~*~*~*~*~*~*~
"Daddy! Sino ba kasi iyang ipapakilala mo sa akin!?" Inip na tanong ni Hana sa kaniyang ama. Kanina pa kasi sila naka-upo habang nag-hihintay sa living room ng kanilang rest house. At dahil sa likas na mainipin si Hana, eh, naiinip na nga.
"Just calm down, honey. Mamaya-maya rin naman ay darating na sila." Pagpapakalma naman sa kaniya ng kaniyang ama at bahagyang ngumiti pa rito.
Napa-irap si Hana. "Make sure that those visitors will come agad, daddy. Dahil kung hindi, I'll sleep na po!"
Napa-iling na natatawa na lamang ang ama niya. Sanay na ito sa pagka-maldita at pagka-suwail ng anak. Nag-iisa anak lang kasi si Hana, kaya lumaking spoiled ito. Pero mabait naman itong si Hana. At iyon ang ipinagpapasalamat ng kaniyang ama.
Sa kabilang dako naman ay nagtatakang sumusunod ang binatang si Reed sa kaniyang ina.
"Mom, where are we going?" Medyo inis na tanong ni Reed sa kaniyang ina. Kanina pa kasi nito tinaanong ang ina kung saan sila pupunta, pero mga ngiti lamang ang isinasagot nito sa kaniya o 'di naman kaya ay iisang salita lamang ang lumalabas sa bibig nito.
"Basta." Sagot ng kaniyang ina na lalo niyang ikinainis.
Ano ba naman 'tong si mama! Saan ba kasi kaming pupunta!? Hala, baka naman ibebenta ako ni mama sa sindikato!? Bulong niya sa sarili.
Bahagya siyang umiling. Baliw! Sigaw ng isip niya sa kaniya. Inip na inip na siya sa kanilang paglalakad ng kaniyang ina, kahit na kaaalis pa lamang nila ng kanilang sariling rest house. Ang O.A lang, right?
Sa kabilang dako naman ay napa-tayo ang mag-amang Sayuri dahil sa pag-dating ng kapartner sa negosyo ni Mr. Sayuri na si Mrs. Kazama.
Magsasalita na sana ang dalawang magka-partner sa negosyo nang marinig nila ang gulat na gulat na sigaw ng kanilang mga anak.
"IKAW!?!?!?"
Uh-huh! Yes, sabay silang sumigaw. With matching luwa eyes pa 'yan, huh!
~*~*~*~*~*~*~

BINABASA MO ANG
Ice Cream Cake
Short StoryIce Cream Cake Written by: Musa Chica 11-05-2015 A short story -All Rights Reserved 2015- ~*~*~*~*~*~*~