Janna's POV
Nauna nang pumasok ang lalaki sa loob. Sumunod na lamang ako. Nakakasilaw na ilaw agad ang tumama sa akin pagbukas ng malaking gate.Nasa pangalawang palapag kami ngayon. Nakarating kami sa isang office.
"Maiwan ko na po kayo."
Saka siya agad na lumabas ng silid. Naiwan akong mag-isa. Pinagmasdan ko muna ang paligid. Bumukas ang pinto.
"Mukhang nandito na ang pamangkin ko."
Hinarap ko siya.
"Dederetsuhin na kita. Hindi ako narito upang makipag-biruan. Anong sinasabi mong ikaw ang papalit sa posisyon ni ina?"
"Mukhang nasabi na sayo ng tauhan ko."
"Tapatin mo nga ako. Ikaw ba ang pumatay sa aking ina?"Dala ko pa rin ang baril. Inilabas ko ito galing sa loob ng shirt ko. Itinapat ko ito sa kaniya. Nakalimutan kong may tauhan pala siyang kasama. Inilabas din nila ang baril at itinutok sa akin.
"Huwag mo nang tangkain, pamangkin."
Wala akong nagawa kundi bitawan ang baril. Ayokong sumabak sa laban na pati ako ay mamamatay.
"Bakit binigay sayo ni ina ang 'will' niya? Anong kinalaman mo sa pagkamatay niya."
"Don't get me wrong. Matanda na ang ina mo para pamahalaan ang association."
"Sagutin mo ako!""Well, wala na akong oras. Narito lang naman ako upang sabihin sayo ang 'will' ng ina mo. Ibinigay niya sa akin ang lahat. Kaya kung pwede pamangkin? Umalis ka na sa buhay ko. Magpasalamat ka na lang dahil hindi ka nadamay."
"Walang hiya ka!"
"Security, kaladkarin siya palabas."Lumapit ang mga lalaking kasama niya. Hinawakan nila ako sa braso at mahigpit na hinila palabas. Nang makarating kami sa labas ng building, mabilis kong tinanggal ang kamay ko mula sa kanilang pagkakahawak.
"Magbabayad ka."
Mukhang pati bahay ni ina ay inangkin na ng bruhang babaeng iyon. Hindi ko talaga siya gusto. Lagi niyang minamaliit at iniinsulto si ina kapag may pagkakataon siya. Hindi talaga namin siya kasundo ngunit napilitan si ina na pakisamahan siya dahil kay lolo. Wala na ngayon si lolo, kay ina niya ibinigay ang posisyon bilang 'mafia boss'. Inggit na inggit naman si bruha kaya gagawin niya talaga ang lahat. Hindi ko alam na hahantong sa ganito. Siya ang pumatay kay ina, nasisiguro ko iyon. Wala pa akong lakas ngayon para kalabanin siya. Ngunit hindi ko siya mapapatawad.
Inabot na ako ng gabi sa paglalakad. Ni hindi ko nga alam kung saan na ako pupunta ngayon. Ginagabayan lamang ako ng street lights kung saan ako patungo. Sinusundan ko lamang ang liwanag.
Bumalik na naman ang alaala ko kay ina. Sobrang sakit dahil hindi ko na siya makakasama ngayon. Literal na mag-isa na ako ngayon. Nakarating na ako sa bandang gubat pero sinusundan ko na lang ang kalsada para makarating na sa bayan. Hindi ko alam kung gaano pa kalayo ang lalakarin ko ngunit patuloy pa rin ako sa paglalakad.
Nakaka-bwisit naman ng babaeng iyon. Ni hindi man lang ako hinatid palabas rito. Hindi ko alam na nasa bundok pala ang bahay niya. May nakita akong babaeng naglalakad. Mukhang patungo rin siya sa bayan. Maganda siguro na sumabay na ako sa kaniya.
"Ah hello po, mawalang galang na po ngunit maaari po ba akong sumabay sa inyo?"
Hindi siya sumasagot, siguro ay mahiyain siya. Binilisan ko ang lakad ko upang makarating sa kinaroroonan niya. Doon ko na lamang nakita ang kasuotan niya. Naka-suot siya ng magandang dress, mukhang dadalo siya sa kasal.
"Ate? Maaari po ba akong sumabay sa inyo?"
Nakatalikod pa rin siya sa akin. Dahan-dahan kong inilapit ang kamay ko upang tapikin siya. May tumawag sa akin.
BINABASA MO ANG
Lurking In The Netherworld
ParanormalIsang mundo na nababalot ng misteryo. Isang mundo na hindi pangkaraniwan. May mga taong nagtataglay ng isang pambihirang kapangyarihan, sila ay mga Psychics. Ang kapangyarihang taglay ng mga Psychics na nagmumula sa kanilang spiritual body ay maaari...