
Nanlalamig ang kamay ko marahil ito ang unang beses na hahawak ako sa kamay n kaedad kong lalaki o dahil alam kong mapapatid ako sa bilis ng sayaw.
Magkaharap at hindi nag titinginan, ramdam ko ang awkwardness sa paligid namin.
YOU ARE READING
See you in Intramuros
KurzgeschichtenA very tragic story for her because she wanted pursue her dream, live her life to the fullest, and just forget about everything behind. She is full of self doubt, self pitying, she's a midnight herself. Distant and afraid to feel what she's been lo...