Chapter 29: Case no.2 = Doppleganger (4)

1 1 0
                                    

Jay's POV
Agad akong lumitaw sa mismong harap ng classroom ni Ryzel. Kasalukuyan sila ngayong nagkaklase ngunit kailangan ko siya ngayon.

"Sorry for interruption ngunit emergency lang po Ma'am."
"Ano iyon iho?"
"Kailangan po namin si Ryzel ngayon sa mission, as soon as possible po."

Naiintindihan naman ako ng guro kaya agad niyang tinawag si Ryzel.

"Ryzel? Kailangan ka raw sa mission."

Saka tumayo si Ryzel at agad na nagtungo sa direksiyon ko.

"Ano na naman ba? Prank na naman ba ito?"

Hinila ko siya palabas ng room para makausap siya nang maayos at upang matuloy na muli ang klase na inabala ko.

"Hindi, kailangan ka talaga namin ngayon ni Yena."
"Kailangan? Akala ko ba inferior lang ako, na hindi ko deserve ang S-class rank spot?"
"Pasensiya ka na sa pambubully na ginawa namin sa inyo noon ngunit nagbago na ako ngayon. Maniwala ka man o hindi."
"Hah! Kung nauuto mo ako dati, hindi na ngayon. Pasensiya na dahil kung napaniwala mo si Ma'am, ibahin mo ako. May exam pa kami next week, tigil-tigilan mo muna ako."

Akto siyang maglalakad pabalik sa classroom ngunit hinawakan ko agad siya.

Ryzel: Anong ginagawa mo? Bitawan mo ako.

Nag-teleport kami papunta sa kinaroroonan ni Yena.

Jay: Pasensiya na, kailangan ka talaga namin. Kailangan ka namin para mapuksa ang nilalang na iyon.

Saka ko tinuro kung nasaan ang nilalang na hanggang ngayon ay naroroon pa rin sa hallway.

"Yena, dala ko na si Ryzel."

Pagtingin ko sa fountain ay nawala siya.

Ryzel: AHHHHH!

Napasigaw siya siguro dahil sa mga bangkay.

Ryzel: Anong nangyayari!?

Napasuka siya sa tabi. Hinahanap pa rin ng mata ko si Yena.

Yena: Antagal mo, pasensiya na dahil nawala ako. Mukha kasing hindi naman umaalis sa pwesto ang nilalang kaya nagtingin-tingin ako sa paligid kung may mga clue pa akong makikita tungkol sa kung paano mapupuksa ang nilalang ngunit wala pala.
Ryzel: Anong kailangan niyo sakin? Anong nangyayari rito?
Yena: Mukhang narito na si Ryzel. Ang mga bangkay na nakikita mo ngayon sa paligid ay kagagawan ng halimaw na iyan. Mukhang ang kahinaan ng nilalang ay liwanag kaya naisip namin ang ability mo. Matutulungan mo kami.
Ryzel: Nanggaling pa talaga sayo, Yena, matapos mong sabihan na walang kwenta ang ability ko?

Yena: Pasensiya na talaga sa ginawa ko sayo noon, ngunit hindi ito ang panahon para magtalo. Kailangan nating matalo ang nilalang na iyan upang matigil ang mass murder.
Ryzel: Sige, gagawin ko ang makakaya ko.
Jay: Kami na ang bahala sa suporta, hindi ka namin pababayaan.

Ryzel's POV
Ang ability ko ay Photokinesis, I can generate and manipulate light in my own will. At dahil medyo na-master ko na ang ability ko ay marami na akong nagagawa; kaya kong maging invisible, mag-manipulate ng part ng light spectrum (ultraviolet, infrared, and more), at marami pa.

Gumawa ako ng laser beam gamit ang light at saka pinatama sa nilalang. Ang bilis nitong kumilos, hindi ko ito natamaan. Nagpalipat-lipat lamang ito ng pwesto sa bawat shadows at dark side ng building. Nagpakawala ako ng nakakasilaw na liwanag upang balutin ang paligid, kahit sobrang nakakasilaw ito sa pangkaraniwang mata ng tao ay hindi ako naapektuhan. Nakikita ko pa rin ang paligid kahit sobrang liwanag.

Lurking In The NetherworldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon