After namin maging officially friends ng baliw na babaeng yun, madalas kami nagkikita sa park o kaya minsan sa cafe. Iyon ang madalas namin tambayan.
Isang linggo nalang bago ang pasukan. Naeexcite na ako at mejo kinakabahan dahil babalik na ako sa pag aaral. Madalas ako napapatalsik sa pambubully ko sa school. Sana ngayon hindi na. Nagbabago naba talaga ako? Di ko din maintindihan sarili ko. Di ko maiwasan na gumamit padin ng bagay nayun pero siguro mahihinto ko din yun diba? Tama kaya sila Daddy na kailangan ko na magbago.
Andito ako ngayon sa kwarto ko at namimili ng damit dahil babalik ako sa EU para magpasa ng iba pang requirements.
"August?" Tawag ni Peter sakin.
"Bakit?" Sagot ko naman habang nagsusuot ako ng simple tshirt. Minsan nakasara ang kwarto ko dahil ayaw ko sila makita o pumasok sa kwarto ko. Pero si Kuya Peter okay lang dahil never niya ako iniwan. Siya ang naging sandigan ko at lagi syang nariyan para sakin.
"Mag aaral ka ulit?" Curious na tono niya sa kanyang tanong. Agad akong lumabas sa walk in closet ko at nakita ko na hawak niya ang mga requirements ko para sa EU.
"Ou kuya, wag niyo muna sabihin sa iba." sagot ko na nangangamba. I don't want to give them a false hope.
"Sige, maaasahan mo ako jan" ngiti naman niyang sagot.
"The best ka talaga!" At niyakap ko sya.
"Parehas talaga kayo ni mommy! Iisang kurso pa ang kukuhain mo katulad sakanya" sambit niya
"Talaga? Di ko alam.. Hehe Sa totoo lang may sinusundan lang akong babae" pagpapaliwanag ko
"Ou nagculinary din si mommy kaya masarap syang magluto! lagi niya sating kinukwento yun," pagpapatuloy niya
"ahh baka may mga bagay din akong nakalimutan tungkol sakanya" sagot ko at biglang nagbago ang mood dito sa kwarto.
"Nako august! Matutuwa din si Daddy nito!" Masigla niyang sagot para magbago ang mood sa silid "siguro panahon nadin august na bumawi karin kay Daddy! Sige mauna nadin ako kasi may tatapusin pa akong mga papeles sa opisina."
"Sge, ingat ka kuya! Pag iisipan ko!" At nung lumabas na sya, tinapos ko nadim yung ginagawa ko.
--
Yes! Officially enrolled na ako.
Sa lunes na ang pasukan namin, naeexcite ako. Sobra.Dumiretso ako sa opisina ni Daddy para sabihin yung plano ko. Galing ko noh, kung kelan tapos na tyaka ako magpapaalam.
*Tok Tok*
"Dad." Sabi ko nung pagbukas ng pinto niya.
"What a surprise iho. Come in. Make yourself comfortable." Halata sa muka nya ang gulat.
"Dad, mabilis lang ako. I just want you to know na mag aaral na ulit ako. Sa EU." Kahit pasaway ako, kinakabahan padin ako sakanya.
"Thats very good son!" Then hugged me. Nakakagulat. Should I hugged him back? I felt loved as well as guilt at the same time.
"Thanks Dad" tinapik ko nalang balikat niya.
At biglang may pumasok na lalaki..
"Excuse me sir," sabi nung lalaki na kakapasok lang.
"Oh, anjan kana pala. Uhmm. August I need to do some important things lang. Okay lang ba?" At ayun, ang awkward. Di ko na maalala kung kelan niya ako huling nayakap.
"No prob, alis nadin ako" at lumabas na ako sa office ng Dad ko.
I think I really should change for the better.. for the peace of my family and my mom..
---
BINABASA MO ANG
EXIST
RandomAng pagibig ay hindi lang sa nakikita ng mata kundi sa tinitibok ng puso. <3 -- Kwento ito ng isang pamilya na dadaan sa mga bagyo pero sabi nga nila laging may bahaghari pagkatapos ng ulan. Lahat ay kayang isakripisyo dahil sa pag-ibig. <3 -*-*-* A...