You are alluring
They say waves are supposed to scare you and make you stay away from the deep blue ocean. If waves are meant to be scary why does he always love to swim in that ocean and play with the big waves?
Nervous while waiting for Ash I almost cursed when he arrived in the cafeteria.
Tumayo ako at kabadong naglakad patungo sa library. Hindi kami pwedeng maghati sa nga topics na sakop sa Quiz Bee kaya aaralin namin lahat.
Wala pa man ay napapagod na ako.
Napansin siguro ni Ash 'yon kaya inabot niya saakin ang dalawa sa apat na bitbut niyang sterilized milk.
"Kumain muna tayo." Sambit niya at inabot ang mga gamit ko.
Hindi ko alam na makakalma pala ako sa pag kain. Dahil habang tahimik kaming kumakain ay gumagaan ang pakiramdam ko.
Hindi ko alam kung dahil ba sa gatas o kanin na kinakain ko.
Panay ang sulyap saakin ni Ash ng siguro napansin na may tinitignan ako sa labas.
"May gusto ka pang kainin?" Marahan niyang sambit.
Umiling ako ngunit halos mapatayo ng makita ang hinahanap mangga kaso tumawid na ito kaya umupo ulot ako at inubos na ang kanin.
Hindi nag mamadali si Ash at laking pasalamat ko dahil hindi niya dinadagdagan ang pressure na binibigay ko sa aking sarili.
Habang nag babasa sa library ay humihikab na ako. Inaantok na mag aalas kwatro na rin kasi.
Si Ash ay panay ang tanong saakin tungkol sa mga nabasa ko na. Sinisigurado na may naaalala ako. Napapanguso ako kapag tinatama niya ako madalas ang tingin ng mga papasok sa library sa gawi namin ni Ash dahil na rin siguro may itsura naman talaga si Ash.
Isang half Japanese na maputi, matangkad at matalino sinong hihindi?
Bukod misteryoso para sa iba ang boses nitong si Ash ay alam kong marami rin ang pumupunta sa room para lang makausap at makita siya.
Meron ngang madalas mag tanong sakaniya na taga ibang section at ibang strand para lamang makausap ang binata.
"Bukas na natin ituloy." Maikling sambit niya napatango ako at lubos na nag pasalamat sa aking isip.
Bakit ang bait ng lalaking ito ngayon?
Niligpit niya ang gamit niya pati ang mga gamit ko kulang nalang ay siya na ang mag lagay sa bag pinanonood ko lang siya habang umiinom ng gatas.
Papikit-pikit na rin ang mga mata ko dahil sa antok.
Kahit natapos na siya sa pag aayos ay hinintay niya akong matapos uminom.
Noong may matalisod ay muntikan ko ng mabuga ang gatas na iniinom. Napatikhim ako ng mabilaukan.
Natatawang tumingin saakin si Ash bago nag patuloy sa ginagawa sa Cellphone niya.
Dahil Thursday palang ngayon at wala kaming pasok bukas nagtataka akong tumingin sakaniya.
"Saan tayo mag aaral bukas?" Tanong ko.
"Sa bahay nalang." Sambit niya.
"Okay." Tango ko sa pag iisip na self study nalang ang gagawin namin bukas.
Pagod ako ng araw na iyon kaya naman maaga akong nakatulog hindi ko na rin nahintay sila Mommy at Daddy noong dinner dahil sa sobrang antok.
Ala syete ng magising ako kinabukasan matapos kumain at mag hilamos ay binabalak ko sanang manood muna ng kdrama.
YOU ARE READING
See you in Intramuros
Short StoryA very tragic story for her because she wanted pursue her dream, live her life to the fullest, and just forget about everything behind. She is full of self doubt, self pitying, she's a midnight herself. Distant and afraid to feel what she's been lo...