Chapter 13: Best friend ko ~ TAE

41 1 0
                                    

Chapter 13: Best friend ko ~ TAE

(A/N: Guys! Disclaimer lang! May mga words at dialog silang nakakadiri at may part na may nagmumura din kaya pasensya na, ganyan sila!)

~~Alex POV

"Pre, yung totoo? Anong problema mo? Bakit sobrang init nang ulo mo ngayon?" Tanong ko kay Max

"Wala!" -_-

"Hooh! Chix yan noh? Sabihin mo lang para matulungan kita. Expert ako dyan." Pagyayabang ni Ej

"G@go! Paano magkakaroon nang problema sa chix? Kelan ba nagkasyota tong si Max? Di ka nanaman gumagamit ng utak brad!" -Jake

"Kaya nga pre, baka yun yung problema. Di marunong dumiskarte!" Tumingin sya kay Max "Wag kang mag-alala pre. Akong bahala sayo. Pagdating sa babae maaasahan mo 'ko."

"Lul! Sinong niloko mo?! Wala ka ngang syota e."-Jake

"Oh ano naman? May syota ka nga Under ka naman!"

"Takte! Ingay nyo a!" Di ko na sila natiis. -_-!

"Sorry."-Ej at jake >_

Bumalik ang tingin ko kay Max "Pre, ano nga ba kasi talaga yung problema mo? Mas mainit pa sa pugon ang ulo mo a."

"Wala!" -_-#

"Tol, sabihin mo na. Babae ba?" -Jake

"Makelam ba kayo?! Pagsinabi ko bang oo may magagawa kayo? Ikaw? Asan ngayun si Pot-Pot mo?" Takte! May tama na yata 'tong si Max. Wag nalang ngang mapatulan. -_-||

"Huluh! Oo nga pre, san si Pars? Kala ko ba may movie marathon kayo?" -Ej

"Ahh, di natuloy. Diba nga kadi kasama nya si Bryan papuntang MOA." wala akong gana sa topic na 'to. Badtrip parin ako.

"Aruuuuy! Yan tayo e! Na 'hu yu' ka nanaman nang best friend mo. Wahaha~" Lintik to mang asar si Ej a.

"Manahimik ka nga Ej. Di naman nagseselos yan si Lex e. Si Nicole ang CRUSH nyan!" Buti nalang kakampi ko to si Jake

*apir*

"Mahal nga lang si Pars.-----Aray!"

"May sinasabi ka Jake?" binatukan ko sya. G@go rin e! -_-!

"Wala pre, joke lang!"

"E pero asan nga si Pot-Pot?" Umeksena nanaman yung lasing.

"Andun sa bahay nila malamang diba? Hinatid nung Bryan. Nag-ice skating sa MOA. Pinairal ang katangahan, Ayun! Napilay."

"E bat ka bitter?"-Ej

"Lul! Di noh! Naasar lang ako. Magyaya daw ba kasi nang movie marathon tapos may lakad pala di nagpasabi. Tapos nagalit pa kasi andun ako sa bahay nila kanina." ≈_≈

"Sus! Selos ka lang. Aminin mo na kasi. Tayo tayo lang naman ang andito."

"Isa pa Ej! Babalatan na kita. Sinabi nang itigil mo yan e. Hanggang best friend lang kami uy! Di kami talo. Kadiri lang!"

"Oh! Pilay pala, sinong kasama?" Singit ni Jake. Oo nga noh? Paano nga ba kikilos yun?

"Hala! Oo nga pala. Baka di pa rin kumain yun. Puntahan ko muna! Wala kasi dun sila tita." Potek! Nakalimutan ko yun a. -_-///

~~~Phoebe's POV

Kyaaaah! Grabe! Sobrang kilig to the bones parin ako sa lakad namin kanina ni Bryan. Biruin nyo guys, napasakay ko sya nang PUV. Although taxi yun. Pero PUV parin naman yun diba?!

Eeek! Sabay banat pa nya nang... 'because I wanna try new things with you.' Kahiiiit di talaga new yung pag tataxi? Pero hayaan nyo na. Kinikilig parin ako.

Ang Lovestory ng Dakilang TangaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon