29

11 1 0
                                    

29

FLIN MANANALAYSAY
Instructor at Cadalen State University

06:43 AM

It's Aren Concepion, Quin.
Kilala mo siya?

Seryoso ka?! Pero bakit?
Favorite writer ko siya!
Bakit niya ako gustong
siraan?! T'saka paano
niya nalaman?

Flin, favorite writer ko siya.
Pero bakit niya ako tina-traydor?
Bakit niya ako kailangang saktan?
Naiiyak na ako, Flin.
Bakit? Bakit??

Sshhh. Okay lang
'yan.

Ano'ng okay? Hindi 'yon okay!
Wattpader ako. Nagbabasa
ako ng story niya. Naging favorite
writer ko siya. Pero bakit niya
ako gustong perahan?
Bakit niya ako gustong saktan?
Lokohin? At walang okay 'yon!

Ginawa ko na ang lahat
para mapasabi nang totoo.
You witnessed how I played her
using your account.
Pero wala akong makuhang
matinong sagot. O matinong motibo.

Kilala mo ba siya personally?

Hindi.

May alam ka bang
tao na kilala siya?

Wala.

Bakit?

May sinabi siya sa
aking pangalan.
Hindi niya man in-explain
kung ano ang connection
nito, pero kilala niya ito.

Sino?

Sabihin mo sa akin, Flin.

Be strong.

Bakit??? Kilala ko ba?
Close ko ba?

Si Thea Diban.

Anoooo? Nagjo-joke ka ba?
Paano? Joke ba 'to?
Magkasabwat sila?

Hindi niya sinabing
magkasabwat. She just
mentioned her name.

Imposibleng mangyari 'to.

Flin, sabihin mo nga
sa akin, bakit ba 'to nangyayari?
Best friend ko pa talaga?
Imposible. Sobra.

Alam kong mahilig magpalibre
'yon pero ang gumawa nang
masama na ikakasira ko para lang
sa pera, imposible. Parang may mali.

Bakit?

Ahmm. . .

Ano kasi, naalala mo
'yong gabi na pumunta ka
rito para humingi ng permission?
'Di ba hindi nakarating si Thea.
'Tapos sabi niya sa akin,
bad news. Ise-send ko sa
'yo ang convo namin noon.

You sent a photo

At noong magsimula
nang magparamdam si
Binibining
Princess, nag-sorry sa
akin si Thea.

You sent a photo

Hmmm. . .

May mali, 'di ba?
Parang may manipulation
na nangyayari.

Either magkasabwat sila
o na-set up si Thea
gamit ang sarili niyang account.

Talaga?

Yes.

Quin, i-chat mo
ulit si Thea.

Ano'ng sasabihin ko?
Baka hindi pa rin siya magsasabi
ng totoo kahit na pilitin ko.
Matigas ang ulo niya, e.

I-chat mo siya tungkol
sa code ninyong dalawa
na kayo lang ang
nakakaalam.

Code?

Isang sitwasyon o phrases
o pangyayari na kayo
lang ang nakaranasa at
wala ng iba pa.

Para saan?

Trust me, Quin.
Gawin mo na lang.
Malalaman mo rin ang
mangyayari.

Okay.

THEA DIBAN
Works at Krusty Krab

07:04 AM

Theaaaaaa! Sumakay
ba tayo ng kalabaw sa bukid
ninyo noong nasa Grade 5
pa lang tayo? Nakalimutan ko
na kasi.

Oo naman!
Makakalimutin ka na
talaga ahahahahha.

BWAHAHHAHA sorry.
Thea Diban haha'd
the message

FLIN MANANALAYSAY
Instructor at Cadalen State University

07:07 AM

Flin, bad news.
Oo ang isinagot ni Thea sa
tanong ko kung sumakay
ba kami ng kalabaw noong
Grade 5 pa lang kami e hindi
naman kami sumakay
dahil takot naman si
Thea sa kalabaw at
sinamahan ko na lang siya
maglakad.

Flin, sino ang nasa likod
ng account ni Thea?

Natatakot ako!

Calm down.

May kilala ka bang
close niya masyado
bukod sa 'yo?

Oo. Pero imposible
namang si Yoshue.
Seen 07:10 AM

Nang Ma-ReenrollTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon