Fate 8

5 1 0
                                    

NAPADILAT ng mga mata si Logan. Habol niya ang paghinga at hindi mawala sa kaniyang balintataw ang panaginip. The mark. Niah's mark.

"She's near... I have to check..." mahina niyang sambit sa sarili.

Sa isang iglap lamang ay nagbagong anyo siya. Kumpara sa ibang Sturgeon, siya ay maituturing na mas malaki pa sa kaniyang amang si Rome kapag nasa anyong lobo. Nangingintab din ang pagkaitim ng mga balahibo nito at mas maliwanag ang puti nitong mga mata. Kaagad siyang tumalon sa bintana at palabas na sana siya ng gate nang bigla siyang tumama sa isa pang malaking lobo.

Nagawa ni Logan na huwag matumba sa pagkakatama niyang iyon. He growled. He was mad.

"Where do you think you're going with that form?" the other werewolf is mad as well.

"Dad, nakita ko ang pagliwanag ng marka ni Niah sa aking panaginip. She's near. I have to check and get her," sagot ni Logan.

"Hindi mo ba inintindi ang mga pinag-usapan kanina lang? Hindi ba't nasabi na namin ni Desa na hahayaan natin si Niah na maging breeder ni Kai? Malinaw naman naming nasabi na ang mga ginawa ng Gibbous ay nakasang-ayon sa atin nang hindi nila alam, 'di ba?" asik ni Rome.

Tila naman nahimasmasan si Logan at unti-unti itong bumalik sa pagiging tao.

"Also, do you not realize that you can't go out like that? You're in the city. Hindi mo puwedeng basta-basta ipangalandakan ang pagiging lobo mo sa buong mundo!" may galit pa ring ani Rome na nagbalik na rin sa anyong tao.

"I-I'm sorry, Dad..." yuko ang ulong wika ni Logan.

Mayamaya ay may tig-isang katiwala na lumapit kina Logan at Rome upang lagyan sila ng balabal dahil nga pareho itong mga hubo't-hubad dahil sa pagbabagong anyo nila kanina.

"That's your real problem... Sa tuwing may napapanaginipan ka ay basta-basta ka na lamang kumikilos at hindi muna nag-iisip. Hindi ka namin inalagaan at itinago sa mga mata ng Gibbous nang matagal na panahon para lamang sirain ang lahat... Sa iyo ngayon nakasalalay ang pagkakaroon natin ng kapangyarihang tinataglay ni Serena, huwag mong kakalimutan iyan. Malaki ang nakaatang sa iyong balikat magmula ng magbalik ka at isalin ko sa 'yo ang pagiging alpha ng Sturgeon kaya huwag ka sanang padalos-dalos," mahabang pahayag ni Rome.

"He can still go."

Sabay na napalingon sina Logan at Rome sa pinanggalingan ng boses.

"I mean, para makita niya rin si Niah at maging pamilyar ito sa kaniya," si Desa.

"At anong problema sa picture?" kunot-noong reaksiyon ni Rome.

"Come on, darling... Hindi niya mararamdaman ang lakas o kapangyarihan ni Niah kung sa larawan niya lang tititigan," pagngiti ni Desa.

Tila ayaw naman ni Rome na sang-ayunan ang isinusuhestiyon ng asawa. Para sa kaniya huwag na munang hayaan si Logan na umalis sa araw na iyon dahil nga may nangyari ng ganoon kanina.

"I'll go with him," saad ni Desa.

Napabuntonghininga na lamang si Rome bago tinitigan si Logan. "Behave yourself," anito sa anak at hudyat na pumapayag na ito sa suhestiyon ni Desa.

Matamis na nginitian ni Desa ang anak nilang si Logan. Pagkatapos ay sinamahan niya na rin itong makapagbihis bago sila tuluyang umalis sakay ng isang itim na limousine.

Hindi sila nahirapan na mahanap o matagpuan si Shanella na noo'y nasa dati nitong eskwelahan. Dahil nga sa marka na tila nagsilbing tracking device ni Logan kaya madali niya lang malalaman kung nasaan si Niah o Shanella.

Mula sa di-kalayuan sa loob ng eskwelahan, tanaw nila si Shanella na naglalakad-lakad.

"She's already missing her old life," komento ni Desa.

"Her fake old life," wala namang emosyon na wika ni Logan.

Samantala, si Garry naman na kasama ni Shanella ay nasa labas lamang ng eskwelahan. Hindi na kasi ito naisama ni Shanella sa loob ng eskwelahan dahil bawal pa ang outsider sa mga oras na iyon.

Hanggang mamataan ni Shanella ang kaklaseng madalas mang-inis at mang-asar sa kaniya noon. Napangisi siya sa sarili nang makitang pumasok ang kaklase niyang iyon sa CR. Pagkakataon niyang maturuan ng leksiyon ang kaklase. Noon nga ay pinalalampas niya iyon dahil isa siyang good daughter. Pero ngayon na wala na siyang kailangang ingatan ay nais niyang maturuan ng leksiyon ang kaklase.

Pumasok siya sa CR at inilock iyon mula sa loob. Nasa isa sa mga cubicle ang kaklase niya at hindi siya nahirapang malaman kung saan dahil iisang cubicle lang ang sarado at nang silipin niya iyon sa ilalim ay namukhaan kaagad niya ang sapatos ng kaklaseng maldita.

Sumandal siya sa lababo nang nakaharap sa cubicle na pinasukan ng kaklase. Kampante niyang hinintay ang paglabas nito.

"Sino ka? Paano ka nakapasok dito ng ganitong oras? Outsiders are not allowed during class," nakakunot-noong wila ng kaklase ni Shanella nang makalabas na ito sa cubicle.

Ngumisi lang si Shanella. Hindi naman kasi siya nito makikilala dahil may balabal ang kalahati ng kaniyang mukha. Kaya hindi malalaman ng kaklase na doon din siya nag-aaral kaya nakapasok siya sa eskwelahan ng ganoong oras.

"I'll just make it short," maiksing sabi ni Shanella at sa isang iglap ay naging gahibla na lamang ang pagitan niya sa kaklase.

Gulat na gulat ang kaniyang kaklase. Para itong nakakita ng multo base sa kaniyang reaksiyon.

"H-how d-did y-you d-do t-that?" utal-utal na tanong ng kaklase ni Shanella habang pinagpapawisan na ito.

Pagtulak ang isinagot ni Shanella sa kaklase. Itinulak niya ang kaklase pabalik sa loob ng cubicle hanggang sa masandal na ito sa pader.

"Stop bullying... Kapag nalaman kong may isa sa mga kaklase mo o iba pang tao kang pinagtripan sa eskwelahang ito, babalikan kita at ipapalapa kita sa isang pangit na lobo," sadyang nilakipan ni Shanella ang boses ng tila nakakatakot.

Nanginig naman ang labi ng kaklase ni Shanella maging ang dalawang tuhod nito na ikinangiti niya pa lalo.

"I guess, naintindihan mo ang mga sinabi ko," saad ni Shanella at singbilis muli ng kidlat na iniwan na nito roon ang kaklase.

Nang marinig ng kaklase ni Shanella ang pagbukas ng pinaka pinto ng CR ay bigla namang umagas ang ihi nito sa kaniyang mga hita. Napaihi lang naman ito dahil sa takot at kabang naramdaman sa nakita at sa mga sinabi ng babae sa kaniya na hindi niya na nalaman pang si Shanella pala.

Sa kinapupwestuhan naman nina Logan at Desa ay biglang napatayo si Logan.

"She's using her strength... Her power..." sambit ni Logan.

Napatayo rin si Desa. "Are you sure?"

"Yes. Kanina lang. Nawala na ulit ngayon ang awra ng kaniyang lakas at kapangyarihan..." sagot ni Logan.

"But... Talaga bang sigurado ka sa mga sinasabi mo? Bakit mo mararamdaman ang lakas o kapangyarihan niya gayong isa lamang siyang omega? Hindi ba't ang mga nararamdaman mo lang ay ang lakas ng mga nasa matataas na posisyon ng mga lobo katulad ng mga alpha at mga luna?" baha ang pagtataka sa mukhang tanong ni Desa.

"H-hindi ko rin alam kung bakit ganoon..." puno rin ng pagtatakang sagot ni Logan.

Biting Her Only Fate (Werewolf/Breeders - PiP Collaboration Series)Where stories live. Discover now