Fate 17

6 1 0
                                    

NAGUGULUHAN si Desa sa mga nangyayari sapagka't hindi dapat iyon ang nangyayari. Hindi dapat si Logan ang inaatake ni Shanella kundi si Kai. Hindi niya lubos maisip, para sa kaniya ay imposibleng maapektuhan ng pagmamahal ni Shanella ang misyon nitong patayin si Kai. Something is not right. She turned in a she-wolf too and jumped to Thallon. Si Thallon lang ang maaaring makasagot sa mga katanungan niya dahil napansin niya na kanina kung gaano kakalmado ang lalaki kaya sigurado siyang alam nito kung ano ang tunay na nangyayari.

"Ipaliwanag mo kung ano ang mga nangyayari," angil kaagad ni Desa kay Thallon.

Isang ngiti ang isinagot ni Thallon kaya sinugod kaagad siya ni Desa. Bawat atake ni Desa ay madali lamang na naiilagan ni Thallon.

Samantala, patuloy naman ang palitan ng atake nina Shanella at Logan sa isa't-isa. Ngunit habang pinagmamasdan sila ni Rome habang hawak-hawak ang sugat sa dibdib nito ay napapailing ito. Kita kasi ni Rome na mas lamang ang lakas at bawat atake ni Shanella kaya naman nag-aalala siya para sa anak na si Logan. He wanted to help but he's in pain and Desa's fighting with Thallon.

"Pagsisisihan mo ang ginawa mong ito, Niah. Isang malaking kahangalan na ipagpalit mo ang iyong tunay na pamilya para lamang sa lalaking iyan!" malakas na sabi ni Logan sa kabila ng labanan nila ni Shanella.

"I'm not Niah... Hindi rin ako magdadalawang isip na umanib sa Gibbous lalo na at alam ko ang kasamaang ginawa ng iyong ama," matapang namang sagot ni Shanella.

Hindi na rin talaga masyadong ikinokonsidera ni Shanella ang pagiging Sturgeon matapos nga ang pagbabagong nangyari sa kaniya. Takot na takot siya kanina nang malamang siya umano ang papatay kay Kai. Binalak na niyang labanan ang anumang udyok na mararamdaman niya, ang patayin ang pinakamamahal niya at ama ng kaniyang mga anak. Ngunit nagulat din siya nang wala siyang pagbabagong naramdaman maliban sa pagiging Sturgeon niya. Kaya naman pinaniwalaan na rin niya na maaaring tinalo ng pagmamahal niya kay Kai ang tadhanang nakaatang sa kaniya. Iyon na lamang ang dapat niyang paniwalaan.

Dahil sa malalim na pag-iisip, hindi kaagad naiwasan ni Shanella ang sumunod na pag-atake ni Logan sa kaniya. Sumadsad siya ngunit mabilis din siyang tumayo at tumalon upang makaiwas sa paparating pang atake ni Logan.

"Kai..." mahina niyang sambit nang mamataan si Kai na hindi pa rin gumagalaw at tila wala ng buhay sa loob ng cage. Dahil doon ay tumakbo siya papunta rito.

Niyugyog ni Shanella ang cage upang magising si Kai. Maging ang mga kasama ni Kai sa cage ay sinubukan ding gisingin ang lalaki.

"Ilapit niyo siya sa akin," utos ni Shanella sa mga kasama ni Kai. Nasa gitna kasi sa loob ng cage si Kai at nais niyang ilapit ito sa kaniya upang mahawakan niya.

Kaagad na ipinasok ni Shanella ang kamay sa cage upang mahaplos ang mukha ni Kai.

"Dumilat ka, mahal ko... Wala ka ng dapat pang ipag-alala dahil hindi mangyayari ang kung ano mang inaasahan ng mga Sturgeon..." pumatak ang luha sa mga mata ni Shanella at maging ang kaniyang mga tainga ay biglang bumagsak. She whimpered like a dog and wagged her tail hoping for Kai to open his eyes.

Dahil sa pagiging busy ni Shanella kay Kai, tila nakalimutan na nito si Logan. Naramdaman na lamang niya ang biglang paghapdi ng kaniyang likod. She knew that Logan's claws got into his back and she's too late to stop him. Umagos kaagad ang dugo sa kaniyang likod. She slowly released Kai's hands and tears flow from her eyes...

"I never knew that I'll be needing to kill you, Niah. This is all your fault," galit na saad ni Logan.

"E-even if y-you k-kill me... G-Gibbous will still grow and continue their race because of Kai... S-Sturgeons w-will never take over..." may panghihinang saad ni Shanella.

