Fate 14

4 1 0
                                    

TILA itinulos sa kaniyang kinatatayuan si Shanella nang isang napakalaking kulay itim na lobo ang dadamba sa kaniya mula sa itaas. She couldn't move to avoid the attack.

"Shanella!"

She heard Kai. Pero para bang pati ang lumingon ay hindi niya magawa. She couldn't blame herself, this will be her first time to encounter this. Tila hindi sapat ang dalawang taon niyang paghahanda para harapin ito. Mas nag-enjoy din kasi siya kapiling ang mag-aama niya. Unti-unting pumatak ang luha sa kaniyang mga mata. Hindi niya pala ito kaya. Nakaramdam siya bigla ng takot. Takot na paano kung hindi nila kayanin ang mga Sturgeon? Anong mangyayari kay Kai? Sa mga anak nila? Anong mangyayari sa kaniya?

"Ano bang nangyayari sa 'yo, Shanella?"

Tila roon na siya napabalik sa huwisiyo nang tapikin siya ni Thallon sa kaniyang balikat.

"S-sorry..." tangi niyang nabigkas bago muling tingalain ang lobo kaninang padamba dapat sa kaniya.

Hindi pa nga pala nakakapasok sa nakapalibot na harang ang mga Sturgeon. Matibay ang harang na iyon at mayroong kuryenteng dumadaloy doon. They bought everything they need for their shield. Pero hindi nga iyon siguradong tatagal. Baka nga wala pang isang oras ay matunton na ng isa sa mga Sturgeon kung saan nakakonekta ang kuryente at kapag natanggal nila iyon, sandaling oras lang din ay tiyak na mapapasok na sila.

Mistulang arena ang kinaroroonan nila. Sadyang ganoon ang ginawa nila sa pagbuo sa nayong iyon. Katumbas ng sampung taong pinagpatong-patong ang taas na tinitingala nila kung saan naman nakatunghay sa kanila ang mga Sturgeon. Ang harang na gawa nila ay upang mapahaba lamang ang oras bago sila tuluyang makipaglaban sa mga ito. Napalingon siya sa cage na kinaroroonan ni Kai.

"I'm fine..." mahina niyang bigkas sa hangin na tiyak niyang maiintindihan ni Kai.

She is really hoping that time will be enough until Kai regain and double his strength. Iyon ang kailangan nilang gawin. Ang protektahan si Kai hanggang sa maipagkaloob muli ang lakas nito. By that time, they will be safe already. Tiyak na ang mga Sturgeon mismo ang tatakas sa sandaling makamit na iyon ni Kai. Alam ng mga Sturgeon na hindi na nila mapapatay si Kai kapag bumalik at dumoble na ang lakas at kapangyarihan nito. Sturgeon will fail and they will win. Iyon ang kailangan niyang isipin.

"I can smell your fear, woman!"

Napatingala siyang muli. Isang lalaki ang nagsalita. Bakas sa mukha nito ang matinding kagustuhan na matanggal na ang harang at malusob na sila. Logan Thompson. Sturgeon's Alpha. Naikwento na siya ni Kai sa kaniya at ang buong angkan halos ng Sturgeon sa tulong na rin nina Thallon at Gara. Kaya kilala niya na halos lahat ng Sturgeon.

"I'm not afraid of you!" sigaw niya upang matiyak na maririnig iyon ni Logan.

"I know, I know... Should I tell you what you fear the most?" seryosong sambit ni Logan.

Napalunok siya. Nararamdaman nga kaya ni Logan ang nararamdaman niyang takot sa mga sandaling iyon?

"Losing him and your kids... So let me tell you that it's okay to be afraid. Dahil sandaling oras na lamang ay hindi mo na masisilayan kahit sino sa kanila," at saka humalakhak si Logan na nagpatayo ng mga balahibo niya.

"Don't listen to him. He's trying to scare you," bulong naman ni Thallon sa kaniya.

"Bilisan niyo ang pagsira sa harang na ito!"

Sabay silang napatingin ni Thallon sa mas malakas na boses na iyon. It was Rome and beside him is Desa.

Nagsimulang mag-alisan ang ilang Sturgeon upang hanapin kung saan ang source ng kuryenteng dumadaloy sa matibay at gawa sa bakal na harang. Ang ilan naman ay buong tapang na dinadamba ang harang ngunit tumatalsik lang ang mga ito. Sinubukan din ni Logan na hawakan ang harang at tiniis ang kuryenteng nararamdaman ngunit hindi rin naman ito nagtatagal.

"Paano po natin malalaman na walang makakaalam na hindi natin kasama rito ang aming mga anak?" may pangambang tanong niya kay Thallon. Tumatakbo rin kasi sa kaniyang isipan ang mga anak. Tila ba mas natatakot siya na wala sila roon.

"Kaya nga maraming nakabantay sa inyong kubo upang isipin nilang may pinoprotektahan kayo roon. Kaya importanteng hindi kaagad sila makalapit kay Kai. Kahit anong mangyari, hindi dapat nila mailabas si Kai sa cage. Dahil kapag nangyari iyon nang hindi pa tamang oras at nalaman nilang wala sa kubo ang mga bata, tiyak na gagawa ng paraan si Rome upang mahanap sila bago pa man sumikat ang araw," mahabang sagot ni Thallon.

Hindi na siya umimik pa. Muli niyang tiningnan ang mga Sturgeon na nagpupumilit pa ring masira ang harang na may kuryente.

Hanggang sa kumabog muli ang kaniyang dibdib nang bigla na lamang magspark ang kuryente.

"Wala na ang kuryente! Maghanda na ang lahat sa sandaling masira na ang harang ay huwag kayong matatakot o matataranta! Ang labang ito ay para sa ating mga anak at sa mga susunod pang lahi! Hindi dapat tayo matalo dahil wala tayong ginagawang masama! Ang mga Sturgeon dapat ang bumagsak!" malakas na hiyaw ni Thallon.

Napangisi naman si Rome nang marinig ang sinabi ni Thallon.

"Isa ka pa ring malaking hunghang, Thallon. Nakatakdang mabago ang libro ng tadhana kaya wala ng magagawa ang pagmamalinis mo..." sambit ni Rome.

"Para sa Sturgeon!!!" malakas namang sigaw ni Logan at saka ito tumalon nang mataas upang sa gitna o tuktok ng pinakaharang siya pumuwesto. Hindi pa siya nagpalit anyo dahil kailangan niya ang puwersa ng kaniyang kamao na mas malakas kaysa kapag nasa anyong lobo siya.

Nagsigawan din ang iba pang mga Sturgeon. Mayroong mga nasa anyong tao at mayroong mga nagpalit anyo at saka sabay-sabay na sinusubukang sirain o gibain ang harang na pumoprotekta sa mga Gibbous.

Halos mabingi naman si Shanella sa hindi humihintong mga boses ng mga Sturgeon. Nanlalamig ang kaniyang mga kamay na tinakbo niya ang cage na kinaroroonan ni Kai.

"K-Kai... N-natatakot a-ako..." garalgal ang boses na aniya kay Kai habang nakahawak siya sa cage na gawa sa bakal.

"Huwag kang matakot, mahal ko... Kahit nasa labas ka at nandito ako sa loob, hangga't may lakas akong natitira ay hindi ko hahayaang masaktan ka ng mga Sturgeon..." pinipigilan ni Kai ang sariling mapaluha sa harapan ni Shanella. Alam niyang kailangan niyang magiging matatag sa harapan ng babae kung hindi ay baka panghinaan din ito ng loob.

"K-kung maaari ko lamang sanang tawagin si Serene, a-ang a-aking tunay na i-ina... G-gagawin k-ko... A-at hihilingin ko sa kaniyang madaliin niya na ang pag-ikot ng araw at buwan..." mababanaag pa rin ang takot sa mga mata ni Shanella habang binibigkas iyon.

Hinaplos ni Kai ang daliri ni Shanella gamit ang kaniyang daliri rin. Pilit nilang hinahawakan ang isa't-isa sa kabila ng cage na balakid upang mayakap nila ang isa't-isa.

"K-kung puwede lang sana, mas nanaisin kong ako ang nandiyan at ikaw ang nandito. Pakiramdam ko ay napakainutil ko dahil ako ang nagtatago. Ako ang kailangang proteksiyunan..." napapikit nang mariin si Kai.

Unti-unting tinanggal ni Shanella ang mga daliring nakalusot sa maliit na butas sa cage na iyon. Napadilat namang muli ang mga mata ni Kai nang hindi na nito maramdaman ang mga daliri ni Shanella.

"H-hindi d-dapat ako ganito... H-hindi dapat ako nagpapakita ng kahinaan dahil naaapektuhan ka... M-mas nanghihina ka pa lalo dahil sa akin..." umiiling-iling si Shanella habang pinagmamasdan ang tila pagdagdag ng panghihina ni Kai. Dahil sa pagiging emosyonal niya at takot na ipinaramdam kay Kai, nakikita niya ang tila pagtakas lalo ng lakas sa katawan ng lalaki.

Kaagad namang sinalo si Kai ng lobong kasama nito sa loob ng cage nang bigla siyang bumagsak.

"Mahal na Luna, ang mabuti pa ay lumayo na muna kayo. Pasasaan ba't makakalabas din si Alpha Kai rito at makakasama kayo ng inyong mga anak," saad ng lobong iyon.

"P-patawad... Patawad..." luhaang tumalikod si Shanella at nagmamadali ng bumalik kung saan naroon ang kanilang mga kasamahan.

"H-hindi kita pababayaan... K-kapalit man ang buhay ko, titiyakin kong magwawagi tayo..." mahina namang anas ni Kai habang nakatingin sa papalayong si Shanella.

Biting Her Only Fate (Werewolf/Breeders - PiP Collaboration Series)Where stories live. Discover now