Kabanata 34

96 3 0
                                    

----------------------------------------------------------------



Tumingin ako sa gawi nila, busy na silang kumain. Itinago ko na ang cp ng makitang paakyat na ang Tita ng bata.



" Rick ito ang order ni'yo ang dami kasing tao kaya ngayon lang, hindi ko na kayo maasikaso pa ikaw ng bahala sa mga bisita Rick... " busy nga, dali dali nitong inilalapag ang mga pagkain.


" Ayos lang Tita, ako ng bahala dito... " napatigil si Rick ng mapansin ang masama kung tingin " W-wag na po kayo mag alala... " pinagkadiin diinan pa nito.



Tuluyan ng umalis ang tita niya, tiningnan ko ang mga pagkain parang ang bilis naman. Hindi pa nga kami nakaka order may pagkain na agad.



" Wow huh! hindi mo man lang tinanong kung anong gusto namin.... " asar na sabi ni Minna.



" Wag kang nagreklamo! masarap ang mga pagkain dito at ito ang pinaka kaya kung nagrereklamo ka adi wag kang kumain, walang pumipigil... "



" Huwag nga kayong mag away! hanggang dito ba naman, nasa harap tayo ng pagkain " pagpapatigil ni Lealyn sa pag aaway ng dalawa.



Kumuha na lang ako ng pagkain at nag umpisa ng lumamon, bahala sila kung ayaw nila adi wag basta ako kakain na, kanina pa akong gutom.



Napatigil ako ng parang may nakatingin sa akin tumingin ako sa harap habang ngumunguya, nasalubong ko ang mga gulat nilang mukha, napalunok ako at bahagyang ngumiwi.



" Kain na " alok ko sa kanila tinulak ko pa talaga palapit ang pagkain sa kanila.



" Gutom much?!... "



Nag umpisa na din silang kumain, naging tahimik naman ang naging agahan namin hindi na muli silang nag usap na mukang ipinagpasalamat ni Lealyn, nakakailang hinga na ito ng malalim, mukang nabunutan ng tinik.



Hindi ko na muling tiningnan ang dalawang pinagmamasdan kami habang kumakain.



Pansin ko ang pag ismid at mahinang pagtili ni Minna, napatingin ako dito na hindi mapakali sa kanyang upuan.



" Problema mo?! " ilang ko ng tanong.



" K-kasi naman... Hehehh " tumawa na naman ito " Yung gwapong lalaki... k-kanina pang tumitingin sa gawi ko Hehehhe.... " kinikilig na sabi nito.



Nag uusisang tiningnan siya ng batang Rick " talaga lang ha! baka naman hindi ikaw? at nagkataong nasa tapat ka... "



" Sigurado ako! ang pogi, ang ganda ng mata, ang tangos ng ilong, ang pula ng labi tas yung adams apple yieee! ang angas pa ng porma at ayos.... " manghang sabi pa nito at tumili na naman.



" Wag oa Minna! nag gagawa ka na namang ng imahinasyon mo... "



" Seryoso nga ako! ayun sya o kung ayaw ni'yong maniwala " at itinuro ang nasa ibabang bahagi.


Halos maibuga ko ang juice na iniinom ko ng makita kung sino ang kanyang tinutukoy. Seryoso sya?! si Mike! the fuck!...



" May kasama namang babae! wag mag assume ha!... " pang aasar ng batang Rick, inis na binato ni Minna ng beans ang bata.



" Mukang hindi naman jowa tingnan niyo!... " gaya ng sabi nito tiningnan namin ang dalawa.



Napangiwi ako sa pinaggagawa ng mga to, sinasabunutan ngayon ni Nickie si Mike na may samang kirot pa, bugbog na naman ang bata. Outch!



Pinagtitinginan na sila ng mga tao pero wala pa din silang pakialam, pilit siyang itinutulak ni Mike at dahil malakas at di papatalo si Nickie, hindi siya mailayo ni Mike. Nag away na naman ang dalawa, kaya ayaw ko silang pagsamahin e, ganyan ang nangyayari.

Embracing SimplicityWhere stories live. Discover now