CHAPTER 2

3 0 0
                                    

"Okay, handa na ba kayo?" tanong ng prof namin para sa subject na ito. Lumipat kami dito sa malapit sa gubat. Mahangin dito at maaliwalas.

"Simula ng pumasok kami dito ay palagi na kaming handa." seryosong saad ni Faye.


"Dahil wala kaming choice kundi ang maging handa." sabay na namang saad ni Shinra at Shira at syempre inirapan na naman nila ang isat-isa.


"Alam niyo naman na wala kaming choice kundi ang gawin din ito." mahinang saad ni prof. Nangunot ang noo namin dahil sa sinabi niya.



"Meron, si Prof Sara sinubukan niya kaming tulungan pero tinggal niyo siya!" masyadong na palapit si Marga kay prof Sara dahil ito lang ang guro na nag pakita ng awa sa amin.


"Mga magulang kami at parte sa amin ang masaktan sa tuwing makakakita ng mga batang nag hihirap." pagak na tumawa si Kath.


"Talaga ba?" bakas ang galit sa tuno niya kaya hinawakan ko ang kamay niya.


"Pare-parehas lang tayo dito." diing saad ni prof habang naka kuyom ang mga kamao.


"What do you mean?" mahinahong tanong ko.



"Lahat ng guro niyo ay may mga pamilya at ang bawat pamilya namin ay hawak ni Mr. Marquez." napa singhap kami dahil sa sinabi niya. Ibig bang sabihin ay mga guro sila na nag apply sa campus pero dito bumagsak.


"Si Sara, pinatay siya kasama ng pamilya niya." mababakasan ang galit ngunit takot sa tinig ni prof.

"B-Bakit?"


"Dahil oras na tulungan namin kayo ay buhay namin ang kapalit kasama ng pamilya namin." kaya pala, kaya pala nawala na lang bigla si prof!


"No!" Nanay-nanay na ang turing ni Marga kay Prof Sara. Walang Inang nakagisnan si Marga at si prof ang nag silbi niyang ina sa loob ng empyernong ito.


"Kaya pasensya na kayo, wala kaming magagawa." kuyom ang mga palad na nag lakad siya papunta sa pwesto niya.


"Simulan na natin." wala silang ibang magagawa kundi ang ituro samin ang mga bagay na dapat naming matutunan-iyon na lang ang kaya nilang itulong.


Hawak ni Faye at Shira ang kamay ni Marga. Maaaring mga demonyo narin kami pero bago kami maging demonyo ay naging normal muna kami. Masakit-masakit malamang nag sakripisyo ang isa naming guro para sa amin.


Ito ang MIND ang subject kung saan susubukin ang tatag ng isip at damdamin mo. Ang bilis at galing ng pakiramdam mo na makisama sa paligid.

Naka pwesto na si Kath, siya ang unang kakasa sa subject namin. Tibay at bilis ng pakiramdam, ito ang kailangan naming matutunan. Limang minuto ang tinatagal ng bawat isa sa amin. Ito ang pinaka delikadong subject noon para sa amin, bakit nga ba e isip at pakiramdam lang namang ang dapat naming aralin. Well, ngayon hindi na ito ang pinaka mahirap para sa amin ito na nga ang pinaka madali para sa amin. Ang kailangan lang naming gawin ay ang tumayo sa harap ng isang machine at iwasan ang mga lumilipad na kunai, shirukin at mga bala. Madali lang diba, pero iiwasan mo ang mga iyan ng may takip ang mata. Naka blindfold ka habang iniiwasan ang mga bagay na pwedeng pumatay sa'yo oras na tamaan ka. Pero oras naman na tamaan ka ay hihinto ito.


"Okay, Faye ikaw na." sinuot na ni Faye ang blindfold niya at nag fucos.



Kailangan mong makisama sa paligid, pakiramdam ang galaw ng hangin. Kailangan mong masanay sa dilim ang mga mata mo at pakiramdaman ang mga bagay sa paligid. Mahirap na maging bulag sa dilim dahil hindi kapa nakaka kilos patay ka na.



Kailangan mong mag fucos at pakiramdaman ng maigi ang galaw ng hangin, oras na madistract ka ay pwede kang tamaan.



