~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~"Hana!"
Napalingon siya sa tumawag sa kaniya, at nakita niya ang Reed na topless.
Oh, lala! Sabi niya sa sarili. Paano ba naman kasi, kitang kita niya ang 6 pack abs ng kaniyang fiancé.
"Yes?" Nakangiting sagot niya rito.
"Halika, mag-scooter tayo!"
Bigla naman siyang na-excite, kaya walang anu-ano ay tumakbo siya papalapit sa fiancé at umangkas sa scooter nito. Nagsimula nang patakbuhin ni Reed ang scooter niya.
Kung may ibang tao lang sa kanilang isla, aakalain nilang baliw silang dalawa. Biruin mo ba naman kasi, nags-scooter sila sa beach! Kung saan puro buhangin lang ang matapakan mo.
Nang makaramdam sila ng pagod ay umupo sila sa tabing dagat. Naka swim suit na rin kasi si Hana, at ganun din si Reed, kaya wala na silang pakialam kung mabasa man silang dalawa ng tubig galing sa dagat.
Nagulat siya nang bigla siyang abutan ni Reed ng isang malaking cup ng Ice Cream. Napa-tingin siya rito at nag-tanong.
"Saan naman galing ito?"
Ininguso naman ni Reed ang ice cream parlor na nasa likuran lang naman pala nila. Natatawang napasubo na lamang siya ng kaniyang Vanilla Chocolate Honey with a Cherry on top Ice Cream. Alam na kasi ni Reed na 'yon ang paborito niya, kaya hindi na siya nagtaka pa na ito ang ibinili ng kaniyang fiancé.
"Reed." Tawag ni Hana sa kaniyang fiancé.
Napatingin naman si Reed kay Hana. "Hhmm?"
"Sa tingin mo, bakit kaya nila tayo ipakakasal na dalawa sa isa't-isa? Alam kong hindi lang ito dahil sa negosyo nila. Masyado nang mayaman si Daddy. At ganun na rin ang mommy mo."
Tumaas ang dalawang kilay ni Reed. "...and?"
Bumuntong-hininga si Hana at muling nag-salita. "Kasi, you know, hindi naman kasi tama na basta-basta na lang nilang ipakakasal ang dalawang tao na hindi naman nagmamahalan. I mean, you know, hindi naman natin sigurado kung mahal ba natin ang isa't is---"
Hindi na natapos ni Hana ang sasabihin dahil hinalikan siya ni Reed sa labi!
Panandalian natulala si Hana. Pero pinilit niyang makabawi agad at tumingin ng masama kay Reed. "Hey, what do you think you were doing!?"
Nakita niyang muling sumubo ang kaniyang fiancé ng ice cream. "What?" Tanong nito na para bang walang ginawang masama.
"You just stole my first kiss!" Inis na singhal nito sa fiancé.
"Uh-huh? Your first kiss? Ang sa pagkakaalam ko, ikaw ang unang nag-nakaw ng first kiss ko." Nakangising sabi ni Reed.
Saglit siyang napa-isip. Pero muntik na niyang maibuga ang subo-subong Ice Creem nang maalala niya 'yong gabing ninakawan niya ng halik si Reed na tulog na tulog. Kung tulog nga ba talaga?
"H-how did you know?" Gulat na tanong niya sa fiancé.
Nagkibit balikat ang binata. "Well, gising talaga ako nung gabing 'yon."
Hinampas niya sa braso si Reed. "You asshole!" Singhal niya rito. "Pero hindi pa rin tama na basta-basta ka na lang na manghahalik!"
Tumawa ang binata. "May ice cream kasi sa gilid ng labi mo, eh. Tinanggal ko lang."
"So ganun na pala ang proper way nang pagtatanggal ng dungis sa gilid ng labi!?"
At muli, napa-tigil na naman ang dalaga dahil hinalikan na naman siya ni Reed.
"Ingay." Nakangising sambit ni Reed habang inuubos ang kaniyang Ice Cream.
Napasimangot ang dalaga. "Bwisit. Nakakarami ka na, ha!"
Ngumiti lamang ang binata sa kaniya. Bigla naman siyang na-ilang sa klase ng pag-titig sa kaniya ng binata.
"H-hoy, Kazama! Bakit ganiyan ka maka-tingin?"
"I love you, Hana..." nakangiting sabi sa kaniya ni Reed.
Ha? Teka, ano raw? Anong sabi ng binata sa kaniya? Bigla na lang siyang nabingi. "H-ha?" Wala sa sariling tanong niya sa fiancé
"Ang sabi ko, mahal kita, Hana." Naka-ngiti pa ring sabi sa kaniya ni Reed.
A-ano raw? Mahal daw niya sino? Ako? Tanong niya sa sarili.
Pero natauhan siya nang kunin ni Reed ang Ice Cream niya mula sa kaniya at tumakbo. "H-hoy, lalaki! Ibalik mo 'yong Ice cream ko!" Sigaw rin niya at tumayo para habulin ang lalaki.
Nag-simula na silang mag-habulan sa tabing dagat.
"Hoy, Kazama! Ibalik mo sa akin 'yang Ice Cream ko!"
"Ayaw ko nga!"
"Akin na kasi! Pasalamat ka, mahal din kita!"
Napatigil sila sa pag-takbo nang dahil sa sinabi ni Hana. Si Hana ay napa-takip ng bibig, hinihiling na sana ay lamunin na lamang siya ng lupa ora mismo, habang si Reed naman ay mabilis na lumapit kay Hana.
"Anong sinabi mo?" Tanong ni Reed sa kaniya nang makalapit siya sa dalaga. "Mahal mo rin ako?"
Sobrang lapit na ng katawan nila sa isa't isa. Hindi naman maiwasan ni Hana na mapatingin sa magagandang mata ni Reed. Oo, tama siya. Mahal nga niya talaga ang lalaking ito, walang duda. Hindi man niya alam kung paano at kailan nangyari, pero ang mahalaga ay ang mahal nila ang isa't isa.
Ngumiti siya ng matamis habang nakatingin pa rin sa mga mata ng finacé. "Oo, tama ka ng narinig, Reed. Mahal rin kita."
Napangiti ang binata. Hindi niya alam kung ano ang nararamdaman niya ngayon. Pero iisa lang ang alam niya, masaya siya ngayon, dahil mahal rin siya ng kaniyang minamahal. Wala nang mas sasaya pa roon.
Kasabay ng pag-lubog ng araw ay siya ring pag-didikit ng kanilang mga labi.
Pero agad rin na humiwalay si Reed at muling tumakbo. "Akin na 'tong Ice Cream mo!"
Namula naman si Hana sa sobrang inis at muling hinabol si Reed. "Grrr. Kazama! Gimme that Ice Cream!!!"
~The End~
~*~*~*~*~*~
BINABASA MO ANG
Ice Cream Cake
Short StoryIce Cream Cake Written by: Musa Chica 11-05-2015 A short story -All Rights Reserved 2015- ~*~*~*~*~*~*~