*Ten years before*
Masayang nakatira ang pamilyang Cruz sa bansang Amerika. Tahimik at normal na buhay. Ang pamilyang Cruz ay isang mayaman na pamilya. May-ari sila ng iba't ibang kompanya labas at loob ng bansang Pilipinas. Tumira sila sa Amerika sa kadahilanan na gusto nila magkaroon ng tahimik na buhay. Pero isang pangyayari ang gumulantang sakanila..
"Ma'am tumawag po si sir galing Pilipinas" Inabot ng katulong ang telepono sa among babae. Sila ay nasa sala ng kanilang bahay.
"Mahal! May masama akong balita. May nagtatangka sa buhay ninyo. Kelangan niyo mag-ingat dyan. Ingatan mo ang mga bata, Padadagdagan ko ang security diyan." Sambit ng asawa na may pag-aalala at takot.
"Teka.. Anong gagawin namin? Dapat ba na bumalik kami diyan?"
"Wag muna.. Mas mapanganib dito. Tatawagan ko nalang uli kayo.. Mahal na mahal ko kayo.. Sorry wala ako diyan para maprotektahan ko kayo. Mag-ingat kayo diyan aa."
"Mag-ingat ka din diyan.. Mahal na mahal ka rin namin."
Dun natapos ang pag-uusap ng mag-asawa. Makikita sa asawang babae ang takot at pag-aalala para sakanilang sitwasyon. Unti unti tumatakas sakanya mga mata ang mga luha..
"Mom..." Malungkot na tinig ang narinig niya mula sa likod. Agad agad niyang pinunasan ang mga tumulong luha.
"Yes baby? Bakit gising ka pa?"
"Nanaginip po kasi ako. A very bad dream. I got scared kaya po pinuntahan ko kayo dito"
"Don't worry baby everything gonna be alright now... Oh halika at dun kana sa room ni mommy matulog."
"Mom.. are we not yet going home to the Philippines?"
"Soon baby.."
"Bakit po si Daddy hindi siya pumunta dito?"
"Uhm.. A-ano kasi.. Busy si daddy.." nauutal na sagot niya dahil naalala nanaman niya ang binalita sakanya ng asawa. Hiniga na ng Ina ang kanyang anak. Tinabihan niya ito. Napansin ng bata ang lungkot sa Ina. Kaya niyakap niya ito.
"Sweet talaga ng baby ko. Let us sleep na?"
"Yes mommy.. Can you sing a lullaby for me?"
"Of course. For you baby"
Hinihimas ng ina ang kanyang anak na may buong pagmamahal habang kumakanta.
/Hush little baby/
Habang kumakanta ay unti-unti na nang nakatulog ang kanyang anak. Masakit sa ina ang isipin na madamay sa panganib ang kanyang anak na walang kasalanan.
Lumipas ang gabi at dumating ang umaga. Umagang di inaasan. Umagang ay dalang takot at kaba sa buong pamilya.
May dumating na mga kahinahinalang mga lalaki sa bahay nila. Nasa 5 ang malalaking lalaki na ito. Sila ay nagpupumilit na pumasok sa bahay. Agad agad naman na pumunta ang katulong sa among babae sa kusina na naghahanda na noon ng umagahan.
"Maam!!! May mga lalaki po sa labas nagpupumilit sila na pumasok. Sinabi napo naming na bawal."
"wag niyo sila hayaan! Tawagin mo ang iba kelangan na makaalis ang mga bata dito agad. Sabi mo kay Tonyo at sa isa pang driver na ihanda ang sasakyan sa likod ng bahay at abangan ang mga bata doon! Dali!" Utos ng ina sa katulong. At agad agad itong umakyat para puntahan ang panganay na anak na nahihimbing pa.
" Peter! Peter! Wake up! We need to rush honey! Go with manong Tonyo sa likod! Dali!"
"Bakit po mommy? Anong nangyayari?!" Gulat na tanong ng anak.
"Dali na! Bilisan mo at pupuntahan ko si August sa room ko. Dali na!!" Takot na tono ng boses ng ina kaya dali dali na itong tumayo at tumakbo patungo sa sasakyan sa likod ng bahay nila. Sumakay siya agad at agad agad din itong umalis.
Ang ina naman ay nagmamadali na pumunta sa kwarto niya. Agad agad niya ginising ang natutulog na anak pababa papunta sa likod. Bago pa man makarating ay may narinig na silang putok ng mga baril.
"Mommy what's happening?!" Iyak ng kanyang anak.
"August shh~ Everything will be fine mommy is here. Shh tahan na.." habang pinupunasan ang luha ng anak. Patakbo na sana uli sila. Biglang dumating ang 2 sa mga lalaki.
"STOP! STAY IN YOUR PLACE! " sigaw ng isa sa mga lalaki na pumunta sa bahay nila.
"Mom! I'm scared" Iyak ng iyak ang bata. Paulit-ulit na binibigkas ang kanyang nararamdaman na siya ay takot. Hinarang ng ina ang sarili sa Anak.
"Please stop this. I'm begging you. Don't hurt us. What do you want from us? Please.. I'm begging.." Pagmamakaawa ng ina sa mga lalaki.
"Your husband did not agree to our boss condition! That is the reason why this is happening to all of you.. It's nice to hear you begging but It's too late!" nagsmirk ang lalaki pagkatapos niya ito sabihin.
Ang mga lalaki na ito ay inutasan nang isang malaking mafia na galit sa pamilyang cruz. Hindi sumangayon ang ama na magpasakop sa mafia na ito kaya nais nila bawian ang pamilya sa pagpatay dito.
Natatakot ang ina pero nais niyang mailigtas ang anak. Kaya nilakasan niya ang kanyang loob. Lumapit siya sakanyang anak at may binulong.
"August can you do me a favor baby? Mommy will be your superhero today okay. I will fight those bad guys for you. When I said run please run okay! Don't ever turn back!" Umiiyak na sabi ng ina kay August.Tumayo ang ina. Takot na takot na si August at patuloy sa pag-iyak.
Tumakbo ang ina palapit sa isang lalaki at pilit inaagaw nito ang baril.
"August Run!" sigaw ng ina. Dahil nataranta ang isa pang lalaki tinutok nya ang baril sa ina at pinutok.
"Mommy.." Nakita ito ni Auguts. Tumakbo siya agad pero di mawala sa isip ang itsura ng ina na nabaril sa likod nasa bandang puso. Nakaramdam siya ng galit. Matinding galit at takot sa pangayayari.
Habang tumatakbo ang bata siya ay naabutan. Wala na siyang magawa kundi umiyak.
"You are bad people! Murderer!"
"Shut up!" sigaw sakanya ng lalaki at akma narin siyang babarilin pero bigla itong natumba. Nabaril ito ng mga pulis. Namatay ang 2 lalaki. At nahuli ang 3 pang natira na naghihintay sa labas.
Ang kuya ni August na si Peter ang tumawag ng pulis. Nailigtas si August. Dinala siya sa ospital. Pagkatapos nun siya ay din a nagsasalita at natulala nalang dahil sa trauma. Inilibing ang kanilang ina. Nagtagal sila sa Amerika ng ilang buwan dahil pinatingin muna nila si August pero ang sabi ng doctor mas mabuti na malayo siya pinangyarihan at kelangan niya ng madaming tao na tutulong sakanyang paggaling. Nakakatakot ang pangyayari para sakanila. Bumalik sila sa Pilipinas. Walong taong gulang lamang si August nun. Habang si Peter ay 14 years old. Nang naging 10 na si August dun nalang ulit siya nagsalita at nakisama. Ngunit malaking pagbabago. Pagbabago na ikinagulat ng lahat.
-*-*-*-*
Yown! Ang saya first time na magsulat ng story. Kadalasan tula ang sinusulat ko eh. Anw. HAHA Enjoy reading guys~
Ang mga first part ng story ay nakathird person muna. Okeh? Okeh? Basta tsaka na magppov kapag marunong na ako nun XD Madami pa ako dapat matutunan eh :)
Ps: Yung nasa taas po ay totoong family ni Lee young ae. Twins ang anak niya girl and boy. For the story pretend that they are not twins and same na boy sila. Arasso? Haha Yun lang~
-Author-nim-
BINABASA MO ANG
EXIST
RandomAng pagibig ay hindi lang sa nakikita ng mata kundi sa tinitibok ng puso. <3 -- Kwento ito ng isang pamilya na dadaan sa mga bagyo pero sabi nga nila laging may bahaghari pagkatapos ng ulan. Lahat ay kayang isakripisyo dahil sa pag-ibig. <3 -*-*-* A...