Chapter 8

44 4 1
                                    

Rico





“Are you cheating on me?”

Tanong sa akin ni Althea.

“Huh? anong pinagsasabi mo?”

Takang tanong ko sa kaniya.

“Sagutin mo na lang ang tanong ko. Oo o hindi?!”

Tanong niya sa akin na pagalit.

“Hindi... bakit ko naman gagawin iyon sa iyo?”

Tanong ko sa kaniya.

“Hindi ko alam sa iyo kung anong pumasok diyan sa kokote mo para lokohin mo ako.... purket hindi ko binibigay ang hinihiling at gusto mo, lolokohin mo ako? maghahanap ka nang iba?”

Galit niyang sabi sa akin.

“Ano bang pinagsasabi mo? hindi kita maintindihan.”

Sabi ko sa kaniya.

“Huwag ka nang mag maang maangan pa. alam ko na ang totoo.... kinompronta ko si Leslie.... siya ang babae mo hindi ba?”

Galit niyang sigaw sa akin.

Natigilan ako dahil kilala niya ang babaing iyon.

“Bakit hindi ka makapag salita? totoo hindi ba?”

Galit niyang sabi sa akin.

“Alam mo? akala ko Ikaw na... ang buong akala ko ay Ikaw na ang lalaking para sa akin. sinabi ko naman sa iyo na ibibigay ko itong sarili ko sayo kapag nakatapos na tayo sa pag aaral hanggang kolehiyo, pero dahil sa kakatihan mo? sinira mo ang tiwala ko sa iyo, sinira mo din ang pagmamahal ko para sa iyo. totoo nga na womanizer ka talaga!”

Naluluhang sabi niya sa akin ngunit wala akong maramdaman na awa sa kaniya.

“Tingin ko pinaglaruan niyo lang ako ng mga kabarkada mo. pinag tripan niyo ako dahil mukha akong anghel na uto-uto sa paningin niyo. pwes, nagtagumpay kayo sa plinano niyo... Congratulations and happy f*cking break up sa atin dalawa!”

Gigil niyang sabi sa akin at naglakad palayo sa akin.

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko ng mga Oras na iyon... hindi ko makuhang matuwa dahil nag break na kami ni Althea.

May kung anong hugis na mukha ng tao ang nabuo sa isip ko na palagay ko ay siya ang nag sumbong kay Althea na niloloko ko siya. pamilyar ang mukha niya sa akin kaya tingin ko ay nagkasalubong na ang mga landas namin niyon.

“Bro? where are you going? diba sabi mo mag di-ditch tayo ng class? don't tell me nag bago na naman ang isip mo?”

Tanong sa akin ni Paul.

“No! may i-interrogate lang ako.”

Sabi ko sa kaniya na malamig ang boses.

Hindi ko na siya inantay mag salita pa at saka na ako naglakad palayo sa kanila habang ang dalawa ay naglalaro ng online games.

Habang naglalakad ako papunta sa building nila ay nakita ko na siya na pababa ng hagdan palabas ng building nila at patungo sa direksiyon ko.

“Bingo!”

Bulong ko.

Natigilan siya nung makita niya ako.

“Tsss! I think and I know his gay.”

I've Got a Crush on You (BxB) *Teen-Romance*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon