4th Slice

18 1 0
                                    

~*~*~*~*~*~*~*~*~

"Diyan ka sa couch matulog, jerk!" Sigaw ni Hana kay Reed at humiga sa sarili nitong kama.

Yes, matutulog sila sa kuwarto ni Hana nang sila lamang dalawa. Utos iyon ni Mr. Sayuri. At kahit ayaw man nila, eh, wala na silang magagawa, dahil si ang ama pa rin ni Hana ang masusunod.

"What!? But tito said na tabi tayong matutulog na dalawa sa kama mo." Inis na sabi ni Reed. Totoo naman kasi, sinabi iyon ni Mr. Sayuri, tapos patutulugin siya sa couch nitong bratinella na ito?

"At feel na feel mo naman? Ayaw kitang katabi, 'no! Baka may germs ka pa at kumapit pa sa akin! Eww much!" Maarteng sabi ni Hana at umarte pang parang nandidiri talaga.

"Para namang gusto kitang katabi. Asa. As if I have a choice." Naiinis na sabat naman ni Reed.

"Abat---"

"Usog, matutulog na ako."

Hindi na nakapag-salita pa si Hana dahil humiga na sa tabi niya si Reed. Napa-tulala siya. Grabe pala ang ugali nitong Reed na 'to! Paano na lang kung may mangyari? Paano na lang kung may mabuo!? Anong sasabihin niya sa friends niya!?

Umiling siya. Aish! What the hell, Hana!? What were you thinking! Napaka-green mo na! That's eww!!! Sigaw ng kaniyang isip.

Nahiga na lang rin siya at nagtalukbong ng kumot. Pakiramdam niya ay namumula siya nang dahil sa inisip.

Pilit niyang ipinikit ang kaniyang mga mata. Sa totoo lang, eh, masama ang loob niya sa kaniyang ama, dahil sa kung sino na lamang siya nito ipakakasal. Pero sa tingin naman niya, eh, may magandang dahilan ang kaniyang ama. At isa pa, hindi na rin naman siya bata. 25 years old na rin naman kasi siya, at dapat lang na mag-asawa na siya. Pero ayaw pa niya talaga, dahil ineenjoy pa niya ang pagiging single nito. Pero ganun talaga, eh. Darating at darating din ang araw na ito. At wala na siyang magagawa pa rito.

Napahikab siya nang makaramdam na siya ng antok. Masyadong napagod ang kaniyang katawan at isip sa araw na ito. Unti-unti nang bumibigat ang talukap ng kaniyang mga mata. Pero bago pa man siya makatulog ay napangiti siya sa narinig.

"Good night, Hana..." mahinang sambit ni Reed.

~*~*~*~*~*~*~*~

Ice Cream CakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon