Jay's POV
Hindi ko talaga alam na si ate iyon. Bumagsak na lang talaga ang puso ko noong sabihin ni ama ang pangalan niya. Wala akong nagawa kundi ang mapayuko. Napakasama ng ginawa ko. Sa ate ko pa talaga nagawa iyon. Gusto kong saktan ang sarili ko. Masama akong kapatid.Napayakap na lang ako bigla sa kaniya. Miss na miss ko na talaga siya. Napapaiyak na rin ako dahil sa nagawa ko sa kaniya. Ako dapat ang poprotekta sa kaniya pero ako pa mismo ang nanakit.
"What the hell? Who is she, brother?"
Narinig ko na naman ang nakakarindi niyang boses. Agad kong pinahid ang mga luha ko. Humarap ako sa nakakasurang babae.
Jay: Hoy, huwag mo akong matawag-tawag na brother. Hindi kita kapatid. At ang babaeng nasa tabi ko ngayon ay ang totoo kong kapatid. Siya ang ate ko.
Half-sister: You're rude.
Jay: Hoy maarte, umalis ka nga rito.
Ama: Ano na namang kaguluhan iyan?Napatayo si ate at humarap kay ama. Napatayo na rin ako. Pumunta ako sa likod ni ate.
"O anak? Kumain ka na."
"Pwede ba? Hindi ako narito para maging anak mo. Dederetsuhin na kita. Kukunin ko na ang kapatid ko. Ako na ang mag-aalaga sa kaniya kahit ayaw mo. Sa tingin ko naman e napapabayaan mo na itong kapatid ko."
"Anong sinasabi mo?""Maang-maangan? Pansin ko naman sa inaasal ni Jay kung gaano ka kawalang-kwentang ama. Ni hindi mo nga alam kung ano na ang pinagdadaanan niya. Napapansin ko na rin naman sa asal ng another child mo kung anong klase ng babae ang napangasawa mo. Walang class at napaka-cheap. Mukhang bumagsak na nga ang standard mo at naghanap ka pa talaga ng mas mababa kay ina."
Bigla niyang sinampal si ate. Agad akong pumagitna sa kanila at dinala si ate sa likod ko.
Jay: Naapakan ba ang pride mo ama? Sasama pala ako kay ate. Wala ka ng magagawa sa desisyon ko. Kukunin ko lang ang gamit ko. Kapag narinig ko na sinaktan mo muli si ate, hindi ako magdadalawang-isip na labanan ka.
Ama: Jay!Tumakbo na ako paakyat ng kuwarto. Pagbukas ko ng pinto, andun na naman ang step brother ko. Nakikialam na naman ng gamit ko. Napatigil siya nang dumating ako.
"Kumatok ka naman!"
Kinuha ko ang maleta sa ilalim ng aking kama. Sinimulan ko ng kuhanin ang mga gamit ko.
Janna's POV
"So wala ka talagang magagawa dahil sasama sa akin si Jay."Hindi ko alam na ganoon na pala katindi ang sama ng loob na nararamdaman ni Jay. Ramdam ko kasi sa taas ng boses niya. Hinawakan ko na lamang ang pisngi ko dahil sa pagtama ng malakas niyang sampal.
"Anong karapatan mong pangunahan ang desisyon ko. Hindi aalis si Jay. At ikaw? Mukhang masama ang naging impluwensiya sayo ng pamilyang sinasamahan mo."
"Ang lakas din ng loob mo para manmanan ang galaw ko. Mabuti nga sila dahil PAMILYA ang turing nila sa akin. E ikaw? Bumagsak na talaga ang respeto ko sayo.""Hoy babae! Sino ka para pagsalitaan ng ganyan ang asawa ko?"
Lumabas mula sa isang silid ang isang babae na kasing-tanda ni ama. Siya siguro ang pinalit kay ina. Mukhang cheap talaga.
"Pfft! Ano ngayon? May magagawa ka ba?"
Kinuha ng babae ang libro sa mesa. Mukhang ibabato niya ito sa akin. Nakaharap si ama sa akin kaya hindi niya nakikita ang gagawin ng kabit niya.
Ibinato nga niya. Biglang lumitaw si Jay, sinalo niya ang libro. Ibinato niya iyon sa isang vase. Nalaglag ito at nabasag.
"Nawala lang ako saglit, pinagtutulungan niyo na agad si ate!?"
May dalang maleta si Jay. May nakasunod sa kaniya na spirit. Hindi ko na ito pinansin.
Pumunta si Jay sa kinaroroonan ko.
"Jay! What are you doing!"
"Ama? I mean, Allan. Ako na ngayon ang magtatakwil ng sarili ko. Sasama na ako kay ate."
"Get back to your room! Now!"Hinawakan ko si Jay sa kamay at naglakad na palabas ng bahay.
Allan: I'm gonna count!
Jay: So what?Natatawa na lang ako sa sitwasyon namin ngayon. Hindi rin naman niya kami napigilan. Nasa labas na kami ng gate.
May nagsidatingan na mga naka-itim na tao sa harap namin. Galing sila sa isang van. Itinutok nila ang baril sa amin.
"Inutusan kami ng mafia boss na pigilan kayo."
"Jay? Are you ready?"
"Huwag mo sabihing lalabanan natin sila ate?"Napangiti na lang ako. Agad kong kinontrol ang mga baril nila. Itinapon ko ito palayo. Si Jay naman ay naglaho sa tabi ko.
Napakabilis niyang kumilos dahil isa-isang nagsitumbahan ang mga tao ni Allan. Wala na silang malay. Pinagpag na lamang ni Jay ang kamay pagkatapos. Napatumba niya silang lahat.
"Good job. Dahil napatumba mo silang lahat, ako na ang hihila sa maleta mo."
"Ako na ate, mabigat ito."Kinontrol ko ang maleta. Natanggal ito sa kamay ni Jay at agad na tumungo sa kamay ko.
"Wala ka ng magagawa dahil nasa kamay ko na."
"Ate naman e, ang daya ng ability mo."
"Mas madaya ka, bigla-bigla kang sumusulpot."May tumigil na taxi sa aming harapan. Sumakay na kami roon.
"Lagi ka bang naglalakad pauwi?"
"Minsan oo minsan hindi. Nagte-teleport na lang ako pag tinatamad na ako maglakad."
"Huwag mo na siyang tawaging ama, Jay. Tsaka mukhang maayos ang buhay ng another family niya kaysa sa iyo. Hindi ka ba nila inaalipin o inaabuso roon?""Hindi naman ate. Kung counted yung pangingialam at pagmumura, siguro more than once na itong nangyari."
"Huwag kang mag-alala. Mula ngayon ay hindi mo na ito mararanasan pa."
"Patawad nga pala ate. Simula ngayon, ako na ang poprotekta sa iyo. Tutuparin ko na ang pinangako ko sayo noong bata pa tayo."Ginulo ko ang buhok niya.
Janna: Ikaw talaga.
Napatawa na lang siya. Malaki na nga siya. Naalala ko pa rin noong bata pa siya, maliit pa siya noon sa akin. Ngunit ngayon ay mas matangkad na siya sa akin. Ang bilis lang talaga ng panahon.
Ibinaba na kami ng taxi sa may tapat ng malaking gate. Sa loob nito ang aming apartment.
"Dito ka pala nakatira ate."
Nakatitig lang siya sa lugar. Agad ko siyang hinila papasok.
"Tara na sa loob. Baka may sumusunod sa atin."
Mukhang wala naman tao sa loob. Ginamit ko ang aking ability para matulungan si Jay sa kaniyang mga gamit. Dalawang maleta talaga ang dinala niya. Gamit ang aking ability na telekinesis, madali kong nadadala ang mga maleta ni Jay. Hindi ko pinapalutang ang mga maleta at ako mismo ang humihila, naging magaan lamang ang mga ito dahil sa ability ko.
"Dito na ba tayo titira? Ang boring naman, mas gusto ko dun sa mansion."
Isang spirit ang siyang lumitaw sa tabi namin. Agad ko siyang pinalutang. Unti-unti kong binabali ang kaniyang spiritual body.
"Ay ate, kilala ko siya. Siya lang kaibigan ko. Please, huwag mo siyang i-exorcise."
Dahan-dahan kong ibinaba ang spirit sa lupa. Napatumba na lamang siya habang pinakiramdaman ang mga nabaling katawan.
"Grabe naman iyang babaeng iyan-"
Napaharap si Jay sa kaniya.
"Kapatid ko siya. Ayusin mo ang pananalita mo kung gusto mo pang manatili sa mundong ito."
Napatakip ang spirit ng kaniyang bibig. Nakakalungkot isipin na isang spirit ang kaibigan ng kapatid ko. Siguro ang mga barkadang lagi niyang kasama sa university ay mukhang sumusunod lang sa kaniya upang maging sikat o dahil sa takot.
"What is the meaning of this! Bakit kasama mo ang lalaking iyan bes?"
BINABASA MO ANG
Lurking In The Netherworld
ParanormalIsang mundo na nababalot ng misteryo. Isang mundo na hindi pangkaraniwan. May mga taong nagtataglay ng isang pambihirang kapangyarihan, sila ay mga Psychics. Ang kapangyarihang taglay ng mga Psychics na nagmumula sa kanilang spiritual body ay maaari...