*August P.O.V*
I really feel wasted. Tutal yun naman ako, panindigan ko na. Until now naalala ko padin ang mom ko. I want to get revenge pero di ko alam kung kanino ako gaganti. Si dad talaga ang nakikita ko na may kasalanan. As a dad dapat siya ang andun. Nung nangyari yun I'm confused bakit kami lang ni mom ang naiwan dun. Bakit wala si kuya Peter, walang maids and guards kundi kami lang. Sinadya nila yon! Arghhhh!! Sumasakit ulo ko. Di ko napansin naka 3 bote na ako ng alak dito.
Nandito ako sa isang Bar. Ang boring! Lagi nalang ako umiinom. Wala bang exciting na gawin.
"Haay! Boring." bigla kong singhal.
"Gusto mo ng exciting pre?" tanong ng isa kong kaibigan.
"Sige pre!" cold kong sagot.
"Oh! Tara! Tara! Sama ka samin exciting to!" pagyaya niya agad naman ako sumama.
15 minutes drive lang ang layo ng mula bar at sa isang bahay na pinuntahan namin. Hangang 2nd flr. ang bahay. Maganda at maayos. Full airconditioned din.
"Anong exciting dito?!" Inis kong tanong.
"Chill pre! Padating nayun" sagot niya sabay tumunog yung doorbell.
/DingDong/
"Ayan na pala eh" Tapos pinuntahan na niya. Pagbalik nila sa pwesto ko may dala silang plastic. Dalawa silang bagong lalaki na dumating. At ang laman ng mga plastic ay iba't ibang droga. Lima kami na andito sa bahay ng kaibigan ko, yung 3 at yung 2 naman ay kaibigan ng nagyaya sa akin dito. Di ko sila mga kilala dahil paiba iba ako ng kaibigan.
Tinuruan nila ako paano gumamit. Iba ang epekto para kang nakalutang pero maliban dun normal padin ako at hindi nababangag. Dito muna ako umuuuwi sa bahay nato.
***
Halos 2 buwan nadin ako gumagamit ang pinagtataka ko parang walang epekto sakin.
Isang gabi pumunta kami sa bar para uminom. at may mga maangas na lalaki doon na nagpapainit ng dugo ko. Dahil trip ko lang.. Nilapitan ko ang isa sa mga lalaki at sinuntok ko siya. gumanti siya sakin at parang masaya to! \m/ Rock n' Roll! Nakisuntok nadin ang mga kaibigan ko at mga kaibigan ng sinuntok ko hangang nagkagulo na. At maya maya ay mga mga dumating na pulis. Nung naawat na kami isa isa kaming kinapkapan. Sa kamalas malasan na lagi akong may dalang drugs nahuli din ito. At dinala ako sa tanggapan ng pulis.
Kinikilatis na ako ng pulis. Daming tanong. -_- Laking gulat ko biglang sumulpot ang magaling kong ama.
"Sir bayad napo ang bail ni Sir August" sabi ng butler ni Dad.
"Dahil okay napo, pwede napo kayo makauwi" sagot ng pulis. Lahat nalang nadadaan sa pera. Di pa nga ako tapos tanungin eh.
"Ganun lang yun? Ano? Nadala lang kayo sa pera?" sagot ko na may tonong pangiinis.
"August! Pumasok kana sa kotse. Mag-uusap tayo." Sagaw ng dad ko.
"Ayaw ko. Uuwi ako sa condo." pagkasabi ko nun tumayo na ako at naglakad patalikod sakanila. Dipa ako masyado nakakalayo ng biglang nagsalita ang dad ko.
" Satingin mo ba matutuwa ang mom mo sa ginagawa mo? Hindi niya ikakatuwa yan. Nagbuwis ng buhay ang mom mo para sayo tapos sasayangin mo lang ang buhay mo ng ganyan lang? August hindi na tama na idahilan mo ang mom mo bakit ka nagkakaganyan! Sana pala yung mom mo nalang ang nabuhay" sobrang sakit. Sapul sa puso ko yun ah! Nagpatuloy ako sa paglakad. Di ko namamalayan na iyak na pala ako ng iyak. Ang bakla mo! Lagi ka nalang umiiyak! Hindi ko nadin napapansin ang paligid ansakit talaga eh! Naririnig ko boses ng mom ko sa kung saan na sinsabi na bakit ako nagkaganto. naririnig ko din ang boses ng dad ko na sana si mom nalang ang nabuhay. Para nila ako binubulungan pero parang sigaw. Hindi ko maintindihan. Basta masakit.
"Arrrgh!!!!!! Di ko na kaya to! F*$% this life!!!" Sigaw ko ng malakas. "Pagod na ako. ayaw ko na!" Hindi ko namalayan na nasa tulay na ako. Huminto ako at napatitig ako sa tubig. Parang tinatawag ako ng tubig. Parang ang sarap magpa anod. Ayaw ko na! Pagod na ako.
Akamang sasampa na ako sa bakod ng tulay nang...
"Huhuhuhuhuuuhuhuhuuhuhuh! May umiiyak na babae. Kaya napalingon ako sakanya.
(-____-)# Panira to ng moment ah!
"Huhuhuhuhuhuhuhuhuuhuhuh! Ayaw ko na mabuhay! Patay na si Hansel! huhu! Mahal na *Sniff* mahal ko po yung aso ko nayun! huhuhu" tapos sinisinok pa siya. Grabe dahil lang sa aso. Natawa naman ako bigla. Tinitigan ko lang siya. Napansin niya ata na nakatititg ako.
"Huhuh! bat ka nakatingin?" paninita nito.
"Hahaha! Nakakatawa ka kasi at ang cute mo." Nagulat ako sa sinabi ko at nagulat din siya. Bigla siyang ngumiti. May mas tama ata sakin to.
"Talaga?" /sabay beautiful eyes/ Napatitig ako sa muka niya. Ang ganda niya. Bigla nalang tumibok ng di normal ang puso ko.
"A-eh! Ou!" nauutal kong sagot. Naglakad nalang kami at nagkwentuhan tungkol sa aso niya. Namatay yung aso niya dahil sa heat stroke at para niya pala tong bestfriend.Kaya ganun nalang reaksyon niya. Niyaya ko nalang siya kumain. May nakita kami ng kainan.
Parang sa korea tong kainan na to. Yung parang resto sa daan. Pumasok na kami sa loob ng tent. tawa siya ng tawa. Nagulat ako na lahat ng nasa loob pinagtitinginan na kami.
"Sssh! Teka teka wag ka nga masyado tumawa" Paninita ko sakanya.
"Anong masama dun /irap/ tara kain na nga lang tayo. Ikaw na umorder." hahha may pagka maldita din tong babae nato! Tumungo lang ako senyas na ou. Siya naman ngiting ngiti.Pumunta na ako sa ale para umorder.
"Ale dalawang fries nga po yung isa spicy at yung isa bbq, at 2 ding burger with egg at 2 kinds ng cheese at 2 din pong soft drinks" Inabot ko ang bayad ko.
"Iho? Tig 2?" Ayy! kakasabi ko lang.
"opo ale" At kinuha niya na bayad ko. ihahatid nalang yun sa table namin.
Nakakatawa di ko papala kilala tong babae nato. Pagkabalik ko nakangiti padin siya. Parang anghel.
"Sino ka nga pala?" tanong ko.
"Ella May" simple niyang sagot.
At buong gabi wala kami ginawa kundi ang kumain at nagkwentuhan sa iba't ibang bagay. Ang weird ng babae nato. tinanong ba naman niya ako about sa alien at iba pa. Nawala sa isip ko ang mga problema ko. Ngayon nalang ulit ako nakatawa ng ganto. Yung totoong saya. Sana hindi nato matapos..
****
Oyeh! After 9919913928482985 yrs. nakaupdate nadin! HAHAHA! Sorry guys para sa matagal na update. Coz di po talaga ako marunong ng P.o.v eh. And now ito na siya! I'll try my best to update ng mas mabilis kesa dati. <3 <3 <3 Thanks for reading!
-Mrs. Kim-
BINABASA MO ANG
EXIST
RandomAng pagibig ay hindi lang sa nakikita ng mata kundi sa tinitibok ng puso. <3 -- Kwento ito ng isang pamilya na dadaan sa mga bagyo pero sabi nga nila laging may bahaghari pagkatapos ng ulan. Lahat ay kayang isakripisyo dahil sa pag-ibig. <3 -*-*-* A...