Fate 13

4 1 0
                                    

NAPADILAT ang mga mata ni Shin mula sa mahimbing na pagtulog. Bumangon ang bata upang lingunin ang kaniyang mga kapatid na nasa kani-kanila ring kama. Then she saw Kasper, sitting on his bed while murmuring.

"K-Kasper, n-naririnig mo rin ba ang n-naririnig ko?" may takot sa mga matang tanong ni Shin.

"Let's wake up dad," kalmadong sagot ni Kasper bago ito bumaba upang puntahan ang kinahihigaan ng kanilang ama.

"W-why a-aren't you m-moving t-there?" tanong ni Shin nang mapansin nitong natigilan ang kapatid matapos lumapit sa kama ng kanilang ama.

"Dad's not here. They already know," sagot ni Kasper.

"Please help them save dad... K-kaya mo naman ng lumaban, 'di ba?" bumaba na rin sa kama si Shin at lumapit kay Kasper.

"Hindi nila tayo papayagan. Hindi tayo makakalabas dito," sagot ni Kasper.

"B-but they m-might need your help," nangilid ang luha sa mga matang saad ni Shin.

"Let's just follow their orders," sagot lamang ni Kasper at bumalik na ito sa kaniyang kama upang matulog.

Pero hindi sang-ayon si Shin sa sinabi ng kapatid. Mabilis itong tumakbo palabas ng kuwarto. Wala pa siyang kakayanan bilang isang lobo. Ngunit bilang anak, handa siyang tumulong sa kaniyang mga magulang.

"Shin!" nagulat naman si Kai nang makita ang anak na lumabas sa kanilang kubo. Mayroong sampung metro ang layo nito sa kubo. Nasa loob na siya ng malaking cage at may kasama siyang tatlong lobo sa loob. Nakapalibot ang talong iyon sa kaniya. Nagsisilbi silang another cage sa loob ng kinalalagyan nilang cage.

Puno ng pag-aalalang napalibot ang tingin ni Kai sa paligid sa pag-aalalang may mga Sturgeon ng nandoon at nakakita kay Shin. Paglingon niyang muli kay Shin ay ipinapasok na itong muli sa kubo ng isa sa mga nasasakupan niya.

"Kai!" humahangos na dumating si Shanella.

"Kailangan ng maialis dito ang mga bata. Kumusta ang pagsuyod niyo sa paligid?" lumapit si Kai sa bakal at humawak doon upang mas malapitan si Shanella.

"Nasa malayo pa sila at maaari ng maialis dito ang mga anak natin," sagot naman ni Shanella na kakikitaan ng takot sa mga mata.

Kita ni Kai ang takot na iyon sa mukha ni Shanella.

"Sumama ka na lamang kaya sa kanila? Mas makakampante pa ako kapag wala ka rin dito. Hintayin niyo na lang ako—"

"No. I will stay. Napagplanuhan na natin ito nang matagal kaya wala ng atrasan ito, Kai," matatag na wika ni Shanella.

"Ano pang ginagawa ninyo? Paalisin niyo na ang mga bata rito!" hangos naman ni Thallon.

Hinaplos muna ni Shanella ang kamay ni Kai na nakahawak sa cage bago ito tumakbo papunta sa kubong kinaroroonan ng triplets.

"Mommy!" boses ni Shin na siyang sumalubong kay Shanella.

"Shin, anak. Sasama muna kayo sa inyong lola," sambit ni Shanella.

"What about you and dad, mom?" pagtanong ni Shin.

"Susunod sila sa atin, Shin," si Kasper ang sumagot kaya napangiti na lamang si Shanella.

"How are you sure?" tanong muli ni Shin habang hawak ang kamay ni Shanella.

"Anak, just wait for us, okay? May kailangan lang kaming gawin ng daddy niyo at magiging okay na ulit. Pupuntahan namin kayo tapos saka tayo babalik dito or maybe we'll live in the city..." paliwanag ni Shanella.

"Handa na ba ang mga bata? Kailangan na naming umalis. Pabilis nang pabilis ang mga Sturgeon," biglang bungad ni Gara sa pinto.

Nagmamadaling ginising na rin ni Shanella si Kassie. Pupungas-pungas pa ang bata ngunit tumango naman ito kaagad matapos sabihin ni Shanella na aalis ang mga ito kasama si Gara at iba pang mga lobo na poprotekta rin sa mga ito.

"Mag-iingat kayo, Shanella. At tatandaan mo, sa inyo ang tagumpay basta't huwag na huwag mong hahayaang makalapit sila kay Kai," matinding bilin ni Gara kay Shanella.

"Huwag po kayong mag-alala dahil iyan talaga ang gagawin. Basta't kayo rin ang bahala sa mga anak namin," sagot naman ni Shanella.

Isa-isang niyakap ni Shanella ang triplets bago tuluyang umalis ang mga ito. Sina Kassie at Shin ay sumakay kay Gara na nag-anyong lobo na habang si Kasper naman sasabay sa mga ito sa pagtakbo sa anyong lobo rin.

Nang hindi na matanaw ni Shanella ang mga ito ay saka siya bumalik sa kinaroroonan ni Kai at hinarap niya ang lahat ng lobo na nandoon.

"Humanda na kayo! Segundo na lamang at narito na ang mga Sturgeon!" malakas na sigaw ni Shanella. Sapat upang marinig rin ng mga kasamahan nilang nasa matatas na bahagi at nag-aabang sa pagdating ng mga Sturgeon.

"Huwag kang lalayo rito sa akin, Shanella. Hayaan mong sila ang sumalubong at ang mga makakalapit lamang dito ang iyong kakalabanin," wika ni Kai kay Shanella.

"Kapag kinakailangan ay baka lumayo ako. Hindi ko puwedeng hayaang unti-unting maubos ang mga kasamahan natin sa aking harapan, Kai," matapang na sagot ni Shanella.

"Ngunit ikaw lang ang iniintindi ko. Baka kung mapaano ka pa bago pa bumalik ang aking lakas at kapangyarihan," may panghihina na rin sa boses na saad ni Kai.

"Huwag mo akong intindihin. Katulad nga ng sinabi ko, matagal na nating pinagplanuhan ito. Kailangan na nating tapusin ang labang ito, Kai. Para na rin sa ikatatahimik at ikagaganda ng buhay natin kasama ang ating mga anak," madamdaming saad ni Shanella.

Pilit na ngumiti si Kai. Ngunit sa kaibuturan ng puso nito, matindi ang kaniyang pag-aalala para sa babaeng minamahal. Si Shanella ang unang nagparanas sa kaniya ng pag-ibig at baka hindi niya kayanin kapag may nangyaring masama rito. Ito na nga ang hinihintay nilang lahat, ang pagsugod ng mga Sturgeon. Tama ang sinabi ni Shanella na matagal na nila itong napaghandaan ngunit tila hindi handa ang kaniyang puso sakaling may mangyaring masama sa ina ng kaniyang triplets. Mula nang magkapalagayang loob sila ni Shanella, ipinangako niya sa sariling aalagaan at poprotektahan niya ito. Lalo na ng magkaroon na nga sila ng supling. Ngunit sa gabing ito, isa siyang mahinang alpha. Walang lakas o kapangyarihan. Siya ang kailangang proteksiyunan hanggang lumabas ang tinatawag nilang full moon na limang dekada bago muling lumabas. Ang buwan na magbabalik ng kaniyang lakas at mas magbibigay pa ng dobleng lakas at kapangyarihan. Iyon ang kasama sa kaloob ng goddes of the moon sa kaniya sa pagiging tagapagligtas niya sa kanilang lahi. Ang bagay na iyon ay ngayon lamang mangyayari. Dahil lamang iyon sa ginawa ng mga Sturgeon na pagpapalit sa libro ng tadhana.

"Nandito na ang mga Sturgeon!!!"

Biting Her Only Fate (Werewolf/Breeders - PiP Collaboration Series)Where stories live. Discover now