Kabanata 2

20 1 0
                                    

Kabanata 2

Wala kaming pasok ngayon dahil intended 'tong araw na 'to para sa 'ming mag-asawa.

Nakahilata lang kami sa higaan habang nakapatong ang ulo ko sa tyan ni Amiro at nagbabasa ng story online. Samantala, naglalaro naman siya sa kanyang phone.

"Dean, nascam ako." Biglang imik ni Amiro kaya napatingala ako sa kanya.

"Nascam? Saan?"

"Sa game. Nakipagtrade ako. Ginawa ko din ayaw mo."
Hindi ko inalis tingin ko sa kanya dahil sa sinabi niya.

"Nangscam ako." Pag amin niya.

"Miro naman, 'pag ikaw nakarma d'yan...'wag naman sana."

"Ikaw kasi 'di mo ko sinamahan sa game 'yan tuloy nascam ako." Sabi niya kaya nagpanting tenga ko.

"Miro? Ano? Kasalanan ko pang nascam ka? Eh kung 'di ka nakipagtrade d'yan edi sana hindi ka na-scam!"

"Wag mo ko away." Sabi niya at dahil dun nabawasan inis ko.

Pumantay ako sa higa niya tsaka ko siya niyakap. Binitawan naman niya phone niya saka yumakap sa 'kin pabalik.

"Iwasan mo nalang makipagtrade, make sure na realiable 'yung tao—mas maganda 'wag ka nalang makipagtrade. 'Wag ka na rin mangscam. 'Di maganda 'yun...baka in real life iniiscam mo ako ah, baka may iba ka." Sabi ko saka ko na rin dinagdag 'yung naisip ko kasi sabi namin open dapat kami sa isa't isa, malaki o maliit man na bagay.

"Adeanna naman? 'Di pa rin ba tayo tapos sa iba-iba na 'yan? Wala akong iba, ikaw lang."

Sa nakalipas na mga araw, away-bati kami. Nakakainis siya minsan eh, dahil din sa overthink ko minsan?... Madalas, fine...at sa mga bagay na ayaw namin except sa third party, kasi wala namang cheater sa'min, thank God.

"Okay." Sagot ko sa kanya.

Makalipas ang ilang araw...wala na.

Walang nakatira sa condo namin ngayon. Nandito ako sa bahay ng parents ko at ganun din siya—kilala niyo naman.

Nag-away kami ng malala ni Amiro two days ago, bale magtwo days na din akong nakatira dito.

Natakot ako bigla sa mangyayari sa 'min...nagdecide siya nang 'di ko alam.

Napag-usapan namin na 'wag siyang magtitiwala dun sa kausap niya, tapos nalingat lang ako sandali tinuloy niya deal dun sa kausap, ayan na-scam. Halos 300k 'yung nakuha sa 'min, malaking bagay na rin 'yun ano!

Ayun dahil sa nangyari kung ano-ano mga nasabi namin na hindi namin sinasadya at hanggang ngayon 'di pa kami nag-uusap.

"Anak." Katok ni mommy sa pinto. "Nasa baba ang asawa mo."

Asawa ko? Si Amiro? Anong ginagawa niya dito?

"Bababa na." Sagot ko saka tiningnan ang itsura ko sa salamin saglit saka ko na binuksan ang pinto at napatigil nang sumalubong sa 'kin si mommy.

"Pag-usapan niyo 'yan ng asawa mo. May sinumpaan kayo, piliin niyo laging ayusin ang kung ano mang suliranin na hinaharap at haharapin niyo. Lalo na ngayon, nagkamali ang asawa mo sa desisyon na ginawa niya. Damayan mo siya dahil ikaw 'yung kalahati niya. Ang problema ng isa ay problema niyong dalawa. Para na rin 'pag nawala na kami sa mundong ito, mapapanatag kami ng daddy mo dahil alam naming may magaalaga sa aming panganay na prinsesa. Mabait si Amiro, ramdam at alam kong mahal ka niya, at ganun din ikaw sa kanya. Kaya alagaan niyo ang isa't-isa, Adeanna." Pangaral ni mommy saka marahang ngumiti at tinapik ako sa balikat.

Ngumiti nalang din ako saka napahinga nang malalim bago bumaba.

Nakita ko si Amiro na nilalaro ang mga pamangkin ko.

Till We ReturnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon