32

8 2 0
                                    

32

THEA DIBAN
Works at Krusty Krab

9:11 AM

Thea, please.
Mag-usap na tayo. Sorry.
Seen 9:11 AM

Please, Thea.
'Wag mo akong i-seen.
Seen 9:11 AM

Thea, ano ba ang dapat
kong gawin para
mapatawad mo ako? Sorry.
Sorry dahil napagbintangan
namin si Yoshue sa nangyari.
Sorry, Thea.

Hayaan mo nga muna ako.
'Wag ka munang mag-chat
sa akin. Doon ka muna kay
Sir Flin mo. Mas matimbang
naman siya sa 'yo, 'di ba?

Thea naman. Syempre,
mas importante ka sa akin.
Best friend kita, e. Sa inyong
dalawa ni Sir Flin, ikaw
ang pipiliin ko.

Ako talaga ang pipiliin mo?

Oo naman. Pinapatigil ko
na nga si Sir Flin sa panliligaw
kaya lang nakiusap siya sa akin.
Sasabihan ko pa siya mamaya
na itigil niya na ang
kahibangan niya.

Kapag okay na kami
ni Yoshue, malaki ang
possibility na maging
okay na rin tayo.

Sige. Aabangan ko 'yan.
Sana magiging okay na
kayo agad.

Yes.

Humingi ka kaya
ng sorry kay Yoshue
baka mapadali ang
sitwasyon namin?

Sige. Gagawin ko 'yan.
Seen 9:16 AM

YOSHUE
Basketball Player at Cadalen State University

9:17 AM

Hi. Sorry sa nagawa
ko noong isang araw.
Sorry dahil napagbintangan
ka namin. Nataranta lang ako
kaya nagawa ko 'yon sa 'yo.
At walang kasalanan si Sir Flin at
Thea. Sa akin ka dapat magalit.
Hindi kay Sir at lalong-lalo
na kay Thea.

Okay. Apology accepted.
Madali lang naman ako
kausap.

Seryoso ba 'yan?
Totoo? Salamat!

Oo. Pero sana,
may ebidensiya kayo sa
susunod bago kayo
mambintang.

At tungkol kay Sir Flin,
naiinitindihan ko ang
meron sa inyo ngayon.
Asahan mong hindi ko
ipagkakalat.

Kay Thea?

Mahal ko ang babaeng
'yon, Quin. Pero aminado
akong nasaktan ako sa
nagawa mo at nadamay
ko siya. 'Wag kang mag-alala,
hindi naman ako nagtanim
ng galit sa kaniya. Magkakabati
kami niyan.

Salamat, Yoshue. Sobra.
Salamat talaga.
Yoshue loved the message

Nang Ma-ReenrollTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon