CHAPTER 1

14 0 0
                                    

Section A, kami ang section A hindi ang section na angat sa lahat dahil binubuo ng matatalinong estudyante, kami ang section A na binubuo ng mga estudyanteng pinatalsik sa mga dating paaralan dahil sa mga gulong pinapasok namin. A ang simula ng pangalan ng section namin kaya iyon ang naging tawag sa amin. Pero maliban sa amin ay wala na kaming ibang kasamang estudyante, iisang section lang kami na binubuo ng sampong babae. Hiwalay kami sa campus, nandito kami sa isang maliit na classroom katabi ng guard house. Mga normal naman talaga kaming estudyante kung tutuusin pero lingid sa kaalaman namin ay magiging empyerno pala ang buhay namin dito. Akala namin campus ang pinasukan namin empyerno pala. Hindi katulad ng iba ang pinag aaralan namin, hindi math, English, science ang subjects namin. Dahil ang subjects namin ay Physical, Mind, Gun, Blade, Bomb at Computer.



"Okay, sisimulan na natin ang klase. Hindi tulad ng mga nakaraan ang magiging klase natin. Ang kailangan niyo lang ay takbuhin ang field hanggang sa matapos ang oras ko." agad na nagsi reklamuhan ang mga kasama ko. Isang oras ang tinatagal ng bawat klase kaya ang ibig sabihin isang oras na pag takbo sa field ang gagawin namin.



"Ma'am, nasaan ang mga pinadala ni Satanas?" tanong ni Valerie.


"Wala, dahil ang mga pinadala niya dito last time ay nasa ospital parin hanggang ngayon." nakarinig naman ako ng mahinang tawa mula sa kanila. Ang lalaking tao ng mga pinapadala ni Satanas, mga bouncer yata sa club iyon. Pero marurunong silang lumaban, kaya lang sa tagal narin na nandito kami at nakikipag buno sa kanila na sanay na kami, alam naming napuruhan namin sila dahil katulad ng sabi ni prof ay nasa ospital parin sila hanggang ngayon.



"Sabihin mo humanap siya ng iba!" reklamo naman ni Gab. Third semester na ngayon, at pahirap ng pahirap ang nagiging training namin sa tuwing tumatagal. Pero nagiging madali na lang samin ang lahat.


"Huwag na kayong madaming reklamo sige na takbo!" inirapan na lang siya ng iba at nag stretching. Hindi kami pwedeng tumakbo agad ng walang stretching.




Nag simula na kaming tumakbo. Normal na sa amin ang tumakbo sa field, ikaw ba naman abutin na ng kalahating taon na ganito ang routine hindi ka pa masanay. May mga times din talaga na ginagawa namin ito ng boung isang oras lalo na at naii-jured ang mga pinapadala nila. PHYSICAL dito mo matatansya ang sikmura mo. Ang pag takbo sa field at ang iba pang gawain na nag papalakas sa sistema ng katawan. Pero ang pinaka gusto namin ay ang physical combat, nakikipag laban kami sa mga malalaking taong binabayaran nila. Nung una ay halos mabalian kami ng buto hanggang sa masanay at matuto. Dati kami ang binabalian ng buto ngayon kami naman ang bumabali ng buto. Ibat-ibang klase ng martial arts ang ginagawa namin. Minsan pa ay kami-kami mismo ang naglalaban pero turns out na bugbog sarado lang ang bawat isa sa amin. Pantay-Pantay na ang lakas at kaalaman namin dito. Hindi lang tao ang kinakalaban namin dahil kung minsan ay pumapasok kami sa gubat para mang haunting-haunting na walang dalang ibang armas maliban sa isang kunay. Halos mamatay kami noon pero kabaligtaran na iyon dahil kami na ang pumapatay, ubos na ang mga mababangis na hayup na ang nasa gubat kung saan nila kami pinapapunta. Sinisingil namin sila sa bawat galos na nakuha namin noon.


"King ina, isang oras na takbo sa field!" Inis na sigaw ni Marga. Tinawanan na lang namin siya dahil ang lakas niyang magreklamo e kung tutuusin sa amin siya ang hindi pa mukang pagod.


"30 minutes na lang!" sigaw naman ni Faye.



"Oh yeah baby!" sigaw ni Yuen na ikinatawa namin.



Oo siguro nga nasa empyerno kami pero walang makakapigil na maging masaya kami dito. Subok na ng empyernong to ang pagkakaibigang meron kami sa isat-isa at masasabi kong, napapaligiran man kami ng mga demonyo ay mananatili ang mga anghel sa aming tabi. Handa kaming mamatay at pumatay sa oras na kantiin nila ang isa sa amin. Naalala ko nung ikalawang semester, sa klaseng ito ay nakaharap namin ang mga gangster na binayaran ni Satanas. Malalakas sila gaya ng inaasahan sa mga gangster pero kaya naming makipag sabayan. Maayos ang takbo ng laban namin hanggang sa marinig namin sumigaw si Hailey ang bunso sa aming lahat. May sugat siya sa tagiliran at puno ng pagnanasa siyang tinititigan ng lalaking nasa harap niya. Pinunit nito ang pants na sout ni Hailey at nag tangkang hawakan si Hailey ng bigla na lang bumagsak ang katawan niya sa lupa at naka hiwalay ang ulo niya. Dapat ay walang patayang magaganap però dahil sa ginawa ni Kath ay naging agrisibo ang mga kalaban namin hanggang sa wala na kaming choice kundi ang patayin sila. Iyon ang unang physical subject na mayroong mga namatay. Kasalanan nila dahil wala sa rules na gagalaw sila ng isa sa amin at ang bunso pa talaga.



"10 minutes bitches!" Sigaw ng kambal. Si Shinra at Shira. Inalis lang naman ang 'n' sa pangalan ni Shinra. Nag irapan silang dalawa dahil nagka sabay na naman silang mag salita.




"Dev, ayos ka lang?" tanong sa akin ni Gab. Tumango na lang ako at nginitian siya. Hinampas niya ako sa braso ng napaka lakas bago mas binilisan ang takbo niya.




"Bwesit ka! Hawakan niyo si Gab!" sigaw ko sa dalawang nasa tabi ni Gab.



"Bitawan mo ako Yuen!" sigaw ni Gab habang kumakawala sa hawak ni Yuen at Hailey. Hindi niya pwedeng sigawan si Hailey baka madagukan siya ni Kath. Tawa naman ng tawa ang iba dahil paatras na hawak ni Hailey at Yuen si Gab ay sabay-sabay silang bumagsak.



"Okay girls tama na mag pahinga na kayo!" napahinto naman kami sa kakatawa habang tumatakbo dahil sa sinabi ni prof.



"Ang bait mo naman prof, grabe isang minuto na lang tapos na ang oras mo però dahil concern ka ay pinahinto mo na kami." sarkastikong saad ni Val.



"Bago iyan prof!" dagdag namin ni Marga.



"Walang ano man!" sigaw ni prof bago lumabas sa field. Nag tawanan na lang kami at naupo. Hindi na nanginginig ang mga tuhod namin at hindi na rin kami ganoon kapagod.




"Next subject na! Hailey mag pahinga ka na muna!" sigaw naman ni Kath. Si Kath ang over protective kay Hailey dahil may kapatid din siyang babae na hindi niya na protektahan noon.



"Opo!" naka ngiting sagot ni Hailey. Napaka galang parin pero nakakatakot pag galit.





















WARNING!
GRAMATICAL ERRORS AHEAD, TYPOS AND WRONG CONSTRUCTION OF WORDS AND PUNCTUATIONS. VULGAR WORDS THAT NOT SUIT TO YOUNG AND SENSITIVE READERS.

DISCLAIMER:
NAMES, THINGS, PLACE, THINGS, AND EVENTS THAT ACCIDENTALLY HAPPENED IN REAL LIFE IS NOT INTENTIONALLY. ALL OF THIS IS JUST MADE OF MY IMAGINATION.

PLAGIARISM IS A CRIME!
DON'T FORGET TO VOTE AND FOLLOW ME, SADDIE. ENJOY! KAWAII.

SECTION A (ASSASSINATION) Where stories live. Discover now