Mayamaya ay may isang Sturgeon na lumapit kay Logan.

"Wala ang mga bata, Alpha Logan," pagbabalita ng lobong iyon.

Logan growled so loud because of frustation.

"Find them and kill them!" sigaw ni Logan.

Mabilis na umalis ang lobong inutusan ni Logan. Nakaramdam naman nang matinding takot si Shanella para sa mga anak. Ang tanging aasahan na lamang niya ay si Gara. Na mapoprotektahan ni Gara ang anak nila ni Kai at umaasa rin siyang hindi mahahanap ang mga ito ng mga Sturgeon.

"Now, die, Niah. You are no longer useful," muling baling ni Logan kay Shanella at saka nito inilabas ang naglalakihang mga pangil na siyang gagamitin niya upang putulin ang ulo ni Shanella.

Ngunit bago tuluyang magawa ni Logan ang nais ay nagulat siya nang may isang malakas na puwersang humatak sa kaliwang paa niya. Nang alamin niya kung sino iyon ay nanggalaiti siya lalo. It was Kai. He looks like he's now in a good shape. Alam na kaagad niyang bumalik at lumakas na lalo si Kai.

Labis naman ang tuwang naramdaman ni Shanella nang makita at masagap ang malakas na enerhiyang nanggagaling kay Kai. She feels safe now.

Pinilit ni Logan na makawala sa pagkakahawak ni Kai. Sadya namang binitiwan ni Kai sa Logan dahil nais nitong daluhan si Shanella. Gamit ang kaniyang mga kamay, mabilis niya lang nabaliko ang pagkarehas ng cage na kinaroroonan niya. Matapos niyang makalabas sa cage ay kaagad niyang nilapitan si Shanella.

"Dadalhin kita kay Serena ngayundin. Kailangang magamot kaagad ang sugat mo," puno ng pag-aalalang sambit ni Kai at kaagad niyang binuhat ang nanghihinang katawang lobo ni Shanella.

Subalit sinugod ni Logan si Kai. Dahil doon ay binitiwan muna ni Kai si Shanella at saka hinarap si Logan.

"You can't kill me, Logan..." seryosong saad ni Kai.

"You're not the one I'm planning to kill. Si Niah ang may kasalanan kung bakit nakatayo ka ngayon sa harapan ko kaya siya ang pagbabayarin ko," galit namang sagot ni Logan at mabilis itong kumilos upang makalapit kay Shanella.

Sinigurado naman ni Kai na mas mauuna niyang mahawakan si Logan bago pa mahawakan ng huli si Shanella. Sila namang dalawa ni Logan ang naglaban. Malalakas ang mga natatamo ni Logan mula kay Kai. Subalit hindi sumusuko si Logan sa kagustuhang mapatay si Shanella.

Dahil doon, nagsimulang magpalit anyo si Kai. His claws started to grow underneath his fingers. Unti-unti ring nabalot ang kaniyang katawan ng makapal at puting balahibo. He growled as he was about to complete his transformation.

Ngunit hindi pinanood ni Logan ang pagbabagong nangyayari kay Kai, sa halip ay mabilis itong tumalon papunta kay Shanella. Ngunit sadya na palang nakahanda si Shanella sa paglusob na iyon ni Logan. Kaagad siyang umilag kahit na nakahiga siya dahil sa sakit na tinamo mula kay Logan kanina. Sa pag-ilag niyang iyon ay bumagsak naman si Logan sa dating puwesto ni Shanella. Iyon ang kaagad na sinamantala ni Shanella, kaagad niyang kinagat ang ulo ni Logan at mabilis iyong pinutol. Sinigurado niyang naroon ang kaniyang buong lakas upang tuluyang matanggal ang ulo ni Logan...

"H-huwag..." nanghihinang sigaw ni Rome habang gumagapang ito. Kanina pa pala nito pinipilit makalapit kina Shanella dahil mayroon siyang nais sabihin na hindi niya magawang isigaw dahil sa panghihina.

Wala namang magawa si Shanella kundi lingunin na lamang ang pagdating ni Rome. Hindi niya kagustuhan na mapatay ang anak nito. Hiniling niyang sana ay pinili na lamang ni Logan na umalis na kasama ang nasasakupan nito dahil sa pagbalik ng lakas ni Kai. Ngunit desidido si Logan na mapatay siya kaya naman wala na siyang nagawa kundi unahan ito.

Labis ang pagtangis ni Rome nang makalapit na siya kay Shanella. "M-Magkapatid k-kayo..."

Biting Her Only Fate (Werewolf/Breeders - PiP Collaboration Series)Where stories live. Discover now