Chapter 5: Crush daw ako ng crush ko!

46 1 0
                                    

Chapter 5: Crush daw ako ng crush ko!

~~~Sa Mall: SM North

Syempre Greenwich kami kasi yun yung request ko kay Kyla na nirequest naman kay Ed. Nagmamaktol naman si Jake at Ej kasi gusto sa Mcdo daw. Huluh sila! di na nagsawa. Hanggang ngayun naiilang parin ako dahil sa tumutingin tingin parin sakin si Mr. Pogi. >_<

"Guys, 15 mins pa daw yung pizza." sabi ni Ed sabay upo sa tabi ni Kyla. Si Jake naman at Ej nasa left side ko nagkukulitan  habang nag cC.O.C. mga adik tong mga to jan e. Kaharap ko naman si Mr. Pogi, nasa gitna nila si Kyla. @z@r! O.P. nanaman ako.

"Nga pala Guys, Meet Bryan." Tumayo si Ed at tumabi kay Mr. Pogi. Lahat kami nakatingin kay Mr. Pogi Except Kyla na busy kaka-FB sa phone nya. Siguro nga kilala nya na to si Mr. Pogi nakakasama nila si Ed e. "Transferee sya. Varsity na rin sya ng school natin." Isa-isa kaming pinakilala ni Ed kay Bryan.

"Nice to meet you." Sabi ko. Ngumiti sya nang pagkagkatamistamis feeling ko matutunaw na ko.

"Nice to finally meet you Ms. Reyes" Inabot nya yung kamay nya. Nag shake hands kami. Hermergerd!!!! Hamganaday!!!

"Naks naman! Bagbublush si Pars---" di ko na pinatapos magsalita si Ej inapakan ko na agad yung paa nya. "aray naman pot!" Pinagdilatan ko lang sya nang mata.

Huluh! natawa tuloy si Mr. Pogi ay Bryan pala.

"Nga pala, anong course mo Dre?" tanong ni Jake kay Bryan

"I.T. ako pre. Pero sa lunes palang ako papasok since kakafinalize palang nung mga records ko." sagot ni Bryan sabay flash ng nakakatunaw na ngiti. ERMERGERRRD! ulam! charot! Apaka landi ko talaga. Phoebe, behave!

"I.T. rin si Phoebe, baka kasection mo sya." sabi ni Kyla.

Sinerve na yung Pizza at iba pang puds. Matakaw po talaga ako. Walang kokotra! Sinimulan kong kumain nung inorder kong Spags.

"Talaga? Wow, I guess I'm so lucky to have my crush as my Classmate then." Nabulunan ako sa sinabi ni Bryan. Ano daw?! crush nya ko!?! Shewmay!!! 0_o

"Pars, ok ka lang?" Hinihimas si Ej yung likod ko. Inabutan naman ako ni Jake ng tubig.

Uminom ako nang tubig na inabot ni Jake. "Ok na ko."

Binigyan ako ni Kyla ng tissue.

"Sa tingin ko nakikita ko na ang susunod na lovelife ni Pot-Pot! Bwahahaha" pang-aasar ni Ed. Napa tiger look lang ako sakanya habang sya naka Peace sign. Pusang gala! Pinagpapawisan na yata ako nang malamig! Ang lakas ng heartbeat ko. Hindi, hindi maaari. Heart, manahimik ka dyan! Ayoko nang mafall noh, hanggang crush ka lang!

Kumain nalang kami nang kumain tapos nun pumunta kong CR para mag retouch. Sumunod naman sakin si Kyla.

"Hoy bakla ka!" hinapas nya ko ng mahina habang nagpupulbo ako. "Wag ka nang sobrang Obvious!" sabi nya sakin.

"Huh? di kita gets friend." Maang-maangan ko.

"Hoooooh! Le$he! tigilan mo nga ko. Halatang halata ka e. Crush mo noh?" Si Byan yung tinutukoy nya. "Kagabi ka pa nun tinititigan e. Nung dance number nyo palang tinanong nya na kay Ed yung name mo. kwinento sakin ni Ed yun kagabi."


"Huluh! andun sya kagabi? bat di ko naman napansin?" sabi ko

"Pano mo ba naman mapapansin e busy ka sa pag mumukmok." Natapos na sya maglipstick. "Sa tingin ko friend, crush ka nun. EEHH! haba nang hair!" Kunurot nya ko ng mahina sa tagiliran. Aba! mas kinikilig pa sakin ang bruha. Pero sana nga para naman di malamig ang Senior years ko noh. Charot! Landi!!

Ang Lovestory ng Dakilang TangaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon