Gabi lang nagpapa-alala sa mga mata mong bituin
O kaya naman ang lalim ng iyong mga tingin
Kasing lalim ng dagat habang ginagaya ang mukha ng buwan
Pangalan mo sa loob ng aking isip hindi maiwanBakit nga ba ko nawalan ng pag-asa sa mundo?
Nandito ka naman at muling naalala ng puso ko
Ang matamis na sakit ng apoy na nagbabaga
At ang init sa dibdib na lumunod sa aking salitaBakit nga ba ayoko nang muling umibig ng matindi?
Iyong mismong pagkatao palang ay masisisi
Nakilala na ang ganda ng mapanghalinang kalooblooban mo
Ang rason kung bakit sinabi ko sa aking lumbay na maglahoby M. Z
YOU ARE READING
A Poet's Musings
PoetryI wanted to share poems I made here for people to take inspiration from. Hopefully people will love it as much as I do.