Kabanata 26

93 3 0
                                    

----------------------------------------------------------------- 



 Naalipungatan ako ng makarinig ako ng iba't ibang boses sa paligid. At pakiramdam ko ang bigat bigat ng katawan ko. Subra ata akong napagod kahapon. 


 Ang batang Rick kasi! maghapon kaming nasa amusement park at pasakay sakay ng rides.


 At nung dumating ang gabi ay dumaan pa kami sa masukal na secret way niya hanggang sa.... 


 .... makaharap ko ang mga Kok at si bakulaw. 


 Pakiramdam ko nagising ang buong kaluluwa ko sa naalala. Nagpanggap akong tulog at walang naririnig sa paligid. 


 " Sheesh... ano kayang nangyari sa kanya?... "


 " Ang sabihin mo pabida talaga! may nalalaman pang ganyan!... "


 " She's an attention seeker! It's a good thing the Koks aren't here kung hindi lagot na naman yan. "


 " But what do you think happened?!.... "


 " Don't find out! we know he just wants attention!... "


 " Pero kahit na! parang subra naman ata ang nangyari sa kanya na umabot pa sa ganyang punto... nakakapagtaka lang talaga?!.... "


 " Ang sabihin mo! it's better if we leave, it seems like we're just giving him what he wants to happen..." 


 Tang'na kailan niyo bang planong umalis! 


 Ngalay na ngalay na ako sa pwesto ko. 


Paano ba naman kung ano yung kinabagsakan ko kagabi ay ganun pa din hanggang ngayon!


 Ang malala pa nito itinali nila yung kamay at paa ko! kung umalis na kaya sila ng matagtag ko na! Ghrrr! 


 Ilang minuto pa ang lumipas hanggang sa naglakasan na naman ang mga bulungan. 


 Pilit kung sinilip ang nangyayari.


 Agad din naman akong umiwas ng magtama ang paningin namin ni Bakulaw. 


 Nagpunta pa ang mga animal! 


 " Omg!!! nandito na sila!.... "


 " What are we going to do?!...  " 


 " Malamang kailangan na nating umalis gulo na naman to! madamay pa tayo! tara na nga!.... "


 Hindi ko pinansin ang sari saring comments ng mga tao, patuloy lang akong nagpanggap. 


Embracing SimplicityWhere stories live. Discover now