Chapter 3: Ampalaya

40 2 0
                                    

Chapter 3 ~ Ampalaya

Alex's POV

PAKSHET! 3:56 na nang madaling araw di parin ako makatulog. Kung bakit ba naman kasi muntik ko nang msabi kanina yun e.

1am na natapos yung party hinatid na namin sila Phoebe sa dorm nila. Haay buhay! wierd lang nung pumatak yung luha nya kanina parang totoong masakit pala talaga para sakanya.

Don't get me wrong! Apaka dami ko nang nawitness na kadramahan nyan. Sa totoo nga lang kung sa kadadrama nya may TF ako siguro milyonaryo na ko noh!  Pero kanina ko palang sya nakitang lumuha nang apaka pait. Paano ba naman totoo namang grabe mag effort yung kumag na Jerick kaya yung isa Hopia naman na may Poreber na sya.

OY AH! Wala akong gusto sa bestfriend ko a. Mahal ko lang sya as bestfriend kaya ayaw kong nakikita syang nasasaktan. Parang magkapatid na kami nyan.

Mula pre-school hanggang high-school kaklase ko sya halos ampunin na rin ako nang pamilya nya. Napakabait sakin nang Mommy at Daddy nya. Kada family day nga sa school noon isang family lang kami. Paano ba naman yung Mama ko nasa London nagtatrabaho. Pero sobrang dalang umuwi. Dati sa tita ko ako nakatira sa mommy ni Steph. Oo pinsan ko sya. Nagkahiwalay lang kami ni Pot nung college iba na yung course namin e pero same school parin. Nakakatawa nga yung pagpili naming nang course e. Pangarap nya talagang mag take nang Engineering pero since di sya pumasa nag-I.T. nalang sya. 2 araw din sya ngumawa ng ngumawa kaya sabi ko ako nalang tutupad sa pangarap nya. Kaya yun engineering tuloy yung naging course ko. Haha. Nakakatawa talaga yun pag naalala. Di na rin naman ako nagtaka e hanggang high-school ba naman kumokopya parin sya sakin ng mga assignments.

Takte! Para na kong baliw dito a. Lalim nang pagmumuni-muni.

*Phoebe's Voice: Hoooooy! Sagutiinn mo toooo~ Tumatawag akoooo~ wag kang anoooo~!*

Halos malaglag ako sa Higaan nung marinig ko yung Phone kong nagriring.

Eh? Bat kaya to tumatawag nang gantong oras? Astig personal ringtone nya noh? Sya nanaman ang may gawa. -_-!

Bestfriend Ganda♡ calling....

Bading ba masyado yung pangalan? Wag na kayong magtaka! InEdit nya yan. Ang nakasave kasi dati dyan Pot-pot. Cute diba? Nickname nya yan nung mga bata pa kami. 'Best, don't call me that. I'm dalaga na you know. Matuturn off yung mga pogi pag yan yung tatawag mo sakin' sabi nya sakin nung 13 years old kami.

Diba?! Aga nyang maghanap nang Poreber. Anyway sinagot ko nalang yung telepono. Hay! Bat nga ba ko nabiyayaan nang bestfriend na mongo?-_-!

"Ohh? Madaling araw palang nambubu------- " natigilan ako nang marining ko syang ngumangawa.

"Oy! Ok ka lang? Akala ko ba ayos ka na? Bakit ka umiiyak?" Eto yung hassle sa pagiging bestfriend nya, tatawagan ka para ngumawa. -_-#

"Best! Huhuhu~ mag-open ka nang FB! Now na! Tignan mo yung post ni Jerick! Di na talaga to makatarungan!T_TT_T" Tsk! Sabi na nga ba. Lablayp nanaman ang problema.

"Heh! Tigilan mo ko mambubulabog ka nang madaling araw para tignan ko sa FB yung ex mo?" Yung totoo tinatamad lang talaga kong mag FB. "Sabihin mo nalang sakin kung ano ba talaga ang andun."

"Huhuhu...magpost daw ba kasi nang mga picture kasama yung bago nya~ 3 days palang naman kaming wala e!" At nagsimula na sya mga kaibigan.

"Ang tanong, naging kayo ba?" Pambabara ko.

"..ee indi pero gets diba? Respeto naman. Parang ganun na rin naman kasi yun." Katwiran pa more. -_-!

"Oh tapos?" bagal naman nito magkwento

"...tapos nagpost sya ng pagkahaba haba. Sabi dun~ Hopia, minsan pagkain minsan ikaw. Makati, minsan lugar minsan ikaw. Ampalaya, minsan gulay minsan iakw. Tapos andami dami pa.... huhuhuhu best! Napapahiya na ko. Sobrang galit na ko. Yung bago nya pang jowa yung bago nya pang jowa yung pinakilala ko sakanyang friend ko. Huhuhu~" Amp! Kapal din naman nang apog nyang lalaking yan e noh.

"Taga san ba yan?" Alam na dis! Resbak na. Gaguhin ba naman bestfriend ko. Bakla pa yata pinopost pa sa FB yung kalokohan nya. 

"..huhuhu best, wag na. Kahit papano mahal ko parin sya!" Ay si tanga!

"Luuul! Tigilan mo na nga yan! Gin@go ka na nga mahal mo pa! Ano Pot? Level up na sa pagiging tanga?!" Bulyaw ko sakanya. Kakaimbyerna. -_-#

" ..huhuhu di mo kasi ako naiintindihan! Palibahasa di ka pa naiinLove! Sa ating dalawa ikaw yung Ampalaya! I hate you best!" Sabay end nya ng call. Huluh! Ako pa tuloy yung amplaya?! Amp!

Haaaay! Kakainis na talaga tong babaeng to a! Kung di ko lang to bestfriend e matagal ko na tong inupakan! Kaya 'ding hindi ako dito nagkagusto e!

Never pa nga ba 'kong nainLove? Ampalaya nga ba 'ko? Haay! Yan tuloy nagugulo pa isip ko. Errrrr! Makatulog na nga lang. Le$he ka Pot! ╰_╯

Ang Lovestory ng Dakilang TangaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon