6th Slice

13 1 0
                                    

~*~*~*~*~*~*~*~

Hindi maiwasang mag-alala ni Hana sa kaniyang fiancé. Nitong mga nakaraang araw kasi ay madalas na lang tulala ang kaniyang fiancé at mahuhuli niya itong ngumingiti. Nag-aalala siya na baka na-damage na ang utak ng fiancé. Ayaw niyang baliw ang mapapangasawa niya, 'no!

Napa-balikwas siya ng bangon at napa-tingin sa katabi. Nakita niyang mahimbing ang tulog ng kaniyang fiancé.

Fiancé? Fiancé ko na ang guwapong lalaking ito? Kinikilig niyang tanong sa sarili.

Oo, tama kayo ng nakita. Kinikilig siya. Siguro nga ay nababaliw na siya, pero ewan. Nitong mga nagdaang linggo rin kasi ay hindi na mawala sa isip niya si Reed. Siguro nga, nahuhulog na ang loob niya rito. Ay, mali. Hulog na nga pala ang loob niya kay Reed.

Napa-ngiti siya. Itong gwapong lalaki na ito na nasa tabi niya. Itong lalaking ito ay ang mapapangasawa niya. Napaka-suwerte niya kung tutuusin, dahil makakapangasawa siya ng guwapo, mabait at maalagaing lalaki.

Lumapit siya sa lalaki at tinignang mabuti ang bawat detalye ng mukha nito. Halos maramdaman na niya ang pag-hinga ng lalaki nang dahil sa sobrang lapit ng kanilang mukha. Tinignan nito ang mukha nitong sobrang kinis. Napaka-kinis nito, at parang hindi man lang tinubuuan ng kahit isang pimple man lang. Ang mga kilay nitong hindi ganun ka-kapal, pero hindi rin naman ganun ka-nipis. Para itong inahit dahil sa sobrang ganda ng pagkaka-hubog nito. Ang mga pilik-mata nitong hindi ganun ka-haba at hindi rin naman ganun ka-iksi. Ang ilong nitong matangos. At ang mga labi nito, ang mga labi nitong mapupula. Na para bang nang-aakit na halikan ang mga ito.

At hindi nga nag-kamali si Hana. Huli na para pigilan ang sarili. Napapikit na lamang siya nang maramdaman ang paglalapit ng kanilang mga labi. Pero agad naman siyang humiwalay nang bahagyang gumalaw si Reed. Bigla siyang namula sa kaniyang ginawa. Pinilit na lang niya na matulog, kahit na nagwawala ang loob niya. Sobra siyang kinikilig nang mahalikan niya ang kaniyang fiancé. Sobrang lambot kasi ng mga labi nito. Pero, wala namang masama sa ginawa ko, 'di ba? Ikakasal na rin naman kami. Sabi niya sa sarili. Muli siyang napahagikgik. Pero mahina lang. Ipinikit na lamang niya ang kaniyang mga mata nang may ngiti sa kaniyang mga labi.

Bakit, dampi lang naman 'yon, ah!

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~

Ice Cream CakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon