Chapter 1

117 5 0
                                    

Kiel





“Anak! gising na, malalate ka na sa school.”

Gising sa akin ni mama.

“Hindi ba iyan nag alarm yung cellphone mo?”

Tanong niya sa akin. nag unat-unat muna ako sabay hikab at nagtanggal ng morning glory sa mata.

“Ewan ko ba diyan ma? kagaya niya kapit bahay natin may saltik sa ulo.”

Sabi ko sabay bangon at kinuha ko cellphone ko.

“Ano na naman ba problema mo at bakit hindi ka nag alarm?”

Inis kong tanong sa cellphone ko sabay tinignan ko ang clock setting sa cellphone ko.

“Ikaw din may saltik. kinakausap mo iyang Cellphone mo eh hindi naman iyan nagsasalita.”

Sabi ni mama sa akin.

“Oh kitam? okay naman pag set ko nang alarm, hindi naman siya naka silent? so anong problema nito?!”

Inis kong tanong. sa halip kase na maaga ako babangon ngayon kase pahirapan panakayan ngayon umaga sa labas. dapat maaga akong aalis dito sa bahay ngayon.

Naka 1 hour na pala lumipas at hindi parin ito tumutunog hanggang sa ginising na ako ni mama.

“Bahala ka nga diyan!”

Inis kong sabi sabay padabog ko itong binato sa kama ko. nag bounce lang ito, mabuti at hindi ito nahulog sa kama ko.

“Maligo ka na nga doon! tapos mamaya magmamadali o gahol ka mamaya niyan dahil kinulangan ka na naman sa oras.”

Reklamong sabi ni mama sa akin.

“Eto na, kilos na po!”

Sabi ko sa kaniya.

Tumayo na ako sabay kuha ng body towel at naglakad na palabas ng kwarto ko at naglakad na papuntang CR.

Tumingin muna ako sa salamin.

“Ayyy! ang panget. parang anak ako ng inahing baboy na ni rape ng kapre.”

Sabi ko.

“Anong sabi mo? anak ka ng inahing baboy na ni rape ng kapre? so ako inahing baboy ganun ba?”

Sigaw ni mama.

“Opo! ayy este... hindi po! hahahaha....”

Natatawang sabi ko sa kaniya.

“Aba! ikaw na bata ka, halika nga dito.”

Sabi ni mama sa akin. napapasok naman kaagad ako sa CR at sabay sarado ng pinto.
tumatawa pa ako ng tahimik sa loob ng CR.

Ganito kami lagi ni mama, biruan ang hobby namin.

Nag umpisa na ako maligo. at habang naliligo ako ay kumakanta ako. kuskos dito, kuskos doon. sabay nag shampoo na din ng buhok.

Ewan ko nga ba at bakit hindi ako pumuputi? gumamit na ako ng ibang beauty soaps pero ganun parin.

“Argh! nakakainis...”

Nagbanlaw na ako at saka kinuha ang body towel at nagpunas.

Cause we're young, and we're reckless
We'll take this way too far
It'll leave you breathless, mm
Or with a nasty scar
Got a long list of ex-lovers
They'll tell you I'm insane
But I've got a blank space, baby
And I'll write your name...

I've Got a Crush on You (BxB) *Teen-Romance*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon