Better Off Alone

73 1 0
                                    

Sabina's POV

Sumalampak ako ng higa sa kama habang hinihintay ang text niya. I groaned in frustration. Jeez. My boyfriend's acting weird lately. Hindi na siya ganun kasweet, mukhang kinakabahan tuwing may nagpphone call sa kanya, at ang malala mukhang may tinatago siya sakin... *bzzt bzzt
Hmm. Baka siya na yung nagtext.

From: Adam
Hey Sab. 'Di kita masasamahan sa lakad mo ngayon. Something came up. I'm sorry. I'll come with you next time. Promise...

Grrr. Ayan nanaman. It's the 7th time in a row na hindi siya sumipot sa mga lakad namin. Laging ganyan ang rason. Puro siya promise hindi naman natutupad.

To: Adam
Argh. Sige. Bahala ka. I'll ask Rain to come with me instead.

I texted Rain.

To: Rain
Yo Rain. Punta kang bahay. May pupuntahan tayo.

From: Rain
Ahh. Sige. I'll be there in 10 minutes.

After 10 mins. nakarating nga si Rain.

"Hey Sab!" Sigaw niya saka ako niyakap.

"Jeez. Rain, mababasag eardrums ko sayo eh" sinimangutan ko siya.

She laughed "Oh, bakit mo ba ako pinapunta dito?" Sabay pamewang -.-

"Punta tayong mall. Shopping."
Nagiinit kasi ang ulo ko dahil kay Adam. I need to unwind, para kahit papaano makalimutan ko ang problema ko sa kanya.
-----------------------
Mall...

"Rain, dun tayo sa may bookstore. May titingnan ako" aya ko sa kanya.

"Sige. Tara."

Umalis na kami sa café na pinagkainan namin at pumunta na ng bookstore. I was looking and scanning for some books ng may narinig akong pamilyar na boses. Nasa kabilang shelf lang yata sila. Napatigil din si Rain sa pagtingin ng mga libro at sinenyasan akong manahimik muna dahil magsasalita sana ako. Nagtago kami sa magkabilang side ng shelf para makita sila... It's Adam... With some other girl.

"Babe, kelan ka ba kasi makikipagbreak kay Sabina?" LESHE. ANONG SINASABI NIYA?!

"Intay lang babe. Humahanap lang ako ng tamang tiyempo. I'm supposed to be with her ngayon pero mas pinili kitang samahan. That's how I love you. Hmm" sabi ni Adam... Then... he pulled the girl for a kiss...
Nagpintig ang tenga ko, magkahalong sakit at galit ang naramdaman ko. Galit dahil niloko niya ako, at sakit dahil na din sa parehong dahilan at dahil tinanggap ko siya nung naging kami pero parang balewala lang yun sa kanya.

Gulat na gulat ang itsura ni Adam pati nung babae.

"Sino ka?" Tanong ko sa babae.

"Baby, let me ex-" pinutol ko agad ang sasabihin niya.

"Hindi ikaw ang kausap ko kaya wag kang sumabat at isa pa hindi ako baboy para tawaging Baby." singhal ko sa kanya at saka binalingan ulit ang babae "Ngayon, sino ka?"

"I'm C-Crizzy."

"Ahh." I looked at Adam, crossed my arms, and raised an eyebrow. "Oh ngayon, ikaw naman kakausapin ko."

He fidgeted. "Kaya pala. Nawala ang sweetness mo, lagi kang kinakabahan pag may tumatawag sayo, siya ang tumatawag no?" Naramdaman kong nanggigilid na ang luha ko, pero hindi ko ito hinayaang tumulo. I know we're making such a scene here, sa isang public place, pero wala akong pakealam.

"Let me explain." Pilit ni Adam.

"No need. Nakita ko at narinig ko ang usapan niyo." matigas na saad ko. "So you're really planning to break up with me huh?" At tuluyan na ngang tumulo ang luhang kanina ko pa pinipigilan.

"I-" he tried to talk pero hindi ko hinayaan. Alam kong hindi ko magugustuhan ang susunod niyang sasabihin. Ako na ang magsasabi.

"No Mr. Cortez. Let me do the honor/s of breaking up with you. Nahiya naman ako sa inyo ng babae mo eh. Kaya ayan, nakikipagbreak na ako sayo para maging legal ang relasyon niyo." tuluyan na akong napaiyak at napansin kong nalapit na din si Rain sa akin habang masama ang tingin sa dalawa.

"I-I *sob should've let you go dati pa. Y-you're better off alone without me. Goodbye, Adam." tumakbo na ako palabas ng bookstore, ignoring all the people around me, hinayaan ko ang sarili ko na umiyak, naramdaman kong sumunod na din si Rain sa akin...

Basta ang alam ko lang, he's really better off alone without me. Baka hindi lang talaga kami itinadhana para sa isa't isa. Kung kami talaga, edi kami. Pero kung hindi, edi hindi.

----x

One Shot CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon