Chapter 4: Wa Poise

45 3 0
                                    

Chapter 4: Wa Poise

Phoebe's POV

Dahil sa barag ako kaninang madaling araw kay best napapagpasyahan kong sumama nalang kay Kyla sa panonood ng basketball practise sa gym ng school namin. Pero alas tres na talaga nang hapon wala pa sya, 2:30 talaga yung usapan.

Amboring a! -__-  Ano?! Lahat nalang gagatong sa init ng ulo ko? Yung wala kong kwentang ex-manli, yung bestfriend kong ampalaya, yung init ng panahon, pat ba naman tong si Kyla late pa? Ampnesss!! Makalabas nalang nga dito at gumala sa mall. Tumayo nalang ako at naglakad papuntang exit. Nang bigla akong matamaan nang bola. "Aray naman!!" Naasigaw ako ng malakas, masakit e.

"Ay! sorry miss!" paglingon ko...O_O

KYAAAAAAAAHHH!!!! Apaka gwapo! maputi, matangkad, matipuno ang katawan, mapungay ang mata mapula ang labi, pawisan pero amoy mabango. In short, PINAGPALANG bata!! Napalulunok nalang ako ng laway. Natanggal lahat ng init ng ulo ko. HERMERGERRRD!!!

"Nasaktan ka po ba?" Kyaaahh! ang amo nang boses at apaka galang!

"Ahh ehh, Ok lang ako. Ingat ka nalang next time a." Sabay flash ko ng cutest smile. ^_^ Solve na ang araw ko!

"Sorry ulit a." Sabi nya sabay kuha sa bola at bumalik sa paglalaro.

Nagdadalawang isip na tuloy akong lumabas...Ampogi kasi nya!!! Kyaaaahhh!!!

"Hoy Pars!" Eh? paglingon ko si Kyla kasama si Ej at Jake. "Sorry nalate ako, Eto kasing dalawang kumag na to pumunta pa sa  bahay para makikain." Taas kilay nanaman si Kyla. As usual Babaeng babae nanaman sya. Dangkal shorts, Off shoulders at flats. Yung dalawang ugok naman tatawa tawa kang.

"Walang cellphone teh? Di maka text?" Pagtataray ko. Ayoko kasi nang pinaghihintay. =_=

"Tse! wag mo nag kong inaartehan nang ganyan! Pasalamat ka sawi ka pa kaya pinabibigyan kita!" Aray! maka sawi naman!

"Oo na, san tayo?" tanong ko. Sabay may pumito sa gym. Tumigil yung mga naglalaro. Break yata. Malay, di ako maka basketball e. >_<

"Uy Kylaa!" Nagulat ako nung makita kong may tatlong lalaking tumatakabo papunta samin at kasama pa si Mr. Pogi kanina. In fairness lahat sila gwapo pero si Mr. Pogi parin yung nangingibabaw para sakin. Nung makalapit na silang tatlo napansin ko si Ed lang pala yung isa. School mate na namin dati pa yan si Ed ewan ng kung bakit usad pagong parin yung lovestory nila ni Kyla e.

"Uy, Sorry a, nalate ako di ko tuloy napanood yung practise nyo." Ay! tapos na pala akala ko pa naman break lang.

"Ok lang yun." Tumingin si Ed kila Ej at Jake. "Oy mga dre!" Apir! Apir! Sabi ko seyo e. Halos kasali na rin yan si Ed sa tropa. Ako---->Kruuh~ kruuuh~ O.P. "Hi Pot-Pot!" Yan ang dahilan kung bat ayaw ko kay Ed. Makapang Le$he, Wagas! Ayaw na ayaw kong tinatawag nang ganyan. Inirapan ko lang sya.

Hinampas sya nang mahina ni Kyla "Wag mo nang inaasar yan ngayon. Heart broken yan!"

"Ahh wala na ba kayo nung pinagyayabang mong Jerick?" pang aasar ni Ed. "Teka, Naging kayo ba nun? E diba bakla yun! Huluh sya! Pinagtyagaan na pati yun!" Nagtawanan silang apat. Napapigil naman ng ngiti si Mr. Pogi. Hallaaa! kakahiya! Ipahiya daw ba ko nitong kupal na to.

"Sige magtawanan kayo! Pag ako nagka lablayp nang matino F.O. kayo! Mga Whatta Friend kayo a!" Di ko na napigil kapikunan ko sakanila. Napaflip nalang ako ng buhok ko at nagwalk out. Hayyy! nakakastress sa bangs!


Hinabol ako ni Ej at Jake palabas sabay inakbayan. Hmp! bigat a! Porket ba di ako katangkaran dakilang akbayan na ko? sabitan ng mga braso?

