Kabanata 36

94 3 0
                                    

----------------------------------------------------------------



" Damn! habulin niyo! wag ni'yong hayaang makatakas!... "



Takbo ako ng takbo ng matulin at mabilis, napamura ako ng muntik pa akong matakid sa taling nakaharang. Sinilip ko sila na medyo napapalayo na ako sa kanila, tang'na! ba't ang bibilis tumakbo ng mga kupal. Napatingin ako sa tagong bahagi ng may tumatama na light sa mata ko.



Inis kong sinamaan na tingin ang gumawa nun, nagtaka din ng makitang nagtatago ang batang Rick, may sinenyas ito at itinuro, tiningnan ko naman habang tumatakbo, malayo layo ito at mukang hindi na nila ako mahahabol kung dun ako dadaan, muli ko itong tiningnan pero wala na ito.



Tiningnan ko muna muli ang mga humahabol sa akin " Tang'na mo mahahabol din kita!... " sigaw ng mas malapit sa akin, napangisi ako ng may makita akong bato, mabilis ko itong kinuha at ibinato sa kanyang ulo agad naman itong bumagal.



Tinake ko na ang chance at mas pinatatlo ko pa ang bilis ng takbo ko at dumaan sa lugar na itinuro ng batang Rick, nagtago naman agad ako sa may madaming gamit ng makarinig na ako ng iba't ibang tunog ng pag apak.



" Asan na yun! damn, hanapin niyo. Tayo ang malilintikan paghindi natin na huli ang babaeng yun!... "



At umalis na silang lahat, nanatili pa ako ng ilang minuto para sure. Napabuntong hininga ako, sa katagal tagalan ko ng nasa underground ngayon ko lang naranasan na takbuhan sila ng ganito. Linalabanan ko lahat ng laban pero yung nangyari ngayon, haystt!...



Nagvibrate ang cp ko kaya kinuha ko ito kaagad sa may bulsa.



Ligalig:

Hoy! asan ka na? nahinga ka pa ba? buhay pa? ang daming humahabol sayo, buti na lang at nilalagpasan lang kami. Ano ayos ka pa ba? nakita mo ba ang bata? sinundan ka niya para ituro sayo ang daan sa secret base namin HEHHEH...



Secret base huh!



Tingnan mo ang paligid na pinagtataguan mo, may makikita kang tatlong upuan at sa kaliwa nun may makikita kang dalawang puno pumasok ka dun at hanggang sa makapunta ka sa puno na hugis dragon ay kumanan ka at maglakad ka hanggang sa makita mo ang building ng library sa kanang bahagi at magpatuloy ka hanggang sa makita mo ang sunflower field....



Hindi ko na tinapos ang kanyang chat, ang haba pwede namang sabihing dun sa gusto nilang tree house ang tinutukoy nilang secret base. Tumayo na ako at naglakad ng nakapamulsa, sinundan ko ang daan na nabasa ko, hindi naman nila ako papadaanin dito kung ikakapahamak ko lang din naman.



Nagpatuloy ako hanggang sa maaninag ko na sila sa di kalayuan, pansin ko hindi ako dumaan sa mini garden. May ibang daan pa talaga silang natuklasan, ibang klase. Lumapit na ako sa kanilang pwesto na puro may kanya kanyang ginagawa.



Nag angat ng tingin si Lealyn ng mapansin niyang may papalapit, lakas din ng pakiramdam " Oh! nandito ka na... "



" Wala pa... " bored kong sabi.



" Nandito na nga... ano sa tingin mo yung mga moves ko kanina huh? ayos diba? hindi nila ako napansin... " nagyayabang na naman.



Tiningnan ko na lang ang kanilang pinag gagawa kung bakit naman subrang busy nila.



" Bwisit! tulungan nyo nga sabi ako! ano na naman ginagawa nyo?!... " inis na sabi ni Minna, napasabunot pa ito sa sariling buhok. Nag angat ito ng tingin, tinaasan lang ako nito ng isang kilay.



Nag iinarte na naman, bumaling ako kay Lealyn na bumalik na naman sa kanyang pwesto at sa ginagawa, mas ayos tong kausap.



" Anong ginagawa niyo?... " curious kong sabi.

Embracing SimplicityWhere stories live. Discover now