Chap 7: Law School

14 0 0
                                        

TW : mention of rape, murder, cuts, & explicit languange

Kiefer.

Hindi natuloy ang lunch naming apat dahil sa schedule nila mommy at kuya. As i expected.

Dumeretso ako ng dorm at naabutang naka yakap si Fin sa bag habang tulog sa sofa.

"Bat ka nanaman nandito?!" Inalog ko ang binti niya para magising siya.

"Hm..."

"Tangina ka talaga! Pinalayas ka, no?" Pumunta ako sa kusina at uminom ng tubig.

Tumayo siya at nag ligpit ng kalat. "Wala kasing lrt kagabi. Eh di ka naman nagre reply, hehe."

"Okay lang," I said. "Kumain ka diyan, oh. Pinag baon ako ni mommy."

"Yun, oh." Umupo naman siya sa at hinandang i microwave ang mga ito.

"B-by the way... uminom ka ba kagabi?"

Aayain ko sana sila. Pero kung kakainom lang nila ay huwag nalang.

Mukhang na offend siya sa tanong ko dahil kumunot ang noo niya. "Hindi, ah. Amoy alak ba ako?"

"Huh? Hindi. Inom sana---"

"Ay, g lang!" Pag putol niya sa 'kin.

"Di pa nga tapos! Sigurado ka dyan? May pasok kinabukasan."

"Wala ako." Nag kibit balikat siya. "Bat ka pala nag aaya kung may pasok ka kinabukasan?"

"Wala lang." Nag lakad ako paakyat. "Chat mo si mommy, sabihin mo masarap yung pagkain!" Sigaw ko mula taas.

"Ge, pre!"

"Ge, pre!"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nag ayos ako dahil pupunta ako sa client

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nag ayos ako dahil pupunta ako sa client. Kasama ko ang Prof namin. Assistant niya ako today.

"Lock mo nalang," I said as i go out.

Nag drive ako papuntang law firm na pinagta trabahuhan ni Prof Edda. Hindi ko alam kung anong case ito, pero ako ang pinili niya dahil alam niyang malakas ang loob ko. Sana.

Malaki ang kompanya na ito. Halos maligaw ako sa floor buti nalang ni guide ako ng guard sa office ni Prof.

"Come in," A voice said from inside as i knock.

"Good afternoon, Prof."

Kinuha niya ang case niya at tumayo. "Let's go."

A/N: SKIP to the next chap if uncomfortable :') It won't do any confusion if you skip.

Sumunod lang ako sa kaniya. Para akong anak na nakasunod sa nanay niya habang papunta sa parking lot.

"This is felony murder." Inabot niya sa 'kin ang folder. "The victim, Thanya Roiz, was raped and was found dead on the scene. The defendant, her uncle, Victor Biñan."

Tiningnan ko ang pictures na naka attach. Isang babaeng walang saplot na nakadapa at nakatali ang kamay at paa nito. It says here that she had 22 wounds from getting stabbed.

That's horrible.

"W-we're defending her uncle?" Mahina kong tanong.

"What do you think about it?"

"Not enough evidence." I said.

"Right. But the prosecution won't stay still. We must make him talk." Tumigil na ang sasakyan at bumaba siya.

Nandito na kami. Nakasunod lang kami sa guard at pinapunta kami sa isang room. Pumasok ang defendant at umupo sa harap namin kaya nilabas ko ang notebook at ballpen ko.

Sinimulan ni prof-- este attorney ang pagku kuwestyon sa kaniya. Napaka bigat sa pakiramdam ko dahil ang taong nasa harap ko ay maaaring isang criminal. I'm okay. I'm okay. Bakit pa ako nag law kung hindi 'ko 'to kakayanin, di ba?

Gusto kong tanungin kung ginawa ba niya 'yun o hindi. Pinigilan ko lang ang sarili ko dahil ayaw kong maistorbo si attorney.

"Thank you for answering. We'll go now." We stood up.

Ngunit hinawakan ng defendant ang braso ko. Naguguluhan akong tumingin sa kaniya.

"Baliw ang babaeng 'yon. Nararapat lang sa kaniya yun!" Kumunot ang noo ko. "Pero hindi ako ang gumawa, promise!" Tumingin ako sa kamay niyang naka hawak sa 'kin. It's still bleeding from cuts.

He's definitely mentally unstable. Hindi siya papayagan ng judge na mag salita sa harap kung ganyan ang kalagayan niya.

Inawat siya ng guard at kami'y lumabas na. Nasa kotse kami ng mag salita si attorney.

"Wala pa ring murder weapon at hard evidence. All they have is the conversation between the defendant and the victim. I'll take it from here, Kiefer." She stopped the car.

"It may be stressful for you. 4th year pa kayo mag kakaroon ng ganito, so i hope you'll remain smart." She smiled.

"Okay po. Pero, pupunta po ako sa trials."

Pumunta na ako sa kotse ko ng makabalik kami sa law firm. Nag thank you pa ako dahil na experience ko agad iyon.

"I will definitely need a drink later." I said as i get out of the car.

" I said as i get out of the car

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

To Be Continued.

If Anything Goes WrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon