Nandito ako ngayon sa morgue alas dos na ng umaga natapos ang imbestigasyon sa Unit ni Papa, may ginawa rin silang autopsy.
Sinamahan ako ni Joaquin,Joaquin daw yung pangalan niya narinig ko mula sa Lola niya na si Madam Anastasia yung babaeng tumulong sa akin. Sinabi kasi niya kay Joaquin na pasamahan daw ako dito kasi wala akong ibang kamag anak, nasa labas siya naghihintay sa sasakyan may finill up ako tapos pumirma na pumayag akong ipa cremate si Papa.
Pero hindi pa nila yun gagawin kasi papalipasin pa daw ang bangkay ng 24 hours bago eh cremate. Nagbayad na rin ako, nag withdraw ako kanina sa ATM buti nalang at kasya pa yung pera. Sobrang dungis pa ng katawan ko puno pa ito ng dugo na natuyo, halos lahat ng mga tao sa morgue tinitignan talaga ako dahil sa itsura ko. Lumabas ako para magpahangin hindi ako nakaramdam ng antok o kaya'y gutom, kahit ang huling kain ko ay nong nasa airport palang ako.
Habang tinatanaw ko ang kalangitan na may kaunting bituin ay pumasok sa isip ko ang mga masasayang alaala na nangyari samin, nagsimula na namang pumatak ang mga luha ko. Ang hirap kasing tanggapin ang nangyari hindi ko kaya.
Gusto ko pang makabawi sa mga pagsisikap ni Papa maibigay lang ang pangangailan ko, simula nung namatay si mama noong matapos ipinanganak ako ay mag isang pinalaki ako ni Papa.
Wala kaming ibang pamilya kundi yung pinsan lang ni Papa na nandito sa Maynila si Auntie Lisa. Kaya sobrang sakit sa akin na ang nag iisang lalaki sa buhay ko ay wala na.
Napaupo nalang ako dito sa may ilalim ng malaking puno at umiyak ayaw tumigil ng mga luha ko kahit nakaramdam na ako ng hapdi, parang hindi ko kasi kaya parang gusto ko na rin mamatay.
Ang daming tanong na umiikot dito sa utak ko kung bakit nila ginawa yun sa Papa ko, ang sikip sikip ng dibdib ko umiyak lang ako ng umiyak na halos ma wala na yung hininga ko.
"Water?" narinig kung boses lalaki sa tabi ko tinignan ko kung sino, si Joaquin pala may dalang isang maliit na bottle water.
Pinunasan ko yung mga luha ko tapos kinuha ang inabot niya na tubig "Salamat" sabi ko gusto kong buksan pero hindi ko mabuksan, ubos na yung lakas ko simula pa kaninang alas siyete ng gabi ako umiiyak tapos hindi pa ako kumakain.
"Let me open it" sabi niya sabay hablot na tubig at binuksan agad, hindi ako naka pag salita dahil nauna pa niyang kinuha ang tubig bago nag salita.
"S-salamat" saad ko sabay inom, may inabot siyang paper bag "Ano yan?" tanong ko
"Pina bigay ni Nonna para sayo, magbihis ka muna daw at magpahinga balik ka na lang dito bukas" sagot niya sa tanong ko
"Nako wag na salamat nalang, Pagkatapos eh cremate ni Papa bukas diretso na akong uuwi sa Cebu" saad ko sabay inom ng tubig
"Are you stupid?" diritsong sabi nito kaya napatingin agad ako sa kanya "I mean, uuwi ka ng Cebu na ganyan yung mukha mo? Sino naman mag papasok sayo sa airport na naka ganyan ka" dugtong niya na seryoso lang ang mukha.
Tinignan ko yung katawan ko mula sa damit hanggang braso pati sa jeans ko sobrang daming dugo na natuyo, tapos tumingin ako ulit sa kanya na nakakunot naman ang noo nito.Kinuha ko rin ang cellphone ko wala na ring battery kaya tumayo ako.
"Sige, kukunin ko to babayaran ko na lang bukas kapag naka withdraw ulit ako" saad ko sabay kuha nong paper bag na inabot niya.
"No need, binigay nga diba." pilosopong sagot niya sabay lakad
"Kahit na, babayaran ko pa rin to bukas Pagkatapos kong bumili ng ticket pauwing Cebu" sabi ko habang naka sunod sa kanya papuntang parking area.Hindi na ito sumagot at nagpatuloy lang sa paglalakad sumunod lang ako hanggang sa dumating na kami sa kotse niya.
Naka Mercedes-Benz AMG GT nakakahiya naman sumakay dito baka madumihan ang sasakyan niya
"Get in the Car" aniya habang nasa driver's seat na siya, habang ako naka tayo at nakatitig sa mamahaling sasakyan niya.
BINABASA MO ANG
Accidentally Contract to a Mobster
Художественная прозаLoujane Vazquez, twenty-three years old who graduated from the Information Technology course at the University of Cebu. Gambled to go to Manila to surprise the father who hasn't been home for over two years. But in an unexpected event the plan to su...