Napa ngiti naman ako ng matapos si Faye ng walang kahit isang galos gaya ni Kath.


"Gab."


"Shinra."

"Shira."

"Yuen."

"Gab."

"Val."

"Hailey ikaw na." na tapos ang iba ng gaya nila Kath ay walang galos. Masaya ako dahil sa wakas wala na kaming natatamong sugat.


"Fucos Hailey!" sigaw ni Kath. Kinakabahan si Kath dahil kita iyon sa mga kamay niya. Naka blindfold na siya at na nginginig ang kamay. Kailangan niyang mag fucos dahil hindi makaka tulong ang kaba niya! Baka mawala siya!


"Hailey! Mag fucos ka!" sigaw ko dahil muntik na siyang tamaan ng kunai.


Limang minuto naming pinigil ang pag hinga, dahil oras na tamaan si Hailey ay sisiguraduhin kong kakailanganin nila ng bagong machine. Sisirain nila ang bagay na iyan oras na tamaan ang bunso namin.


"Marga." wala siya sarili pero alam kong hindi siya mawawala sa fucos.

Ako na, king in ako na!


"Deven ikaw na." pang aasar ni Gab. Well, last time ako lang naman ang tinamaan ng bala. Daplis lang naman iyon.


"Fuck off." tinawanan niya lang ako.



Sinuot ko na ang blindfold ko at huminga ng malalim. Ipinikit ang mga mata at naki sama sa daloy ng paligid. Pinakiramdaman ko ang galaw ng hangin, isang malakas sa pwersa ang alam kong papalapit sa akin. Isa sa kaliwa, dalawa sa kanan, at tatlo sa taas. Na distract lang naman ako kahapon dahil talagang wala ako sa sarili ko. Sunod-sunod ang pag lipad ng mga iyon sa akin na sinasabayan naman ng hangin.


"Good job girls." naka ngiting saad ni prof. Huminga ako ng malalim ng matapos.



Pumunta kami sa firing place. Nandito kami sa isang private place na naka laan para sa mga section A na gaya namin. Babalik kami sa dorm namin after ng klase, at pupunta sa classroom bago mag simula ang klase dahil doon kami susunduin. Bumibiyahe pa kami para lang dito.



GUN ang pinaka exciting para sa akin. Lahat kami ay sinisisiw na lang ang pag gamit ng ibat-ibang klase ng baril. Dito tinururo kung paano mo gagamitin ang baril, kung paano mo ito ikakasa. Dito mo matututunan ang lahat ng tungkol sa mga baril. Firing na lang ang ginagawa namin dito at ang sniping.



"Grab your guns!" agad naming kinuha ang mga baril na nasa harap namin. Pistol lang ang mga nandito.


"Oi, improve na ang target." naka ngising uyam ni Yuen.

"Marga, ayos ka lang?" bulong ko sa kaniya. Tumango siya at ngumiti.


"Let's start!"



Walang nimpis! Lahat ay tumba at nasa center lahat ng tama ng mga target. Kahit pa mas mabilis na ang kilos ng mga ito kumpara sa normal ay walang hirap parin naming napa tumba lahat.



"Goob job girls!" naka ngiti niyang saad. Sa training namin ay ibat-iba ang gianagawa, kasama doon ang pag aaral ng emosyon ng mga tao. Hindi matago ng ngiti at mga seryoso nilang muka ang lungkot sa mga mata nila.




"Let's go." tatlong subject pa!


















WARNING!
GRAMATICAL ERRORS AHEAD, TYPOS AND WRONG CONSTRUCTION OF WORDS AND PUNCTUATIONS. VULGAR WORDS THAT NOT SUIT TO YOUNG AND SENSITIVE READERS.

DISCLAIMER:
NAMES, THINGS, PLACE, THINGS, AND EVENTS THAT ACCIDENTALLY HAPPENED IN REAL LIFE IS NOT INTENTIONALLY. ALL OF THIS IS JUST MADE OF MY IMAGINATION.

PLAGIARISM IS A CRIME!
DON'T FORGET TO VOTE AND FOLLOW ME, SADDIE. ENJOY! KAWAII.





SECTION A (ASSASSINATION) Where stories live. Discover now