"Uy Pars! Wag ka na mapikon, Pinapatawa ka lang naman namin e." Sabi ni Ej.

"Hohonga nemen! smile nemen jen mahmen!" Ang Jeje talaga nito ni Jake, saay ginulo ang buhok ko.

"Oo na, Please lang naman pakitanggal yung pagkaka akbay nyo, babagsak na yung balikat ko." sabay flash ng slight na ngiti.

"Ikaw kasi e! Di ka nag-iisip muna sabak ka lang ng sabak!" Sabi naman ni Ej. Napahinto kami sa paglalakad nang mapansin namin si Jake na naiwan na pala namin. Nakatayo lang sya sa likod may binabasa sa Phone nya.

"Mga Tol, Hintayin daw natin sila Ed, shower lang daw muna sila. Nagyayaya kasi silang kumain sa labas. Libre daw nila." Sabi ni Jake. Pati ba naman pagshshower naka ditalye? Anyway, tumambay nalang muna kami nila Jake sa may gate ng school namin. Dahil walang pasok napaka tahimik nang campus.

"Jake, ang init. Pa-ice cream ka naman." Pacute ko. Lakas maka kotong e noh? Hehe

"Suus! pasalamat ka may allowance pa ko." Tapos lumabas sya para bumili ng Dirty Ice cream. Alam nilang favorite ko yun e.

"Pars, asan ng pala si Lex? Yayayain sana naming magdota kanina kaso wala sa bahay nila kaya dumirestso nalang kami kila Kyla." Tanong ni Ej

"Aba malay ko! Mukha ba kong hanapan ng nawawalang kalabaw?" Taas kilay ko sa kanya

"Naks! LQ nanaman yung mag bestfriend. Kagabi palang nagsosolo kayo sa garden ngayon LQ agad?" Pang-aasar nya

"Pwede ba! wag mo ngang gagamitin yung LQ na word samin dahil hindi kami Lovers. We're best friends. Tsaka hinila nya ko dun kasi nahalata nyang malapit ko na kayong tampalin sa pang-aasar nyo sakin kagabi noh!" Katwiran ko

"Tuuuts!! Kung si Lex nalang kasi kina inlaban mo siguro hindi ka nabobroken hearted ng paulit ulit ngayun noh?" tukso nya.

Natahimik nalang ako. Oo nga naman, bakit nga ba hindi ako naiinlove sa bestfriend ko? Gwapo naman sya, mabait, matalino, matangkad, makwela at may mahal nang iba at higit sa lahat "bestfriend lang kami." yun lang yung nasagot ko kay Ej.

Kumuda pa sya nang kumuda at parang hangin ko lang syang dinedma kasi uro lang naman pang-aasar. Bumalik na si Jake may dalang Ice cream. Tagal naman nila Kyla. kain~ hintay~ kain~ hintay~ Nang biglang may pumunas sakin ng Ice cream. URGGHH! Si Ej! "YAHHHH! Le$he ka! Bumalik ka dito!" sigaw ko sakanya na tumatakbo na habang tawa ng tawa. pinunasan ko naman ng ice cream si Jake na katabi ko sabay takbo. At yun na ng nag hahabulan na kaming tatlo at nagpupunasan ng ice cream. Wag na kayong magtaka, natural lang to sa barkada namin. Mga isip bata lang.


Nahuli ako ni Jake, hinawakan nya ko sa kamay sabay lumapit naman si EJ. Patay!

"Kyaaaah! wag ang lagkit!!!" sigaw ko napapikit na ko dahil umaktong pupunasan ni EJ ng ice cream yung mukha ko. EEEKKK!!

Kinagat ko yung kamay ni Jake. Nang biglang may sumigaw. "Hoy!! Itigil nyo nga yan! Kakaloka! Parang mga bata!" Napatingin ako kay Kyla kasama nya si Ed at SHEWMAAAY! si crush, si Mr. Pogi. Oo crush ko na sya!

Mabilis kaming umayos. Inayos ko yung buhok ko at nag wipe nang mukha para matanggal yung ice cream. Kyaah! kakahiya! >_< wa poise aketch sa harap nya!!


Sumakay kami sa sasakyan ni Ed. Fortuner naman to kaya keri kaming anim. Si Ej at si Jake as usual nag-aasar nanaman. Pinangdidilatan ko nalang sila ng mata pero di parin nadadala.


Nakakailang nakatingin sakin si crush nasa tabi ko kasi sya naka upo. Kyaahh! >_< nakakatunaw sya! Bakit kaya sya sakin nakatingin dahil ba wa poise ako kanina?

Ang Lovestory ng Dakilang TangaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon