Kabanata 8

1 0 0
                                    

Kabanata 8

"What would you like to eat, Adrin?" Tanong ko sa bata. Nagugutom na ko eh, kaya nag-aya ako hehehe!

"I want jabulee, mommy."

"J-jabulee?" Nagload utak ko sa sinabi ni Adrin kaya bumaling ako kay Amiro na nagtatanong kung ano sinabi ng bata.

"Yes, mommy. Jabulee. I want sipiti and fries." Napalingon na naman ako kay Adrin nang may naguguluhan na ekspresyon sa mukha dahil sa mga sinabi niya.

"Fries lang naintindihan ko sa sinabi mo sa 'kin, anak." Sagot ko sa kanya at narinig ko namang tumawa nang mahina si Amiro.

"You want spaghetti, Adrin?" Tanong niya sa bata at tumango-tango naman ito.

"Ahh... spaghetti. Oh let's go na." Aya ko sa kanila.

"Ay nako, Adrin! Wait lang, punas ka muna." Sabi ko sa bata nang makitang puno na ng spaghetti sauce ang mukha niya. Inabot ko kay Amiro yung wipes para punasan niya dahil sila yung magkatabi. Si Calistene ang nasa gitna dahil nakaupo siya sa high chair.

Ang hirap magkaanak! Pero masaya... masaya sa puso.

'To ngang si Amiro 'di pa tapos kumain dahil sa pagbantay sa dalawang bata samantalang dati wala pang isang oras tapos na siya kumain. Ako kasi mga 1 hr and 30 mins kumakain eh.

So... that means na wala pa ko sa kalahati ngayon dahil sa pagbabantay.

Pero joke lang, iba na ngayon. May mga batang kasama eh.

Pagtapos kumain ay bumalik na kami sa mga aquariums.

Naglakad lakad lang kami kasama yung mga bata.

"Daddy, my feet hurts na." Sabi ni Adrin kaya bumaba si Amiro kapantay yung bata at tinapik ang balikat para imonstra na sumakay sa likod niya.

Napangiti ako sa nakita.

Hay... naalala ko tuloy yung sinabi ko kay Amiro noon na hindi siya pwedeng magkaanak dahil baka mamatay lang dahil 'di siya marunong mag alaga. Paniguradong nasaktan ko siya nun.

"Asan na si Calistene, ako na d'yan." Prisinta ko dahil pasan niya na si Adrin sa balikat.

"Hello, baby! You're so cute!" Sabi ko sa batang babae tsaka pinisil ang pisngi nito at sinulpak ang pacifier at inayos ang damit nito.

Nang umayos na ko ng tayo ay napatingin ako kay Amiro na nakatingin din sa 'kin nang may ngiti.

"Tara na."

"Bili tayo donuts." Sabi ko kay Amiro habang nagddrive na pauwi. Agad naman siyang nagmaneho papunta sa malapit na shop ng donuts.

Nang makarating na ay lumingon ako sa likod para icheck ang dalawang bata at parehas na silang tulog. 'Di ko napigilang mapangiti sa dalawa dahil kahit nakaseatbelt sa kanya-kanya nilang mga car seats ay 'di naging hadlang para kay Adrin na yumakap sa nakababatang kapatid.

"Napagod yung dalawa sa likod. Ang cute cute nila." Sabi ko bago lumingon kay Amiro. "Ako nalang ang bababa, bantayan mo nalang yung mga bata dito."

"Mag ingat ka, lab lab ko." Sabi ni Amiro at tumango naman ako pero nagulat ako dahil hinawakan niya ako sa magkabilang banda ng ulo ko at hinila palapit saka hinalikan ako sa noo.

Tinitigan ko siya panandalian dahil sa ginawa niya.

"Okay." Sagot ko saka na bumaba at doon sumilay ang ngiting kinukubli ko kanina pa at naglakad na palapit sa shop.

"Tara na, bumili ako og glazed." Sabi ko kay Amiro nang makasakay na.

Coughs

Sabay kaming napalingon ni Amiro sa likod nang marinig ang ubo ni Calistene.

Hindi pa kami nakakapagreact ay agad nang may lumabas mula sa bibig nito at maging si Adrin ay nalagyan nito na naging dahilan ng pagkagising nito.

Nagsuka si Calistene!

Dali-dali kaming bumaba ni Amiro at nagpunta sa pwesto nila at binuksan ang ilaw dahil madilim na.

"Asan yung wipes??" Nagmamadaling tanong ko.

"Ito." Abot ni Amiro sa 'kin.

Hala! Pano ba 'to?

Inunbuckle ko muna sa seat si Calistene at sinimulang tanggaling yung suot niya at pinampunas ang damit na walang suka sa kamay niyang nalagyan ng suka.

Habang pinupunasan ko si Cali ay bigla akong nakarinig ng iyak.

Pagtingin ko sa katabi ni Cali ay naroon si Adrin na umiiyak nang marealize niyang nasukahan siya.

Hay nako! Lahat na ata ng hirap na pwedeng maranasan ng mga magulang pag lumalamierda nangyari ngayon noh?

Kanina si Adrin napaihi sa salawal, ngayon naman si Calistene nagsuka sa sasakyan.

'Di ko alam kung matatawa ako dahil sa sitwasyong ito.

Kinuha ko ang phone ko tsaka sila pinicturan. Lalo namang napaiyak si Adrin dahil 'di ko na off yung flash.

"Adeanna naman, ano ba 'yan?? Puna—"

"Ito na, ito na." Pagputol ko sa sermon niya at binaba na ang phone ko.

"Oh shhhh na. Don't cry na, we'll clean you up." Pagpapatahan ko sa mga bata.

"Sun goes down, and we are here together. Fireflies, glow like a thousand charms~" Hele ko kay Calistene na buhat ko sa mga bisig ko para makatulog na siya.

Kakatapos ko lang siyang hilamusan at bihisan kaya naman pinapatulog ko na dahil 8 pm na.

At si Amiro? Ayun sa kwarto ni Adrin, hinatid niya yung bata pagtapos niya hilamusan din at bihisan na puro tanong sa 'kin sa gagawin.

"Stay with me and you can dream forever, right here in my arms, tonight~"

"La la la... la la la... la la la la la~"

"La la la... la la la... la la la la la... la la~"

Napangiti ako nang makitang mahimbing ng natutulog si Cali. Thanks kay barbie sa song. Alam niyo? Yan ang kantang gusto kong kantahin sa mga magiging anak ko para patulugin sila.

Muli kong tinitigan ang mukha ng bata.

Napakaamo ng mukha lalo na't tulog ngayon. Para akong nakakita ng anghel sa wangis niya.

Mapapansin din ang kaunting resemblance ni Amiro sa mukha niya lalo na sa ilong... matangos.

Mas kamukha kasi ng mata niya yung mga mata ko eh.

Ano kaya feeling pag may anak na talaga kami? Dati gusto kong maranasan yung may baby bump eh. Yung tipong naglalakad kami sa kung saan tas nakadress ako na maluwang dahil sa bump hahaha.

Dahil sa sobrang panggigigil sa bata ay kiniss ko ang pisngi nito at pinagmasdan muli ang mukha niya.

Bigla ko namang narinig ang mahinang pag ehem sa likod at paglingon ko ay naabutan ko si Amiro na nakasandal sa table dresser sa gilid ng pinto habang nakangiti at may hawak na bote ng juice.

"Tulog na si Adrin?" Tanong ko sa kanya tsaka dahan-dahang inihiga si Calistene sa kuna niya.

"Oo." Sagot niya saka sinilip si Cali bago muling nagsalita, "Magpahinga na tayo, siguradong napagod ka sa araw na 'to."

"Okay... ito na nga." Sagot ko at tumango naman siya saka na lumapit sa kung nasan ako at humiga.

"Galit ka pa rin ba sa akin?" Mahinahong tanong niya.

Ano sasagot ko? Hindi naman na ko galit sa kanya, nagsusungit-sungitan lang ako.

"Hindi na." Sinusubukan kong tibayan sarili ko para 'di na ako agad ma-apektuhan nang sobra pag may hindi kami pagkakaunawaan.

"Eh bakit hindi mo 'ko hinuhug at gaanong pinapansin?"

"Pinapansin kita." Naghmp siya pero 'di ako nagreact. Naalala ko na naman nangyari kung ba't kami ganito ngayon.

'Di ko talaga alam kung mahal ba talaga ako nito o ganyan lang talaga siya. Minsan sinusubukan niya talagang ayusin pero syempre titigil din tas mang aaway 'pag 'di niya napawi sama ng loob ko.

Tama nga yung napanood ko. You'll never know how immature you are unless you enter a relationship.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 22, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Till We ReturnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon