KABANATA 4

2 0 0
                                    

Nagising ako sa ingay ng katok mula sa pintuan dahan dahan kong minulat ang aking mga mata, pero ang paningin ko ay sobrang liit lamang dahil sa maga ng mga mata ko. Bumangon ako at sobrang bigat ng katawan ko tumingin ako sa orasan na nasa taas ng pintuan, alas singko na pala ng hapon.

Pumunta ako sa pintuan at dahan dahang pinihit ang seradula, tinignan ko kung sino si Madam Anastasia pala may dalang tray na may lamang pagkain. Dali dali ko yung kinuha kasi nakakahiya, pinatulog na nga ako dito sa bahay nila tapos ngayon hinatiran pa ng pagkain.

"Ako na po Madam" saad ko sabay kuha nong tray, kahit yung buhok ko ay sobrang buhaghag pa.

"Pasensya kana kung nagising kita nag alala lang kasi ako, mag gagabi na hindi ka pa kumakain at anong Madam? Diba sabi ko Nonna nalang tawag mo sa akin" sabi niya na nakakunot ang noo at sabay pasok sa kwarto ko. " Pasensya na po Ma-, ay N-nonna, kung pinag alala ko po kayo"

" Nako walang problema sa akin yun, pina sabi kasi ni Joaquin sa akin na subukan daw kitang dalhan ng pagkain sa kwarto mo at baka gising kana " nakangiting sabi nito " Ang sweet sweet talaga nang Unico Hijo kong Apo " dugtong niya na parang kinikilig.

" Pero wala talaga kaming relasyon N-onna" depensa ko, ayaw ko na kasing mang luko hindi ko kaugalian yun " Tsaka yung nasa Unit ako aksidente lang po talaga yung nangyari doon, akala ko po kasi Unit yun ni Papa" napayuko ako nung ipinaliwanag ko sa kanya.

Lumapit siya sa akin at hinaplos ang likod ko " Sige na nga, kumain ka muna at may lalakarin ka pa maiwan muna kita " aniya  "Maraming Salamat po" salita ko naman sabay yakap sa kanya, yumakap naman ito pabalik sakin  " Sige na kumain ka na" sabi niya sabay kumawala sa pagyakap.

Nung makaalis na si Madam Anastasia sa kwarto ko ay kumain na agad ako, nakaramdam na kasi ako ng gutom uminom muna ako ng tubig bago kumain ng pagkain para hindi sumakit ang tiyan ko.

Pagkatapos kung kumain ay pumunta na ako ng banyo para maligo, nag ayos na rin ako ng mga gamit para paalis ko papuntang Cebu. Pagkatapos kasing makuha ko ang  cremation ni Papa ay aalis na agad ako ng Maynila, doon muna ako kina Bestie mag stastay ng pansamantala.

Sanay akong magisa sa bahay pero kahit magisa ako roon nakatira ay ramdam kong nasa tabi lang si Papa ,dahil lagi itong tumawag sakin o kaya'y nag video call para makita niya kung anong kalagayan ko. Kung uuwi ako sa bahay na wala na si Papa baka mabaliw pa ako, hindi ko pa tanggap na wala na si Papa pero pinilit ko ang sarili ko na tanggapin kahit mahirap.

Ngayong wala na si Papa kailangan ko ng maghanap ng trabaho pag uwi ko sa Cebu, hindi kasya yung savings mula kay Papa. Hindi naman kami mayaman na kahit nakaupo lang sa bahay ay hindi mamomoblema sa pera kung meron pa ba o wala na, kailangan kung magsimula ng panibagong buhay kung saan literal na magisa nalang talaga ako.

Naiinggit nga ako sa mga kaklase nong nag aaral palang ako, kumpleto kasi yung pamilya nila sa oras na may mga family event sa school pati sa graduation ang saya nilang tignan. Samantalang ako nung graduation ay umiiyak pa ako kasi akala ko hindi makakaabot si Papa, buti nalang at dumating siya nung pangalan ko na ang susunod na tatawagin.

Birthday, pasko at bagong taon wala akong pamilyang kasama kundi magisa lang ako at nakisalo sa ibang pamilya, yun yung pamilya ng Bestie ko kaya laking pasasalamat ko at  nakilala ko si Dembirly at ang pamilya niya.

Gusto ko sanang magalit ni Papa noon dahil sa naging sitwasyon ko pero naisipan kung ginawa pala yun ni Papa sa akin, para maibigay ang pangangailan ko. Lagi ko na lang sinabi sa sarili ko na pa salamat ako dahil may Tatay pa ako, na kahit nasa malayo siya pinaramdam naman niya sa akin na mahal na mahal niya ako.

Pero paano na ngayon? na wala na ang nag iisang lalaki sa buhay ko. Alam kung mahirap ito pero kakayanin ko meron pa naman akong Bestie diba? Hindi naman siguro ako iiwan non.

Accidentally Contract to a Mobster Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon