Chapter 33: S-class

6 0 0
                                    

Kinabukasan...

Jasmin's POV
Kakaiba si Janna, hindi ko makita sa mga mata niya ang buong impormasyon tungkol sa kaniya. Maa-activate lang ang ability ko kapag nahawakan ko ang isang tao o makapag-eye contact sa kaniya. Parang may tila barrier na nakapalibot sa babaeng iyon, ang nakita ko lamang sa mga mata niya ay isa siyang napakalakas na psychic. Isang unlimited energy ang nakapalibot sa kaniya. Hindi ko alam kung mamamangha ba ako dahil sa angking lakas niya o matatakot dahil hindi ko siya mabasa nang tuluyan.

Naglalakad lang ako sa may hallway nang may biglang makabangga sa akin. Isang madilim at nakakatakot na environment ang nagpakita sa vision ko. Ilang sandali ay nawala din ang vision. Tinignan ko kung sino ang nakabangga sa akin.

"Ah pasensiya na, hindi ako tumingin sa dinadaanan. Kasalanan ko."

Siya pala si Alexandra. Nang magkatitigan kami, nagpakita sa vision ko ang tila digmaan. Tulad rin ni Janna, may napakalakas na energy ang nakapalibot sa kaniya. Ilang mga impormasyon ang unti-unting nagpakita sa isip ko tungkol sa kaniya. Ang ability niya ay Hemokinesis, kaya niyang manipulahin at kontrolin ang dugo.

"Its ok, mag-iingat ka na lang uli sa susunod at tumingin lagi sa dinadaanan," ako.

Sumisigaw ang instincts ko na huwag ko siyang kakaawayin. I guess dahil na rin siguro sa ability niya, nakakatakot naman talaga. Pero dahil professional ako at hindi gossiper, lahat ng nakikita ko sa vision ay confidential unless gusto nila na i-public ito. Mukhang hindi ako kilala ng Alexandra na ito dahil hindi man lang siya nag-ingat nang makasalubong ako. Kilala ako sa university bilang "dark secrets revealer" kaya walang sinuman ang naglalakas ng loob na humarap o dumikit sa akin. Although bagay naman talaga ang ability ko sa sinalihan kong club which is "School Journalist" kaya hindi ko ikinahihiya ang ability na ito.

Nakapagtataka rin dahil limited lamang ang nakikita ko sa Alexandra na ito. Mukhang prinoprotektahan ng blood niya ang katawan nito for outside threats ng kaniyang katawan. Nakakamangha talaga, bawat araw ay samu't-saring ability ang natutuklasan ko.

Yena: Hi, Jasmin.
Jasmin: Hello, magandang araw Yena.

Nakaharap ko si Yena sa may hallway. Mukhang hindi maganda ang araw niya dahil nakikita ko ito sa mga mata niya. Naghiwalay na kami ng landas pagkatapos bumati sa isa't isa.

Yena's POV
Nang makita ko si Jasmin ay agad akong bumati. Alam na niya ang lahat ng tungkol sa akin kaya medyo comfortable na ako sa kaniya. Alam ko rin naman na confidential lahat ng information ko sa kaniya. Nakakatakot ang kaniyang ability dahil kahit hindi ito pang-offense or defense ay nakakatulong pa rin ito for data gathering. Hindi naman sa natatakot ako pero dine-describe ko lamang ito. Alam ko na alam na niya ang kalakasan at kahinaan ko. Kahit nakakatakot ang ability niya, she's a good person. Magaling rin siya sa trabaho niya.

Hindi pa rin talaga mawala sa isip ko ang "Doppleganger" case na iyon. Doon ko kasi napagtanto na mahina pa ako. Hindi ko masyadong fully-mastered ang ability ko gaya ng sinasabi ng iba. In-underestimate ko kasi ang kalaban noon kaya nabaliktad ang laban.

Nalungkot lamang ako dahil nakarating ang outcome at result ng school rankings sa family ko. Aaminin ko na galing ako sa rich family, lumaki ang ulo ko noon dahil sa ability ko. Although galing ako sa rich family ay hindi rin masaya ang buhay ko. Toxic ang pamilya ko. They tend to put high expectations on me na talagang nakaka-pressure. Kaya lahat ng sama ng loob ko ay binubuhos ko sa mga binubully ko noon, pero nagbago na ako. Hindi na ako tulad ng dati na sobrang eager to obtain more power.

Ngunit noong nakilala ko sila Janna ay nagbago ang lahat. Hindi na ako gaanong nakatuon ang focus sa pagpapalakas kundi sa pakikipagkaibigan. Lahat ng hindi ko nagagawa noon ay nagagawa ko na ngayon. Tila nasa isang magandang paraiso ako kapag kasama sila Jay, Ate Janna, at Princess.

Lurking In The NetherworldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon