5th Slice

13 1 0
                                    

~*~*~*~*~*~*~*~

Mabilis na lumipas ang mga araw at linggo. Medyo close na sina Hana at Reed, pero hidi pa rin nawawala ang pagbabangayan nila sa isa't isa, lalo na't mahilig mang-asar itong si Reed, at madali namang mapikon itong si Hana.

"Oh, come on, Hana! Hanggang ngayon ba, eh, hindi ka pa rin nakaka-move on doon!?" Pang-aasar ni Reed sa fiancée. Yes, you saw it right. Inarange marriage sila ng ama ni Hana.

Nag-pout naman si Hana at kumunot ang kaniyang noo. "Eh, bakit ba! Eh, ang sakit sakit kaya ng pagkakabagsak ko nun!"

Napa-tigil naman si Reed at napa-tulala sa dalaga. Biglang bumilis ang tibok ng kaniyang puso. Bigla siyang napa-hawak sa may kaliwa niyang dibdib. Ano 'to? Takang tanong niya sa sarili.

"Hoy, Reed! Nakikinig ka ba!?" Sigaw ni Hana sa mukha ni Reed.

Bigla namang parang nagising si Reed mula sa pagkakatulog. Napa-tingin siya sa dalaga.

"H-ha?" Wala sa sariling tanong niya kay Hana.

Lalong humaba ang nguso ni Hana. "Wala! Ang sabi ko, tara na. Nagugutom na ako!"

Walang anu-ano ay hinila na ni Hana si Reed patungo sa isang ice cream parlor sa isla nila. Oo, tama. Isla nila. Pag-mamayari ito nila Hana. Ganun sila kayaman.

Umupo sila sa kani-kanilang mga upuan. Tumingin si Hana kay Reed at tinanong ito. "Hoy, Reed! Anong gusto mong flavor ng ice cream?"

Pero nakita niyang nakatulala pa rin ito sa kaniya. Bigla siyang nainis. Kanina pa kasi ito tulala. "Hoy, Reed!!!"

Bigla namang napatigagal si Reed at luminga-linga. "Nasaan!? Nasaan ang sunog!?"

"Ano ba!? Umupo ka nga!" Inis na sigaw ni Hana sa binata. Napa-upo naman si Reed at inayos ang sarili.

Inis na tinignan ni Hana si Reed. "Ano bang nangyayari sa 'yo!? Bakit ba kanina ka pa tulala riyan!?"

"P-pasensya na, Hana. May iniisip lang..." mahinang sagot ni Reed.

Napa-irap na lamang si Hana rito.

Sa kabilang dako naman, hindi maintindihan ni Reed ang nararamdaman niya ngayon. Para kasing matatae siya na ewan. Bigla na lamang siyang naging ganoon nang makita niyang napanguso ang kaniyang fiancée. Ang cute cute kasi nito. Para tuloy gusto niyang halikan ang mga labi nito.

Bahagya siyang umiling. No, hindi puwede ito. Bakit ba ako nagkakaganito? Tanong niya sa kaniyang sarili.

Natauhan siya nang bumalik si Hana sa kanilang table. May dala-dala itong dalawang malalaking cup ng Ice Cream.

"Oh, iyan. Sa 'yo itong chocolate flavor." Sabi ni Hana at iniabot ito sa kaniya.

"S-salamat..."

Tumigil sa pag-subo si Hana at direktang tumingin sa mga mata ni Reed. "Hoy, Reed!"

Nailang naman ang binata kaya nag-iwas ito ng tingin sa kaniyang fiancée. "B-bakit?"

"May problema ba? May masakit ba sa 'yo? Bakit namumula 'yang mukha mo?" Alalang tanong ni Hana sa kaniyang fiancé.

"W-wala ito..." mahinang sabi ng binata.

"Are you sure?"

"Y-yea... yea." Mahinang sagot ni Reed at itinuon na lamang ang atensyon sa kaniyang Ice Cream.

Bakit biglang bumibilis ang tibok ng puso ko sa tuwing tumitingin siya sa akin? Tanong niya sa sarili. Hindi kaya... mahal ko na siya?

Napa-ngiti naman siya sa kaniyang naisip. Siguro nga, mahal ko na si Hana. Mahal ko na ang fiancée ko. Hindi man niya alam kung kailan at paano, pero ang mahalaga ay mahal niya ang fiancée niya.

~*~*~*~*~*~*~*~

Ice Cream CakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon