Kabanata 4

2 1 0
                                    

Kabanata 4

Biglang namatay ang ilaw kaya napakapit ako sa braso ni Amiro.

Nasa loob pa rin kami ng elevator.

"Amiro..." bago ko pa masabi ang aking sasabihin ay napahawak ako sa aking ulo dahil sa naramdamang pagkahilo.

"Okay..." Rinig kong sabi ni Amiro pero hindi na rin niya natuloy ang kanyang sinasabi marahil ay katulad ko, nahihilo na rin siya.

Nanlamig ang aking pakiramdam at pilit kong nilalabanan ang pagkahilo ngunit parang may pinagmumulan ito at sadyang malakas ang pwersa kaya naman kahit black ang nakikita ko ay lalo akong walang naaninag at nawalan nalang ng malay sa nangyayari.

Nagising ako dahil sa pangangati ng aking braso.

Nang imulat ko ang aking mga mata ay medyo madilim ang paligid dahil gabi na, buti nalang maliwanag ang buwan.

"Ah." Napahawak ako sa aking ulo nang makaramdam ako muli ng sakit at pagkahilo.

Nang medyo mabawasan ang sakit ay tiningnan ko ang kapaligiran.

Masukal at puro mga puno.

Napatingin ako sa aking tabi nang may gumalaw. Si Amiro pala at mukhang nakabawi na rin siya dahil nakaupo na ito habang nakasandal ang likod sa puno.

Nang mapansin niyang gising na rin ako ay inalalayan niya akong makaupo.

"Nasan na naman tayo?" 'Di ko alam kung maiinis ako o kung ano dahil 'di pa rin pala kami nakalabas dito sa pinaggagawang kamalasan sa 'min nung Sitti na 'yun tsaka nung lalaking kasama niya.

"Sa tingin ko ay nasa gubat tayo." Sagot niya.

"Obviously." Sagot ko na napaikot pa ang mata.

"Adeanna, please lang, ilugar mo naman kamalditahan mo. Hindi natin alam kung ano pang mga susunod na mangyayari habang nandito tayo sa loob ng kung ano man 'tong nangyayari sa 'tin. We only have eachother, kaya sana isantabi muna natin ang away natin at magfocus kung paano tayo makakalis dito." Aba! Kamalditahan??? Ko???

"Fine." Wala akong masabi dahil tama naman siya.

"Tara na."

"Saan?" Tanong ko habang tumatayo siya.

"Maghanap tayo ng matutuluyan pansamantala." Sagot niya habang inaalalayan ako patayo.

Nagsimula na kaming maglakad at si Amiro ang nauuna at nasa likod naman niya ako na parang nagtatago para siya ang isangga ko 'pag may multo hahaha!

"Dito ka." Hinto ni Amiro saka ako nilingon. Pinapapunta niya ako sa harapan niya.

"Ayoko—" Napatigil ako sa sinasabi at napalingon-lingon sa paligid dahil may alulong kaming narinig.

"Wolf ba 'yun?" Tanong ko at pinakinggan naman ni Amiro ang paligid.

"Nasa Pilipinas pa ba tayo?" Tanong ko ulit.

Maya-maya pa ay may kaluskos kaming narinig na likha ng pag-apak sa mga patay na dahon.

"Ano—" Tinakpan ni Amiro ang bibig ko saka niya ako hinila para magtago sa likod ng isang puno.

Nakayakap si Amiro sa 'kin habang nakatakip sa bibig ko ang kabilang kamay niya saka siya nagmamatyag sa paligid.

Ano ba naman 'tong nangyayari sa 'min!

Maya-maya pa ay may bear na dumaan sa gilid isang puno ang layo sa 'min. Teka? Bear? Umaalulong na bears?

Natigilan ako nang marealize na nasa gubat nga pala kami at maraming hayop ang nandito!

Till We ReturnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon