Chapter 2: Acquintance Party

87 2 0
                                    


Chapter 2: Acquintance Party


At yun na nga po. Acquintance party na po namin mga kaibigan!

Natapos na po ang performance namin ng dance crew, naburyo na rin ako sa welcome speech ng Board ng school namin. Opkors sayawan na mga kaibigan at ang mata ko nga rin po konting-konti nalang luluwa na kakahunting ng Papang pogi. Like so-----> O_O

Eto parin po ako naka upo sa table namin la kong ganang sumayaw. Slow yung song e. Malamang dahil wala kong jowa gilid gilid lang ang peg ko. Lang Pakner e! La tuloy nagyayayang sumayaw sakin dahil po mga kaibigan etong mga kupal kong kaibigan bantay sarado kung sino yung lalapit sama ng tingin nila. GRRRRR! @z@r! Ang nasa table po ngayun syempre ako, si Best, Ej at Jake. Si Steph kasi in charge sa mga ibang mga kembular..you know~officer e! Assistant nya si Jerome. Si Kyla naks wag nyo na po itanong ayuuuun!!!! umaawra sa mga pogi. TSE!!! HUTANG NA LOOB!! HAYOKO NA NOH!! hanggang tingin nalang ako. Kagagaling ko lang sa heart break, please naman noh pahinga muna! PFFFFTT!

Now Playing: I'll be


"Naks naman! Hisa mirakel! Di ka yata nag gugwapo hunt ngayun Pars! Ganun na ba talaga katindi yung pagkabasag ng puso mo this time?" Pang-aasar ni Jake

"Wag ka ng Dre! Wag mo na kasing ipaalala sakanya si JERICK RAMIREZ. Di na dapat binabanggit yung mga kagaya ni JERICK dito Dre. Diba Pars?" Gatong naman ni EJ. Inirapan ko nalang sila, wala ko sa mood makipagkulitan e.

(Pars tawag sakin minsan tropa, sila nagbasag. Stands for Phoebe Anne Reyes)

"Waw! Silent treatment?! Pagdating kay JERICK speechless?!" Takte! pigilan nyo ko mapepektusan ko tong dalawang to. >_<

Bago ko pa man sila makutusan inunahan na silang batukan ni Best. "Kita nyo nang wala sa mood yung taong banggitin yung JERICK di pa kayo tumitigil. Alam nyo na ngang nagpakatanga na yung tao irereview nyo pa yung Katangahan nya" T_T akala ko pa naman pagtatanggol ako ng bestfriend ko, gagatung lang din pala. T_T Ganyaaan sila! With strong emphasis pa!

"Tokwa nyo pag ako naka hanap na nang matinong lablayb HU YU kayo sakin mga lechon kayo!" Bulyaw ko.

Hinila ako bigla ni Best palabas ng pavillion papunta sa garden.

"Hoy ikaw! explain! Simula sa simula buong ditalye! walang labis walang kulang!" Nakaupo ako sa bench habang nakatayu naman si Best sa harap ko at naghihintay ng explaination ko.

"Ehh kasi naman Best! Nakakapagod na! Hutaaang na loob naman oh! Sakit e! Pangit ba ko?" Napapraning kong pagvevent sa kanya. Napataas lang sya ng kilay which means 'Ayusin mo di kita magets'

"Si Jerick yun Best sya yung naging classmate natin nung Grade 6 pa tayo. Alam mo namang Bata pa tayo crush ko na yung tao diba?  Mabait naman sya best e, kita mo naman kung paano sya nanligaw diba? Pero nung sasagutin ko na sya biglang sabi nya I'm not the girl for him? ano yun? Joke?!" Napabuntong hiniga nalang si Lex sa mga pinagkukuda ko.

"Baka naman kasi nagpaka assumera ka nanaman? Inassume mong gusto ka nya kahit di naman." Mahinahon nyang sabi. Well may point sya dun. Baka nga talangang humopia lang ako. >_<

"Basta Best ayoko na! Last na yun! Sumasang-ayon na ko sayong walang POREBER!" maktol ko.

"Hooh! As if naman mabubuhay ka nang walang Lovelife! Maya maya nyan makikita na kitang nakikipagsayaw dyan tapos sasabihin mo nanaman 'BEST, This is it!'" uggh! I hate it whenhe has a point. Well di naman talaga ko bitter dahil sa sobrang sawi ako kay Jerick medyo natapakan lang nang konti yung pride ko dun pero tama parin si best na baka mamaya Lumalablayp nanaman ako. >_

"Eh pano makikipagsayaw! e naka gwardya sibil kayo sakin! Pano ba naman makakalapit yung potential lovelife ko?"

"Hay Best! Ewan ko sayo. Basta as a punishment sa pagpapakatanga mo nanaman di ka makakasayaw ng iba ngayon."-Lex

"Tse! Last na nga nating acquintance party to di mo pa ko papayagang sumayaw!" >3 tampo, tampo, tampo...nang bigalang inabot nya yung kamay nya.

"Tayu na dyan uy! Tara sayaw tayo!"-sabi nya. Napangiti nalang ako sa bestfriend ko. Haay! Mano manlang best maglovelife ka na para sumaya ka na rin.

Sumasabay kami ng sayaw sa tugtog sa pavillion, sa sobrang lakas rinig hanggang dito sa labas. Sumadal ako sa dibdib ni Lex sabay napatulo yung luha ko. Ewan ko ba parang pakiramdam ko ang tanga tanga ko. Nakakapagod na din. "Best, yung totoo? pangit ba ko? may mali ba sakin? Bakit walang lalaking handang magmahal at mag tsaga sakin? Ganun na ba talaga ak o kasama?"

Huminto sa sa pagsayaw. Hinwakan yung balikat ko sabay sabing "Best, Maganda ka! Tanga ka nga lang pero mas tanga sila dahil di nila nakita kung gaano ka kahalaga. Wag kang mag-alala may mga handa parin namang  magmahal sayo andito lang akk~kami. KAMING mga barkada mo." Ngumiti sya sabay talikod. Niyakap ko sya sabay "Thank you best. Buti nalang bestfriend kita! Di ko alam gagawin ko kung wala ka." >_

<song ends here>

Tapos nun bumalik na agad kami sa loob. Ok na ko mga kaibigan! Eto na po ako pumaparty! XD

Ang Lovestory ng Dakilang TangaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon