Kabanata 6

0 0 0
                                    

If it's hurting you, why hold on tight?

Maybe because letting go is not really my forte, or maybe because it's him.

If love hurts that much, why risk it with all of your aces?

I should really stop asking this but do really love worth the fight and risk?

Ash really knows now how to handle me. It's like he's trying his best to learn every strings attached to me.

I should stay away because he's gone mad. Sometimes I will see him looking at me intently and I'm not that stupid not to notice him.

But sometimes I will assure myself that I'm just assuming things and I'm the problem.

I like the comfort he's giving me.

It felt like home—but I should stop—.

"Consuelo, Kain na." Iling lang sinagot ko kay Ash. Bitbit niya ang isang paper na naglalaman ng pag kain ilang ulit na ako tumanggi pero nakasunod pa rin siya. Hindi nakikinig.

"Busog ako Ash." Bulong ko habang patuloy na nagkukunwaring may binabasa.

"Come on, just accept it. Kanina ka pa hindi kumakain Consuelo." Marion niyang sabi habang matamang nakatitig sa mga mata ko.

Para akong hinihipnotismo ng maganda niya mata, matangos na ilong at mapupulang labi.

Agad akong natauhan nang malaman na nakatitig ako sakaniya na para bang isa siya na ang pinakamagandang bagay na narito sa mundo.

Wala sa sarili kong nakagat ang labi bago kinuha ang paper bag. Nanginginig man ay tumalikod na ako at nag lakad. Hindi nakatulong na 6th floor ang room namin at nakaalalay siya saakin na para bang malalaglag ako.

Hinihingal akong huminto at masama siyang tinignan. Inosente siyang tumingin pabalik saakin. Frustrated akong naglakad ulit paakyat.

Dahil ang unang galit ay napapalitan na ng emosyon na kilalang kilala ko pero nag bubulag bulagan at nagtatanga tangahan ako para masabing malabo at hindi totoo ang lahat ng nakikita at nararamdaman ko sa lalaking ito.

Kahibangan.

Iyon ang tanging salita na paulit-ulit kong bibigkasin. Isang kahibangan ang mahulog at magpagapos sa sinasabi nilang pag-ibig.

Nang makarating sa tapat ng pinto ng classroom ay hindi ko namalayan na masyado pala siyang malapit saakin kaya ng sinara ko ang pinto ng napakalakas ay naipit siya.

Napasinghap ako at nanlalaki ang mata ng tumuon sakaniya.

"Ash!! Ano ba?! Bakit kasi sunod ka nang sunod?!" Mariin kong sigaw. Hindi na namalayan ang teacher na nasa loob ng silid.

"Boogsh , Ay Lq sila." Asar ni Sir, Adviser namin. Nahihiya akong yumuko bago tinarayan si Ash at tumungo sa upuan.

"Anyare Mayor? Tiklop?" Gatong ni sir. Nakaupo na ako kaya kita ko si Ash na kakamot kamot sa batok at nahihiyang tumango kay sir.

"Hindi kaya sir, ang sungit eh." Bulong niya. Bago umupo sa upuan niya.

"Attendance muna Mayor, naku! Late kayong dalawa ah." Nakangiting sambit ni sir.

Iiling iling pa si sir bago nag simulansa discussion.

"Mayor pinapatawag kayo, so baka late na kayo makauwi dahil may meeting sa gym. After class ikaw lang maiiwan Ash mag-usap tayo."

Napatingin ako kay Ash halatang iniinda niya 'yung naipit niyang daliri. Naiinis man ay nakokonsensya ako sa nangyari.

Ako 'yung may problema pero sakaniya nababalin ang lahat.

See you in Intramuros Where stories live. Discover now