Kabanata 5

8 1 0
                                    

Kabanata 5

Ibinalik ko nalang ulit sa dalawang lion ang paningin ko.

Nagpatuloy sa pagroar si Lino kaya napatagilid ang ulo ng mas nakakatandang lion.

Ayon sa nabasa ko, para layuan ka ng lion at hindi ituloy ang pag atake sayo, kailangan mong sumigaw nang malakas para masindak ito nang hindi mo inaalis ang tingin sa lion. Sa mata mo dapat tingnan ang lion at 'wag na 'wag mo itong tatalikuran at 'wag ka ding tatakbo dahil hahabulin ka lang nito and paniguradong maabutan ka dahil mabilis tumakbo ang mga lions.

"AAAAAHHHHHHHHHHHHH!" Sigaw ko at dumampot nv bato sa gilid saka binato sa tabi ng lion para 'di ito matamaan. Sisindakin ko lang 'to pero nanatili lang ang lion sa pwesto nito.

Sumigaw ulit ako and this time, humiga na 'yung lion sa damuhan sa harapan namin, sa gilid nito ay si Lino na nakaupo at nakatingin sa 'min ni Amiro.

Napatahimik ako sa pagsigaw at nagtatakang napalingon kay Amiro.

"What did just happen?"

"Pati lion takot sayo." Natatawang sabi ni Amiro.

"Alis na tayo dito." Bulong ko kay Amiro at nagsimula na kaming maglakad palayo without turning our backs dun sa lion na malaki. Dinampot ko naman si Lino at naglakad na kami paalis dun.

"Grabe! Nakakabaliw nangyayari dito!" Saad ko habang natatawa. Naglalakad kami ngayon sa kung saan.

"Uy! Daan 'yun oh!" Turo ko sa gilid dahil may nakita akong mga ilaw-ilaw kaya naglakad kami papunta dun.

Hindi nga ako nagkamali dahil may maliit na village.

"Dito muna kayo, baka makita nila si Lino." Saad ko bago naglakad papunta sa mismong daan.

May mga gising na rin sa mga tao dito. Mukhang madaling araw na.

"Uh, hello po, lolo! May alam ka po bang palengke dito?" Tanong ko at tumango naman ito.

"Dito. Nagtitinda ako ng mga karne." Sabi nito at inilabas ang mga karne sa lamesa.

Sakto!

"Magkano po?" Tanong ko. "Kahit anong meron ka, tatanggapin kong bayad." Nakangiting sagot nito. Parang familiar mukha ni lolo manong...parang nakita ko na siya kung saan.

Hala! 'Di ko pa naman dala bag ko!

Nangalkal-ngalkal ako sa mga bulsa ko at may nadampot akong panyo. Hinarap ko 'yung manong "Hehehe, ito po?" Pakita ko sa panyo at pinagmasdan naman ni kuya 'yun.

"Pwede mo po itong gawing headband, pantali sa buhok, pamunas, pangdesign sa damit, pwede rin po ito sa first aid, itali niyo lang po sa dumudugong parte." Pag-aadvertise ko sa panyo.

Napaisip naman si kuya sa mga sinabi ko. "Hindi ko naintindihan ang iba mong tinuran pero sige, akin na iyan." Sabi niya saka na inabot sa 'kin 'yung dalawang malaking hiwa ng karne ng baboy.

"Salamat po!" Nakangiti kong sabi saka na naglakad palayo.

Nang makalapit kina Amiro ay itinaas ko ang dahon na naglalaman ng karne. "Nabudol ko si kuya." Halakhak ko pa.

Nasa gubat na ulit kami at naglakad na pauwi. Buti nalang at medyo nagliliwanag na ang paligid kaya naman nakikita na namin ang paligid kahit pa naliligaw na kami...Oo naliligaw na kami.

Napaatras ako at muntikan nang mapasigaw nang makita ko na lumalapit ang isang leon sa 'min.

Tinitigan ko ito sa mata at pinagmasdan ang gagawin. Hinarang naman ni Amiro ang kamay niya sa harap ko habang ang isang kamay niya ay bitbit si Lino.

Till We ReturnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon