"Kagutom!"
"Sinabi mo pa!"
Inirapan ko na lang sila. Lahat naman kami gutom dito. Mas lalo tuloy akong nagutom dahil nag rereklamo sila.
"Gusto ko ng fried chicken at fries!" naka ngusong saad ni Hailey.
"Tapos may kasamang kanin." dagdag naman ni Faye.
"Syempre dapat may kanin." si Yuen.
"Sisig pa!" si Gab.
"At cocke!" si Shinra! Grabe humilab ang tiyan ko doon ah!
"Mga yawa! Nagutom tuloy ako ng sobra!" Inis na saad ni Val. Lahat naman kami ay nag reklamo ng sabay-sabay tumunog ang mga tiyan namin. Hustisya talaga!
"Hi Girls." wala kaming lakas para mag hello sayo Prof. Kunot noo niya naman kaming tiningnan.
"What's wrong?" tanong niya habang inihahanda ang mga blade, kunai at shirukin.
"Gutom na kami prof, sarap mong kainin." namula naman si prof na ikinatawa namin. Gwapo kasi siya at nasa 20+ palang. 18 na kami kaya naman malapit lang ang edad namin kaya pwede siyang tuksuhin.
"Sir, kanin na lang at cocke ang kulang." naka ngising banat ni Hailey. Nanlaki naman ang mata ko.
"Hailey!" sabay-sabay naming sigaw. Wala talagang choir dito pero parang meron.
"J-Joke lang!" naka nguso nitong saad. Tumikhim naman si prof.
Iniisip ko, kamusta kaya ang pakiramdam nila. Nag hirap sila pag aralan ang mga subject at ang pag guguro però nauwi lang sila sa ganito. Wala silang alam dito kailangan din nilang torturin ang sarili nila para sa amin at sa pamilya nila.
Nag simula na kami, hawak ko ngayon ang blade ko. May sari-sarili na kaming blade dito. Hindi to ang blade na visible sa lahat. Dahil sa unang tingin ay muka lang itong laruan pero pwede kang patayin nito. Kailangan mo lang ihampas sa hangin ang blade kasabay ng pag pindot ng botton na nasa may handle nito. Bubungad sayo ang napaka talim na blade.
May mga target kami pero hindi mga tao.
30 minutes din ang tinagal ng ginagawa namin. Lumipat naman kami sa kunai. Magkakalaban kami.
Faye - Kath
Yuen - Gab
Shinra - Val
Shira - Marga
Ako - Hailey
Alam kong nag aalala si Kath pero hindi niya ako makumpronta. Sapakin ko siya kapag sinungitan niya ako.
"Don't worry, magaling si Hailey." saad ko kay Kath. Umirap naman ito sa akin.
"Hindi kasing lakas mo." tugon niya. Inambaham ko ito ng upak pero pinigilan ako ni Hailey.
"Ano kaba Ate Dev, kalma ka lang. Alam mo naman si Ate Kath masyadong oa." bulong sa akin si Hailey habang hawak ang kamay ko.
"Oum, sige na. Mag fucos ka." tumango naman siya.
Nag simula na ang one on one naming sampo. Masasabi kong napaka laki talaga ng improvement ni Hailey! Ang galing at ang bilis na niya. Kaya niya nang makipag sabayan. Hindi ko na rin mabasa ang mga kilos niya.
Natapos ang 20 minutes at pawis lang ang natamo ng bawat isa sa amin. Masyado na naming minamani ang mga armas dito.
Shirukin, itatapon lang naman namin ito sa target. At gaya ng kay prof kanina ay bagsak ang mga target namin. Kung tao ito ay malamang patay na. Walang nimpis ang mga tama ng target.
"Good job girls." naka ngiti niyang thumbs up sa amin. Ngumiti lang kami sa kaniya.
"Ano sir, papakain ka ba?" asar ni Yuen. Namumula tuloy na umalis si sir.
BOMB, second to the last na ang subject namin. Well, ituturo lang naman dito kung paano ang tamang pag diffuse ng mga bomba, paano sila ikabit o paano gumawa ng bomba.
"Ayan, simulan niyo na." sampong bomba na may ibat-ibang timebomb. Lahat ng ito ay totoo. May dalawang minuto ka lang para i-diffuse ang mga bomba. Pero hahanapin mo muna sila!
Sinimulan na naming hanapin ang mga bomba at i-diffuse iyon. Wala pang dalawang minuto ay natatapos na namin ang isang bomba. 20 minutes, tapos na.
"Girls, go take your seat. Nag order ng pag kain si Mr. Marquez." saad ni prof.
"Ayos!" sigaw namin. Parang nabuhayan ako doon ah.
Gaya ng mga binabanggit nila kanina ang mga pagkaing nasa harap namin.
"Anong meron kay Satanas at nag bigay ng pagkain?"
"Baka dinalaw ng anghel."
"Baka nilagnat."
Kumain na kami at ng maubos ay nag pahinga kami ng kaunti. Isa na lang ang natitirang subject. Ang pinaka madali talaga sa lahat.
"Mauna na ako." saad ni Prof na may dala pang manok. Naki kain na rin siya.
"Nag Sharon pa si Prof." nag tawanan naman kami.
After 10 minutes ay dumating na si prof.
COMPUTER ito ang pinaka madali para sa amin. Mag ha-hack at track lang kami.
Nasa harap na kami ng mga laptop namin. Bawat isa sa amin ay binigyan ng files. Kailangan naming burahin lahat ng footage ng nasa files namin.
Isang sikat na lawyer ang sa akin. May footage na pwedeng sumira ng career niya, kailangan kong burahin lahat ng iyon, kailangan ko ding i-save ang mga iyon ebedinsya oras na sirain niya ang kontrata niya kay Mr. Marquez.
Natapos ang subject namin. At nandito lang kami naka higa sa field. Hinihintay ang sundo namin. Alas nuwebe na ng umaga. Alas kwatro ang simula namin.
"Arat na." mga wala kaming buhay na sumakay sa sasakyan.
Naka rating na kami sa dorm. May mga pagkain na rito. Kumain kami at pagkatapos ay nagsi pasukan na sa mga kwarto para mag pahinga.
Pakiramdam ko ay binagsakan ako ng langit at lupa. May mission kami mamaya.
RODRIGUEZ FAMILY ang isang governador na umaangkin sa pera ng bayan. Kailangan namin siyang alisin sa landas ni Mr. Marquez.
Nag linis na ako ng katawan at nag palit. Kailangan kong matulog. Inihiga ko na ang katawan ko sa kama at hinayaang lamunin ng antok.
WARNING!
GRAMATICAL ERRORS AHEAD, TYPOS AND WRONG CONSTRUCTION OF WORDS AND PUNCTUATIONS. VULGAR WORDS THAT NOT SUIT TO YOUNG AND SENSITIVE READERS.DISCLAIMER:
NAMES, THINGS, PLACE, THINGS, AND EVENTS THAT ACCIDENTALLY HAPPENED IN REAL LIFE IS NOT INTENTIONALLY. ALL OF THIS IS JUST MADE OF MY IMAGINATION.PLAGIARISM IS A CRIME!
DON'T FORGET TO VOTE AND FOLLOW ME, SADDIE. ENJOY! KAWAII.
YOU ARE READING
SECTION A (ASSASSINATION)
Action"Kung mamamatay man kami sisiguraduhin naming kasama ka!" sabay-sabay na sigaw ng 10 kababaihan sa isang matandang lalaki na hindi na alam ang kaniyang gagawin dahil sampong baril na ang nakatutok sa kaniya ngayon.