40

6 2 0
                                    

40

FLIN MANANALAYSAY
Instructor at Cadalen State University

12:05 PM

Good afternoon, Love.
Hanggang ngayon,
hindi ka pa rin nagre-reply.
Halos buong araw mo na
akong hindi kinakausap.
Kung may problema, sabihin
mo naman sa akin.
Kausapin mo ako.

5:23 PM

Nandito ulit ako sa banyo.
Tumatae. At hinihintay
ang reply mo. Kahit delivered,
wala. Galit ka ba ulit sa akin?
Ano ba ang nagawa kong mali?
Please, tell me.

Nag-chat na nga pala ako
kay Thea para itanong
kung bakit hindi ka pa rin
nag-a-active now.
Hindi pa rin siya active.

Oo nga pala, malapit na
kaming matapos sa training.
Malapit na akong makauwi riyan.
Makikita na rin kita.

Love, labas agad tayo.
Libre ko. Ang dami kong
gustong ikwento sa 'yo! *pout*

11:03 PM

Nakausap ko na si Thea.
Ha ha ha ha. Umalis ka pala.
Umuwi sa probinsiya.
Kung saan mang probinsiya,
wala na akong nakuhang
sagot galing sa best friend mo.

Kaya pala hanggang ngayon,
wala pa rin akong natatanggap.
Hindi naman talaga ako
galit dahil umuwi kayo ng
buo mong pamilya sa probinsiya
pero bakit hindi mo man lang
ipinaalam sa akin?
Bakit hindi mo lang sinabi sa
akin na aalis na pala kayo?
Sana man lang, Love, sinabi
mo nang ma-update rin ako
kung ano na ang nangyayari
sa 'yo. Boyfriend mo ako,'di ba?
Kakasagot mo lang sa akin
noong isang araw. Bakit iniwan
mo agad ako? Please, Quin,
I need your answer.

Sumasakit na ang ulo ko
sa kakaisip sa nangyayari sa 'yo!

Nang Ma-ReenrollTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon