CHAPTER 5

2 0 0
                                    

Walang sino man sa amin ang naging maayos matapos ang engkwentrong iyon. Lumipas ang tatlong buwan na halos lahat ng nagiging kalaban namin ay agaw buhay na. Galit, sakit at hinagpis ang naramdaman namin sa loob ng tatlong buwan. Pero ano nga bang magagawa namin kung ganoon ang takbo ng buhay namin. Maayos kaming pumasok sa campus pero ganito kami bumagsak. Bawat isa sa amin ay nangako na mag babago na pero lalo yatang lumala. Pumapatay kami—pumapatay para sa iba pang buhay. Kailangan naming mag sakripsiyo, kailangan naming dungisan ang mga kamay namin para mailigtas ang mga taong mahal namin. Para kaming dinudurog ng Paulit-ulit sa tuwing titingnan namin ang mga kamay naming may bahid ng dugo. Sa tuwing makaka kita kami ng bangkay na kami ang dahilan. Mahirap, pero kailangan naming gawin para sa pamilya namin. Kailangan naming maging mabangis para protektahan ang mga taong mahalaga sa amin. Kailangan naming makipag patentero kay kamatayan para sa mga buhay namin. Hindi namin naranasang maging normal na estudyante simula ng mapasok kami rito. Araw-araw ay hirap ang dinadanas namin, nawawalan ng pag asa na muling lumaban, hindi kami pwedeng manatiling naka yuko kailangan naming I-angat ang mga ulo namin at harapin ang panganib.



Dumaan ang tatlong buwan ay unti-unting bumabalik ang lahat sa dati. Kinakalimutan ang mapait na naka raan. Pinipilit na muling bumangon.


“Darating na ang huli niyong mission pero...” pabitin naman itong babaeng ito. Siya ang bagong sekretarya ni Satanas. Galit na galit siya ng malamang binutas ko ang ulo ng sekretarya niya at tinaninam naman ng girls ang ulo ng mga tauhan niya.








“Bakit niyo pinatay ang secretary ko!” galit na galit na tanong niya sa amin.

“Sabi mo ay pwede naming patayin lahat ng nasa paligid namin, hindi exception ang babaeng iyan.” mariing saad ko. Gusto ko na siyang patayin ngayon.


“Humanap ka ng bagong parausan tanda.” galit na saad ni Kath. Umusok naman ang ilong nitong si Satanas.






Huwag siyang mag alala dahil siya ang isusunod ko. Hinihintay lang namin ang tamang panahon.


“Però ano? Gusto mo bang matulad sa pinalitan mo?” galit na saad ni Marga. Lumunok naman ang babaeng ito at nanginig ang kamay.


“P-Pero kailangan niyong pumasok sa main campus.” natakot tuloy.



Tahimik, oo tahimik talaga kami dahil hindi namin inaasahang makakatungtong kami sa campus na akala naming babagsakan namin oras na maka enroll kami dito.


“Kailan?” maikling tanong ni Gab.


“Ngayon, mag handa na kayo.” wow, nag mamadali ba sila? May lakad ba?


“Pack up girls.” utos ko sa kanila. Nagsi balikan na kami sa mga kwarto namin at inihanda lahat ng mga gamit na kakailanganin lang namin.



Bawat isa ay may dalang isang maleta. Tumango ako sa kanila at nagpa una ng lumabas. Bumaba kami sa building at naka handa na ang sasakyan. Bitbit ang mga maleta namin ng bumaba kami sa hagdan ng tatlong palapag. Walang elevator dito. Sinaksak namin ang mga gamit sa likod ng sasakyan. Limousin, expensive diba? Ito ang sundo namin.



“Information.” saad ko. Kailangan naming malaman ang mga maliliit na impormasyon sa campus.




“Bright Academy. Pag mamay ari ni Mr. Marquez, pinapatakbo ng mga ssg officers. May roon silang special subject para sa lahat—death class. Kailangan mong pumasok sa class na iyan para maka kuha ng card na siyang kailangan upang maka kuha ka ng armas. Simple lang ang training nila kumpara sainyo. Ang ibang detalye ay nasa folder.” binagyan niya kami isat-isa. Hindi makapal ang folder. Natural academy Maliban sa death class na pwede lang sa mga may kayang sumalo ng bala na hindi umiinda.


“Ang section niya ang Last Section. The worst section. Sila ang nangunguna sa klase pag dating sa mga armas. Pangalawa sa physical combat, nangunguna ang section A. Mahigpit na magka laban ang dalawang section na iyan, Section E at A.” ahm, kagaya ng ibang academy ay may decrimination at bully din.



“Narito na tayo.” may inabot siya sa aming mga card. Katibayan sa pag lipat namin.


“Ibigay mo iyan sa Head na nasa D.O. ang mga gamit niyo ay ihahatid sa harap ng dorm niyo. Kunin nito ang susi at approval na makapasok sa section ninyo.” tumango kami. Bumaba na kami sa sasakyan. Nasa likod kami ng campus. Hindi pwedeng i-expose kami sa mga estudyante.


“Let's find the D.O.” pumasok kami sa may parking lot. Dito na kami dumaan dahil ayaw namin maka tawag pansin sa mga estudyante.



Nasa hallway na kami nag lalakad. Nakaka agaw parin kami ng atensyon.


“Who are they?”

“Transfer i think?”

“They're beautiful.”

“Saan kaya silang section?”



Ilan lang sa mga bulongan nilang naririnig naman namin. Ang iba ay mangha at naka ngiting naka tingin sa amin ang iba ay walang pakialam at ang iba ay masama ang tingin. Kung nakakamatay ang tingin ay baka naka lamay na kami ngayon.



Pinag patuloy lang namin ang pag hahanap hanggang sa maka rating sa isang pinto na may naka lagay na “DEAN'S OFFICE” agad na kumatok si Hailey.


“Pasok!” sigaw ng nasa loob. Agad kaming pumasok sa loob ng buksan ito ni Hailey.


Malamig na hangin ang sumalubong sa amin. Tatlong tao ang nasa loob. Isang lalaki na naka upo sa dean's seat at dalawang babae sa magka bila niyang side. Masama silang naka tingin sa amin na binalewala lang namin.


“We need our key and approval, Head.” magalang na saad ni Shinra.


“Alam niyo ba na fourth semester na? Ngayon niyo pa talaga naisipan na mag enroll dito. Mga tanga!” Inis na saad ng lalaki sa amin. Binalewala lang namin siya.


“Hanapin niyo.” singit ng babaeng nasa tabi niya, sa kanan.



Inilabas ko ang card na patunay ng pag transfer namin. Naka lagay dito na kami ang section A, naka lagda ang pangalan ni Satanas at ang marka namin—skull with sword. Iniabot ko iyon sa kaniya. Tinanggap niya iyon at halos man laki ang mga mata niya. Inilapag narin ng iba ang mga card nila.



“Key and approval now.” diing utos ni Kath. Kailangan pa kasing sindakin.



“O-Oo.” halos hindi sila magkandarapa ng pag hahanap. Hindi sila maka tingin sa amin ng inaabot nila sa amin ang mga kailangan namin.


“Salamat.” angil ko.


Lumabas kami sa D.O ng may ngisi sa labi. Itinarak ni Val ang kunai niya sa gilid ng kamay ng lalaking iyon, daplis lang ang nakuha niya però grabe maka sigaw.
























WARNING!
GRAMATICAL ERRORS AHEAD, TYPOS AND WRONG CONSTRUCTION OF WORDS AND PUNCTUATIONS. VULGAR WORDS THAT NOT SUIT TO YOUNG AND SENSITIVE READERS.

DISCLAIMER:
NAMES, THINGS, PLACE, THINGS, AND EVENTS THAT ACCIDENTALLY HAPPENED IN REAL LIFE IS NOT INTENTIONALLY. ALL OF THIS IS JUST MADE OF MY IMAGINATION.

PLAGIARISM IS A CRIME!
DON'T FORGET TO VOTE AND FOLLOW ME, SADDIE. ENJOY! KAWAII.

SECTION A (ASSASSINATION) Where stories live. Discover now