Kabanata 6

15 1 0
                                    

Kabanata 6

Naalimpungatan ako dahil sa lamig at tigas ng kinahihigaan ko ngayon.

Nang imulat ko ang mga mata ko ay sumalubong sa 'kin ang mukha ni Amiro habang nakapikit siya. Nasa loob na kami ng elevator at nakahiga ang ulo ko sa hita niya habang siya ay nakaupo.

Minulat ni Amiro ang mga mata niya nang maramdaman ang paggalaw ko. Sinubukan kong umupo kaya inalalayan niya ako.

"Kakasabi ko palang na masuwerte makakahanap sa hardin natin 'pag nakaalis na tayo, heto nga at nakaalis na tayo." Tulalang sabi ko habang magkatabi kami ni Amiro na parehas nakasandal sa wall ng elevator. "Di ko man lang nabulsa si Lino." Dagdag ko pa at natawa naman nang mahina si Amiro.

Ilang segundo din kaming nakaupo dun habang hinihintay na marating ang 3rd floor.

At nang bumukas na ang pinto ng elevator ay hindi agad kami tumayo.

Maliwanag na ngayon sa labas, mukhang bahay na naman ito dahil salas ang natatanaw ko sa harapan.

"Labas ba tayo?" Tanong ni Amiro.

"Naiihi ako." Sabi ko sa kanya sabay tayo kaya napaisip naman siya habang nakatingin sa 'kin.

Tumayo na rin siya saka ako hinawakan sa wrist saka kami naglakad palabas sa elevator.

"Mukhang bahay naman 'to, siguradong may restroom dito." Saad niya habang nililibot ang paningin sa lugar.

Medyo malawak ito kumpara sa cottage house and naunang bahay na may mumu pa. Ano ba 'yung lugar na 'yun!

Maganda din ang disenyo, marble na puti ang tiles nito. Puti din ang walls nito at maraming bintana na design ang paligid.

May sofas sa gilid at may chandelier pa sa gitna, may flat screen din na malaki sa tapat ng mga sofa at sa likod naman ay ang hagdan na may chandelier din na pahaba. Nagtungo kami ni Amiro sa kabilang pasilyo. May mga paintings din sa mga ding-ding.

"Ito na ang cr nila dito." Sabi ni Amiro nang tumigil kami sa isang pinto na nakabukas.

"Hinaan mo boses mo baka marinig ka nila." Bilin ko pa sa kanya bago pumasok.

Pagbukas ko ng ilaw namangha din ako sa disensyo sa loob. May chandelier sa gitna. Malaki din ang space dito at sa right side matatagpuan ang toilet at bathub na may shower.

Samantala, pagpasok mo sa banyo ay sasalubong sayo ang pinagsamang sink at table ba 'to? At sa baba may mga drawers. May salamin din na malaki sa tapat nito at may mga halaman pa sa gilid-gilid bilang design.

Ganito din ang design na pinapagawa namin ni Amiro sa dream house namin, pero hindi pa ito tapos. Dalawang months nalang ang kailangan bago ito matapos tsaka pa kami nag-away. Hay...

Ginawa ko na ang dapat kong gawin sa cr at nang matapos ay lumabas na ako.

Nagpalinga-linga ako sa paligid pero 'di ko nakita si Amiro. Naglakad ako pabalik sa sala at wala rin siya doon.

Saan naman nagpunta 'yun?

"Amiro?" Tawag ko sa kanya pero walang nagsalita.

Nagpatuloy ako sa paglalakad para hanapin siya pero ang tahimik lang ng paligid.

Nalibot ko na ang first floor pero wala akong Amiro na nakita. Bumalik ulit ako sa sala at tiningnan muli ang paligid bago ako naglakad palapit sa hagdan.

Mukha namang matino 'tong bahay na 'to... wala naman na sigurong manghahabol dito ano?

Dahan-dahan akong umakyat sa hagdan. Wooden ang apakan habang glass ang railings nito pero bakal ang hawakan sa taas. Alam niyo 'yung sa mga uso ngayon na design ng railings? Ganun.

Till We ReturnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon