Chapter 27: Case no.2 = Doppleganger (2)

4 1 0
                                    

Jake's POV
May narinig kaming tunog ng paglalakad sa labas ng staff room. Baka ang mga impostor ito. Nilagyan namin ng mga mabibigat na gamit ang pinto para masigurong walang makakapasok. Sa loob ng staff room ay itong pinto lamang ang maaaring pasukan at labasan kaya nasa bingit pa rin kami ng panganib kung sakaling makarating dito ang mga impostor.

Kinakabahan na ako dahil tila narinig ko ang pagkatanggal ng door knob. Nawala ang tunog, pero hindi pa rin ako mapakali. Sugatan pa rin sila Stacy at June kaya baka hindi kami makatakas agad.

Naabutan kami ng impostor sa clinic bago pa kami maisakay sa ambulansiya. Nakarating nga ang ambulansiya ngunit sakto ring pagdating ng apat na impostor namin. Mabuti na lamang at namataan ko agad sila, nakatago agad kami sa staff room. Hindi na namin nagawa pang mailigtas ang mga nurses dahil hindi nila kami pinaniwalaan.

Kumurap lamang ako saglit nang biglang may lumitaw na dalawang tao sa harap namin, mukhang kasing-edad lamang namin sila. Gusto kong gumalaw upang ipagtanggol ang mga kaibigan ko ngunit hindi ako makakilos. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa katawan ko. Napansin ko ring nasira ang pinto at nawala ang mga mabibigat na bagay na aming hinarang. Malakas ang kutob ko na sila ang may gawa nito.

Babae: Huwag kayong matakot. Kami ang psychic na pinadala ng authorities upang tumulong sa inyo. Huwag kayong mag-alala dahil ang ability ko ang dahilan kung bakit hindi kayo makakakilos ngayon.
Lalaki: Para makapagpaliwanag kami nang maayos sa inyo.

Annalyn's POV
Nagulat ako sa paglitaw ng dalawang ito sa aming harapan. Hindi ko man lang nakita ang buong pangyayari. Madali nilang nasira ang aming hinarang sa pinto nang hindi namin namamalayan. Sila pala ay isa ring psychic gaya ko.

Babae: Sino ba sa inyo ang tumawag sa amin?
Annalyn: Ako po. Ako si Annalyn. Ako ang psychic na tumawag sa inyo.
Lalaki: Oh, then what's your ability?
Annalyn: I have premonition, it is the ability to perceive or gain knowledge about future events.

Babae: Ako si Yena at siya naman si Jay. Narito kami upang tulungan kayo ngunit kailangan muna naming malaman ang lahat para maging handa kami sa kakaharapin naming laban.
Annalyn: So Yena, sa hindi maipaliwanag na pangyayari ay nagkaroon kami ng mga doppleganger na siyang naghahasik ngayon ng lagim sa lugar na ito. Actually, nakita ko na agad na mangyayari ito sa aking premonition ngunit dahil hindi naman detailed ang mga nakikita ko ay hindi ko ito nabago o napigilan na mangyari. Limited lamang ang nakikita ko at randomly lamang nagpapakita ang mga premonitions.

Jay: Ah gets. Parang katulad lang siya ng Clairvoyant na siyang ability ni Ma'am Jenny ngunit mini version.
Yena: May nagawa ba kayong kakaiba bago mangyari ito? I'm sure hindi naman basta-basta lumilitaw ang pangyayaring ito nang walang dahilan, depende na lamang kung mga poltergeist iyon.
Annalyn: Poltergeist?

Ngayon ko lamang narinig ang salitang ito ngunit pamilyar. Parang nabanggit na sakin ito ng namayapa kong lola.

Yena: Bakit? Wala ka bang idea about sa kanila?
Annalyn: Wala ngunit narinig ko na ang salitang iyan dati.
Jay: Sila ang mortal nating kalaban. Galing sila sa impiyerno upang maghasik ng lagim sa mundo. Sa una ay wala silang physical body kaya medyo harmless pa sila ngunit kumakain sila ng negative energy na nagmumula sa tao, ang mga negative energy na ito ay ang mga kasamaang nagagawa ng tao tulad ng pagpatay at iba pa. Sa pamamagitan ng negative energy na nakukuha nila sa tao ay kino-convert nila ito bilang energy nila at kung nagkataon na sakto na ang energy nila ay nagkakaroon na sila ng physical body. At doon na sila nagiging harmful sa mundo.

Ngayon ay naiintindihan ko na ang lahat. Kaya pala lagi akong binabalaan ni lola na huwag gumawa ng masama. Ngunit alam ko na hindi pa rin mawawala ang kasamaan sa mundo kaya hindi ko rin talaga mapipigilan ang pagdami nila dahil lamang sa hindi ko paggawa ng mali.

Yena: Ngunit bago ang lahat ay dalhin muna natin sila Jay sa ligtas na lugar.
June: Sandali, mukhang alam ko na ang puno't dulo ng lahat ng ito.

Kahit nanghihina na si June ay nagawa pa rin niyang magsalita. Ngunit nagtataka pa rin ako sa sinasabi niya.

Jake: Anong sinasabi mo June?
June: Kasalanan ko talaga ang lahat. Siguro ay gawa ito noong kalokohan na pinagawa ko sa inyo. Pasensiya na dahil hindi ko talaga alam na hahantong sa ganito ang lahat. (Naiiyak niyang tugon)

Ngayon ay nag-sink-in na sakin ang lahat. Mukhang dahil nga ito sa ritwal na ginawa namin kagabi. Kaya pala parang may mali akong nararamdaman habang nakikita ang manikang iyon.

Yena: Bakit? Ano ba ang nangyari?
June: May ginawa kaming ritwal kagabi. Akala ko kasi ay spirit lang ang makakausap namin, mga demonyo na pala. May ginamit kaming manika sa ritwal, at nagpahid kami ng dugo ng bawat isa roon. Kaya pala siguro ay mga kamukha namin ang mga pumapatay. Ngunit hindi kami iyon kundi mga impostor lamang. Napakalakas nila, may regeneration ability sila kaya kahit anong damage ang gawin mo sa kanila ay hindi sila basta-basta bumabagsak. Patawad talaga sa ginawa ko sa inyo Jake, Stacy, at Annalyn. Hindi ko naman alam na demonyo pala ang matatawag natin.
Yena: Speaking of manika, maaari ba naming makita ito. Baka may magawa kaming paraan.

Oo nga pala, nasa manika siguro ang lunas sa problema na ito.

June: Nasa bag ko ito, naiwan ko ito doon sa hallway ng campus dahil sa kaguluhan.
Yena: Campus? You mean nangyari ito mismo sa campus? Anong nangyari sa mga taong naroroon?
Annalyn: Hindi ko mismo nakita lahat ngunit pinapatay ng impostor ang bawat tao na humarang sa kanila patungo sa amin. Hindi ko alam kung may nakaligtas pa ngunit kahindik-hindik ang mga nangyari.

Habang sinasabi ko ito kila Yena ay siyang pag-flashback sakin ng mga nasaksihan ko kanina. Nakita ko kung paano pugutan ng impostor ko ang mga estudyante at mga gurong nahuhuli niya. Pakiramdam ko ay tila ako ang may gawa noon dahil mukha ko mismo ang gamit noong nilalang na pumapatay.

Jay: Mukhang huli na pala tayo.
Yena: Hahanapin namin ang bag na ito, maaari mo bang sabihin kung ano ang itsura nito at saan ito mismo bumagsak? (Tanong ni Yena kay June)
June: Sa may tapat ng fountain ay mayroong hallway, nag-iisa lang ang fountain sa campus. Doon sa hallway ay may sirang bakal na railings, nabagsak ko ang bag ko banda roon. Ang itsura nito ay kulay blue na may keychain na mini Eiffel tower. Mayroon ring naka-embroidered na pangalan ko sa may harap ng bag na "June". Sa tingin ko ay mapapansin mo agad ito dahil mukhang bumagsak lamang iyon sa may sirang bakal na railings.

Yena: Kung ganoon ay ako na muna ang pupunta. Dalhin mo na muna sila Jay sa ligtas na lugar or sa mga authorities upang ma-assist sila.
Jay: Pero ayos ka lamang ba? Tsaka gusto ko rin makita ang kalaban.

Lurking In The NetherworldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon