Matapos ang palusot ko kanina ay may biglang tinawagan yung babaeng kaharap ko kanina, andon siya sa may balkonahe ng condominium nato. Nanginginig pa rin ang aking mga paa sa mga kasinungalingan na sinasabi ko, hindi ko ugali ang magsinungaling kaya ganito ang nararamdaman ko. Malakas ang tibok ng puso ko sa kaba na parang hindi ako mapakali.
Hindi ko namalayan ang presensya ng lalaki na nakatayo na pala sa harap ko, kitang kita ko sa harapan ko ang makinis at mamahaling sapatos na kulay itim.
"I'll give you one chance, you leave now or I'll put you in jail and charge you with trespassing" matigas na salita na may halong banta, napalunok ako ng laway sa sinabi niya
Pero nung narinig ko ang chance dali dali akong tumingala sa kanya, kahit bakas sa mukha nito ang pagkairita ay tumayo agad ako.
"Please, aalis nalang po ako" mangiyak ngiyak kong pakiusap sa kanya, ayaw kong makulong dahil kung mangyayari yun ay lalong hindi ko na makikita ang Ama ko.
"Then leave!" mariin na salita nito kaya hindi na ako nagdadalawang isip pa at tumakbo na agad palabas.
Narinig ko pang tinawag ako nung babae pero hindi na ako lumingon at diritso ng lumabas.Tumakbo ako papuntang elevator saktong bumukas ito kaya pumasok agad ko, pero bigla akong nabangga sa isang lalaki na naka leather jacket na kulay itim.
Malaki ang pangangatawan naka shade ito at naka facemask, may kasama rin ito na kasing laki rin niya. Napahawak ako sa noo ko dahil may kung anong matigas na bagay sa parte ng katawan niya na nabangga ko.
"Sorry po" salita ko sabay tayo habang hipo hipo ko yung noo ko, pero hindi ito nagsalita at diretsong naglalakad papuntang direksyon ng Unit B. Nahagip ng paningin ko ang peklat sa ka nilang mukha, yung nauna na sa may gilid ng baba nito yung isa naman nasa kaliwang parte ng mata.
Tiningnan ko sila habang naglalakad papunta doon, narinig kong biglang sumara ang elevator. Hindi tuloy ako nakapasok tinignan ko yung direksyon ng Unit A baka kasi habolin ako nong babae, buti nalang hindi at buti na rin binigyan ako ng chance nong lalaki.
Tumingin ako sa relo ko mag aalas nuebe na pala ng gabi tinignan ko rin ang cellphone,bakit kaya hindi tumawag si Papa.
Naisipan kung ako nalang ang tatawag at sasabihin sa kanya ang totoo na andito ako sa Maynila, mag papasundo nalang ako sa kanya dito sa Ellsworth Twin Tower.
Hinanap ko ang number ni papa at tinawagan ito ilang sandali lang ay sinagot ni Papa.
"Hello Papa?" salita ko sa linya ng tawag habang nakatingin sa pinto ng elevator na bumukas.
"Bakit hindi mo sinagot ang mga tawag ko? Asan ka ba?" tanong niya na may pag aala na boses.
"Papa wag ka sanang mabibigla, an-" hindi ko tinuloy ng may narinig akong bumagsak sa linya ni papa "Pa? okay ka lang ?" walang sumagot tanging mga yapak lang ang naririnig ko " Hello Papa ?" salita ko ulit ngunit wala talagang sumagot "Pa!" medyo mataas na yung boses ko nagsimula na akong kabahan.
Wala talagang sumagot, panigurado ako may masamang nangyari kay Papa. Nagsimula na akong hindi mapakali hindi ko pinatay ang tawag, nang biglang nahagip sa aking paningin yung dalawang lalaki na nabangga ko. Lumabas sila mula sa Unit B tumingin ito sa direksyon ko pero nagtago ako sa malaking halaman katabi ng elevator, diretsong naglalakad lang ito papunta sa pinaka dulo ng Unit B.
Hindi ko alam pero kinabahan ako nung nakita ko sila, naglalakad ako dahan dahan papunta sa kanilang direksyon. May hagdanan pala dito nakita ko silang bumaba, muntik pa akong makita nung lalaking nasa huli tumingin kasi ito sa direksyon na kinatatayuan ko.
Tinignan ko yung Unit B hindi ko alam pero parang may nag tulak sa akin na puntahan ko ito, tinignan ko yung phone ko naka on call pa rin kay Papa. Nang makaharating na ako sa harapan ng pinto, nakita kung bukas lang ito hindi ko alam kung bakit kinabahan ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/325550841-288-k121621.jpg)
BINABASA MO ANG
Accidentally Contract to a Mobster
Ficción GeneralLoujane Vazquez, twenty-three years old who graduated from the Information Technology course at the University of Cebu. Gambled to go to Manila to surprise the father who hasn't been home for over two years. But in an unexpected event the plan to su...