Chapter 6

43 4 0
                                    

Kiel






“Oh? bakit nangiti ka diyan?”

Tanong sakin ni Ishmael.

“Wala... haha may iniisip lang ako!”

Sabi ko sa kaniya. nandito kami ngayon sa garden ulit ng school. dito meeting place namin ni Ishmael.

“Sino or ano ang iniisip mo? hmmm...?”

Curious niyang tanong sa akin. sabay naningkit ang mga mata niyang nakatingin sa akin.

Lumingon naman ako sa kaniya.

“Wala ka na duon...”

Sabi ko sa kaniya habang naka ngiti. nakarinig kami ng tilian mula sa di kalayuan sa amin. napalingon naman kami doon at Nakita namin ang kumpulan ng mga babae sa labas ng garden.

Tumayo ako at saka lumapit doon. nakiusisa ako at nakita ko kung ano ang pinag titilian nila.

Si Rico....

kyaaaaahhhh! ang gwapo talaga ni Rico...”

Sigaw ng babae na malapit sa akin. lumaki Lalo ang ngiti ko nung makita ko ulit siya. kasama niya ang tatalong lalaki na gwapo din pero siya ang namumukod tangi.

Hindi ko namalayan ang paglapit ni Ishmael sa akin.

“So, yung lalaki pala iyon ang dahilan ng mga ngiti mo?”

Tanong niya sa akin. napalingon naman ako sa kaniya.

“Oo...! kilala mo siya?”

Tanong ko.

“Tsk tsk tsk! huwag ka nang umasa na magkakagusto yung lalaking iyon sa iyo, babae lang ang gusto niyon and besides.... babaero iyan!”

Sabi niya sa akin. kusang tumaas ang kanang kilay ko habang nakatingin sa kaniya.

“Paano mo naman nasabi? Aber?!”

Tanong ko.

“Tsss! ako pa? katabi lang ng room namin ang room nila. kaya tuwing recess, iba-ibang babae na lower section ang pumapasok sa loob ng room nila araw-araw, hindi lang iyon... nakaupo pa sa kandungan niya at sinusubuan pa siya ng mga ito ng pagkain.”

Sabi ni Ishmael sa akin.

“Kagaya ng mga girls na ito sa harapan natin? Isa sa kanila nakapasok na sa loob ng room nila at pinapakain nila ang lalaki na dahilan ng mga ngiti mo.”

Sabi pa niya sa akin.

“Kung ayaw mo maniwala? it's up to you!”

Sabi niya sa akin sabay naglakad palayo pabalik sa garden.

Nawala ang mga ngiti ko sa sinabi niyang iyon. nilingon ko ulit ang kinaroroonan ni Rico. at nakita ko na may babaing lumapit sa kaniya. ito yung ka partner niya sa intramurals namin noong nakaraang taon.

To do maka hawak ang babaing iyon sa braso ni Rico. bagay sila, maganda yung babae tapos siya gwapo. anong panama ko sa babaing iyon?

nanliit at mas lalo akong napangitan sa sarili ko. walang Buhay akong bumalik ng garden.

“Oh? bakit ganyan itsura mo?”

Tanong ni Ishmael sa akin.

“Panget ba ako?”

Walang patumpik-tumpik na tanong ko sa kaniya.

nilingon naman niya ako tinitigan ng matagal ang mukha ko.

I've Got a Crush on You (BxB) *Teen-Romance*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon