Kabanata 14

152 9 0
                                    

-----------------------------------------------------------------


Na naig na naman ang napakalakas na sigawan ng tuluyan na kaming nakalapit sa kanila. Kaya naman pala sa malayong lugar ang gusto, para magawa nila ang mga gusto nila.


Ang iingay nila pero walang nakakarinig sa kanila, ganun na lang ba kalayo ang lugar na ito sa madaming tao? pwes walang kakwenta kwenta ang school na ito! pinapabayaan nila na magkaganito ang mga studyante.


May mga nagbibisyo na agad! bawat paglinang ng mga mata ko sa lugar ay wala akong makitang maganda, puro may mga bisyo! inom dito inom duon! usok dito usok duon! at sa pinaka gitna nakaupo ang mga Kok na kapwa mga nakangisi na sa akin.


Maliban sa hari nilang seryoso lang na nakatingin sa akin at napapalibutan ng napaka itim na aura, ako lang ata ang nakakakita noon! hayst kung ano ano na ang nakikita ko.


" Nandito na sila!... " sigaw ng kung sino.


" Simulan na natin ang party hahah!... " at ayun lalong lumakas ang sigawan.


" Pusta ninyo! pusta ninyo!... " kailan pa nagkaroon ng sugalan sa school?


Grabe na ah ginawa pa akong pustahan o sadyang ganito lang talaga sila, halos mapailing na lang ako ng makitang nagkanya kanya na silang bigay ng kanilang mga pera para sa pusta.


" 5k madaming dugo ang mawawala dyan hahah!... "


" 10k di na yan makakapag lakad!.... "


" Ang hina ninyo naman! 50k di na muli niyan makikitang sisikat ang araw hahah!... "


Sayang lang ang pera, buti pa sila mayayaman at kung saan saan na lang ginagamit ang pera! ang dami kayang naghihirap tas ganyan na lang sila sa pera, mga walang kwenta nga!


" Tama ka dyan pare!... " sinamaan ko ng tingin ang nasa kanan ko, sumang ayon ba naman...


" 15k di ninyo na yan makikilala hahah!... "


" 30k may magmamakaawa na naman hahah!... "


" Ang magic word na naman hahah!... " lalong nagtawanan ang lahat sa sinabi nito.


" You all! shut up... " tila may dumaang kung ano sa subrang tahimik.


Tanging tunog ng mga dahong natatamaan ng hangin at huni ng mga ibon ang tanging maririnig, kabaliktaran ang nangyari ng marinig ang cold na salita ng kanilang hari.


Ganyan na lang ba talaga kalakas ang lalaking ito, pati ang gantong daming tao ay kaya niyang pasunudin ng ganto ganto lang or should i say sa mga salita pa lang niya.


Tila naman isang robot ang mga nakahawak sa akin dahil dali dali nila akong hinigit papalapit sa kanilang mga boss.

Embracing SimplicityWhere stories live. Discover now